Chapter 40: One More Chance

27 2 0
                                        

Chapter 40: One More Chance

Ano kayang susuotin ko mamaya? Hay excited na akong magparty ulit.. Nakakamiss din pa lang magbar.. 😁

"Ma'am hinahanap po kayo ni sir Driel" - Kasambahay

Wow. Bakit kaya nandito to? Ano naman kayang kailangan niya? Sana yayayain niya akong lumabas.. Sana sana..

"Sige po. Bababa na ko.." - Aps

Pagkababa ko ohh? Ang simple ng damit niya pero sobrang gwapo niyang tignan. Artistahin!!

"Hello? Anong kailangan mo?" - Aps

"Kmmmm mmmm. Pwede ba kitang yayain lumabas?" - Driel

Nuxx. Teka kinilikig ako.. Gusto kong sumigaw.. Umayos ka Pia. Huwag na huwag kang sisigaw sa harapan niya baka anong isipin niya..

"Ay hindi ako pwede. May pupuntahan kasi kami mamaya nila Anika" - Aps

Pilitin mo ako papayag ako.. Bilis na makaramdam ka naman..

"Pinaalam na kita kanina sa kanila.. Sunod na lang daw tayo doon" - Driel

Wow!!Tinaas ko yung isang kilay ko.

"Ha? Bakit naman?" - Aps

"Gusto ko sanang bumawi sayo sa lahat ng nasayang dati. Ayoko na ulit mawala ka pa. Naniwala kasi ako dati kay Anika kaya nasabi ko lahat ng yun. Sana bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ko na wala ng sino man o ano man ang makakapaghiwalay sa atin.. Please?" - Driel

Direct to the point!!

"Ay para pala sayo" - Driel

Isang bouquet ng tulips na pink.. Ang ganda

"Thank you. Sige wait lang magpapalit lang ako" - Aps

Yinakap niya ako bigla..

"Thank you Aps dahil binigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Hindi ako mangangako dahil ayaw kong magkaroon ng pwedeng makasira pa ulit sa atin. Ipapakita ko na lang lahat ng kayang kong gawin maniwala ka lang sa akin ulit" - Driel

Pagkatapos niyang sabihin yun nanatili kaming sa ganung position.. Makalipas siguro ang ilang minuto humiwalay na siya. Nakita kong namasa pa yung mga mata niya..

"Umiyak ka ba? Ay teka diba may fiancee ka? Baka magalit sa akin yun?" - Aps

Buwisit bakit kasi may fiancee na siya.. Impakta naman yung babaeng yun mangaagaw 😣 Bakit ba ako naiinis? Hmmm kumukulo yung dugo ko sa fiancee niya..

"Hindi magagalit yun. Sobrang matutuwa pa nga siya.." - Driel

Tapos ngumiti siya..

"Ha? Seryoso ka ba sa sinabi mo? Siya lang ata yung fiancee'ng hindi magagalit kapag bumabalik sa ex niya yung taong mahal niya" - Aps

Lalong lumaki yung ngiti niya..

"Hindi. Sige magbihis ka na"-Driel

Umalis na ako. Ibang iba yung Driel na nakilala ko sa school sa Driel ngayon. Ganito pala nagagawa ng pagmamahal. Kahit gaano pa katagal ang panahon na lumipas babalik at babalik pa din siya sayo kasi mahal ka niya at gagawin niya lahat para lang bumalik ka sa kanya. Hindi lahat ng tao gagawa ng paraan para lang makabalik ka sa buhay nila kaya dapat pahalagahan natin sila. Huwag natin silang ipush para lumayo..

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon