Chapter 37: AMSTERDAM

22 2 0
                                    

Chapter 37: AMSTERDAM

Pagkagising ko nasa sasakyan kami papunta sa kung saan.. Ang hapdi ng mga mata ko.. Ang sakit ng ulo ko..

"Mey gising na si Pia" - Ate ko

"Goodevening sweetie. Mag ayos ayos ka na ng sarili mo.. Malapit na tayo sa airport" - Mey

Nang dahil siguro sa pagod at stress kaya ang sama ng pakiramdam ko.. Isang oras lang kasi yung tulog ko pagkauwi namin kaninang umaga galing sa bahay nila Mickey .. Ang haba naman ng tulog ko ngayon..

"Mey saan tayo pupunta? Ano bang nangyari sa akin? Ang sakit ng ulo ko" - Aps

"Pupunta tayong Netherlands.. Bigla ka na lang daw natumba kanina habang nakikipagtalo ka kila Vanessa sabi nila Mickey.. Kinuwento sa amin ni Mickey lahat ng nangyari. Okay ka lang ba anak?" - Mey

Hindi ako umiimik.. Naalala ko nanaman yung mga nangyari kaninang umaga.. Sobrang sakit malaman lahat ng katotohanan. Hindi ko lubos maisip na pagkakamali lang pala lahat ng yun.. Nasira yung matagal naming samahan ni Vanessa. Sinira niya ng dahil lang sa lalaki.. Hindi ko na alam..

Biglang tumigil yung sasakyan.. nasa airport na pala kami.. Heto ba yung solusyon sa mga nangyari? Ang lumayo sa mga taong malapit sa akin.. Haaay ang gulo ng isip ko ngayon hindi ako makapag isip ng tama..

"Sa Amsterdam? Mey doon na ba tayo titira?" - Aps

"Oo anak. Kailangan natin to lalong lalo ka na. Tama na lahat ng paghihirap mo.. Sobra na yung mga naranasan mo para madagdagan pa. Pagdating natin sa doon magsisimula tayo ulit bilang isang simpleng pamilya.. wala nga lang sina Mickey.. Sana anak maintindihan mo kung bakit namin to ginagawa" - Mey

Napabuntong hininga ako.. Tama si Mey. Kailangan ko to.. Gagawin ko lahat para makalimutan ko yung mga nangyari sa akin.. Sana hindi na lang naiungkat yung nakaraan ko. Sana hindi na lang sila bumalik sa buhay ko. Yung simpleng buhay ko noong na kina tita pa ako hmmm pero nung dumating sina Vanessa naging komplikado na..

--

Welcome to Amsterdam 😊

Biglang nawala lahat ng problema ko nung nakita ko yung lugar. Dati nababasa ko lang sa mga magazine at internet pero ngayon nandito na ako mismo. Ibang iba yung feeling.. Huooo ang lamig.. Habang papunta kami sa bahay na titirhan namin.. Kumukuha ako ng mga litraro ng mga nadadaanan namin. Grabe sobrang ganda dito. Siguro nga makakapagbagong buhay kami dito.. Malayo sa problemang nakasangkutan ko dati kaso malayo naman kami sa mga kaibian ko.. Huehuebels..

"Pia ang daming tulips oh" - Ate ko

"Wow ang ganda. Dy stop muna tayo.. Kuha tayo please?" - Aps

Nagpapacute pa ako para naman effective..

"Sige pero saglit lang tayo ha? Mag aayos pa kasi tayo sa bahay na titirhan natin.." - Dy

"Thank you dy. Oo saglit lang tayo promise.." - Aps

Kumuha ako ng iba't ibang kulay.. Tapos umalis na kami baka may makakita pa malagot pa kami..

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon