Chapter 45: Under the Rain
Pagkalabas namin naku ang lakas ng ulan parang ang sarap maligo. Bata pa ako noong naligo kami sa ulan.. Noong naramdaman ko yung patak ng ulan sa kamay ko.. Yan na.. Naiingganyo na akong maligo...
"Pia halika na.. Silong ka na lang dito sa jacket ko.." - Driel
Habang naglalakad kami napatigil ako bigla at umalis sa jacket ni Driel. Sarap maligo 😁✌️ waaaah para akong bata.. Namiss ko to.. Paikot ikot lang akong nakapikit..
"Halika na magkakasakit ka jan sa ginagawa mo" - Driel
Ang kj naman ni Driel. Minsan na nga lang mangyari to!!
"Hindi yan. Sige na please ngayon lang" - Aps
Pumayag din siya. Habang naghahabulan kami sa ulan. Bigla kong naalala yung mga nangyari sa panaginip ko.. Yung bata.. Haha ewan ko ba kung panaginip lang ba yun o nangyari na sa nakaraan ko.. Well baka panaginip lang talaga.. Bwisit kasing machine yun bakit ginamit pa nila sa akin 😣😣
[ ** Flash Back ** ]
Habang naglalaro ako sa ulan may nakita akong bata sa may swing..mag isa niya doon sa may swing na nakayuko.. Nilapitan ko siya..
"Hello. Bakit mag isa ka lang dito?" - Aps
Ang pula ng mata niya. Umiiyak ata.. Hindi siya umiimik..
"Umiiyak ka ba? Kung may nangyari man kalimutan mo na yun.. Bata pa tayo dapat mag enjoy lang yung ginagawa natin.. Halika maglaro na lang tayo para kahit papaano mawala yang dinaramdan mo" - Aps
Bigla siyang ngumiti at yinakap ako ng batang lalaki..
"Salamat ha? Sige halika maglaro muna tayo. Ako nga pala si Yel ikaw sino ka?" - Yel
Ang ganda naman ng pangalan niya..
"Apple" - Aps
Bigla lang natawa..
"Seryoso ka? As in yung prutas na apple? Hahaha .." ( napansin niya sigurong sumimangot ako kaya bigla siyang sumeryoso ) kmmm can I call you aps?" - Yel
Tapos ngumiti siya..
"Sige" - Aps
"Heto oh. Sayo na lang tong kwintas ko. Binigay yan ng mommy ko noong birthday ko last month. Ingatan mo ha?" - Yel
Ang yaman naman ng batang to.. Bakit kaya niya ako binigyan nito..Noong tignan ko yung pendant may nakaukit na Yel sa likod ng susi.. Isa siyang white gold na kwintas. Sinuot niya sa akin..
"Bakit mo binigay sa akin ito?" - Aps
"Ikaw kasi yung kauna unahang girl na naging friend ko and it makes me feel better kapag nakangiti ka. Simula ngayon ikaw na ang girl bestfriend ko. Huwag mo akong iiwan ha? Promise?" - Yel
"Pero kasi.." - Aps
"Wala ng pero pero. Halika na laro na tayo" - Yel
"Sige. Ganito Yel habulan tayo ikaw ang taya ha? Pag nahawakan mo ako. Ako naman ang hahabol sayo" - Aps
"Sige" - Yel
Habang masaya kaming naglalaro sa ulan bigla na lang siyang natumba. Umiiyak na ako kasi hindi ko alam yung gagawin ko buti na lang may dumating. Yaya niya siguro at kinuha na siya..
[ ** End of Flash Back ** ]
At nahuli na nga niya ako. Tapos pagkaharap ko bigla na lang akong natumba buti nasalo niya ako. Grabe ang ganda ng mga mata niya. Napaka innocente.. Makikita mong sobrang ningnging parang diamond. Lol. Grabe nakatingin lang siya sa akin. Heto nanaman tong nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan. Aaaaahhh Ano ba Driel? Ano bang ginagawa mo sa akin? Hmmm isip isip.. Huwag kang gagalaw baka ma out balance kayo.. Grabe nakakahiya..
"Kmmm. Pwede bang tumayo?" - Aps
"Ah? Sige" - Driel
Bigla siyang namula. Gusto kong tumawa ng malakas pero naisip baka mapahiya lang siya.. Pumikit na lang ako.. Si Driel na may napaka gandang mata.. Sarap titigan!!! Samey!!
BINABASA MO ANG
Reset
Teen Fiction"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...