Chapter 42: Dating the STRANGER
DRIEL'S POV 💋
Bakit kaya ang tagal ni Pia?! Hindi na niya talaga naalis yung pagiging pagong niya pagdating sa pagpili ng isusuot.. Naalala ko dati noong pupunta kami sa party sa bahay..
[ ** Flash Back ** ]
Mag iisa't kalahating oras na pero hindi pa rin siya natatapos sa pag aayos 😒..
"Pia lets go. Stop changing your clothes. Its already 8:30!!" - Driel
"Hold your horses!! Last ten minutes. Just be patient!!" - Pia
Siya na nga yung matagal siya pa yung galit. Tiktok-tiktok!! Makalipas ang 30 minutes hindi pa din siya lumalabas 😣..
"Ate susi nga po ng kwarto ni Pia. Pwede po ba?" - Driel
Sige Driel pasukin mo na para makaalis na kayo.. Anong oras na oh? Kanina pa sila naghihintay sa bahay..
"Wait lang po Sir. Kukunin ko lang po" - Kasambahay
Hay. Nakailang buntong hininga na ako..
"Sir heto na po.." - Kasambahay
"Salamat po" - Driel
Pagkabukas ko ng kwarto niya. Nakita ko siyang nakapambahay. Nakatulog na 😣 hindi din siya paasa!! Nagpapahintay sa wala.. Aaaaahh.. Mababaliw ako sa babaeng to!! Paglapit ko sa kanya. Sobrang himbing na ng tulog niya. Ang amo ng mukha niya. Ewan ko ba kung bakit ako nagkagusto sa babaeng to.. eskandalosa na nga napaka party girl pa.. Palagi siyang nakangiti.. Pero kung kikilalain mo siya sobrang lungkot ng buhay niya punung-puno ng problema sa pamilya at kung pagmamahal naman ang pag uusapan kulang na kulang siya nun. Pilit niyang pinapakitang masaya siya pero ang totoo sobrang nahihirapan at nasasaktan siya. Hindi ko lubos maisip na makakakilala ako ng isang tao na kayang tumawa ng malakas at palaging nakangiti habang nakakaranas ng matinding sakit sa puso niya. Sobrang bilib ako sa kanya..
[ ** End of Flash Back ** ]
Wow. Himala wala pang isang oras nandito na siya. Simple na din siya magsuot hindi na siya gaya ng dati. Simple pero elegante. Masasabi kong hindi talaga nagbago yung pagmamahal ko para sa kanya. Makita ko pa lang siya okay na ako. Buo na yung araw ko.
Pipilitin kong ibalik yung nasirang relasyon namin dati. Hindi na ko makakapayag na sirain pa ito ng kahit na sino..
Dadalhin ko siya sa dati naming pinupuntahan. Uulitin namin mula simula yung tipong parang wala pa kaming pinagsamahan. Dating the STRANGER kumbaga. This is a new beginning. MaRESET man lahat ng meron kami. TADHANA pa rin ang magtatagpo sa amin dahil kami ang nakalaan para sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Reset
Fiksi Remaja"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...
