Chapter 29: May FIANCEE na daw siya

27 2 0
                                    

Chapter 29: May FIANCEE na daw siya

Nandito ako ngayon sa hospital para makausap si Miko. Siya kasi yung palaging nagbabantay kay Darielle.

"Hi. Goodmorning!" - Aps

Nabigla si Miko sa pagdating ko..

"Anong ka-i-langan mo? Bakit ka nandito?" - Miko

Ramdam kong kinakabahan siya.

"Huwag kang mag-alala alam ko na. Bakit masama bang pumunta dito?" - Aps

"Hindi naman pero kasi.." - Miko

"Pero ano? Hay naku Miko. Bakit niyo ba pilit tinatago ang lahat? Nadulas si Vanessa kahapon. Alam ko na din yung panlolokong ginagawa niya. Pwede ba kitang makausap ng masinsinan? Alam kong ikaw lang ang makakasagot ng lahat ng bumabagabag sa akin kasi may kaugnayan ka kay Anika at Vanessa. Pati sa iba. Nakakatuwa no? Masaya bang paglaruan ako?" - Aps

Tumawa ako para naman makita niyang kunwari masaya ako pero sa totoo lang hindi ko na alam yung gagawin ko. Pinipilit ko na lang ipakitang okay ako.. Sobrang nagihirapan na ako.

"Pia. Pwede bang huwag kang magsalita ng ganyan? Hindi ka namin pinaglaruan. Napilitan lang kaming itago ang lahat kasi tinakot niya kami." - Miko

Paliwanag niya..

--

MIKO'S POV

Sa lahat ng tao bakit si Darielle pa yung naaksidente.. Hindi talaga matatahimik si Vanessa hanggang hindi nakakapaghiganti..

Gusto ko ng sabihin yung totoo kay Pia pero natatakot ako na baka hindi lang ito ang magawa niya kay Darielle. Ayoko ng dagdagan pa yung pasakit na ginagawa ni Vanessa.

Lahat dinadamay na niya. Sinira na nga niya si Anika dati tapos ngayon si Darielle naman yung pinahamak niya. Gusto ko ng tapusin yung kahibangan niya..

Sa pagpunta ngayon dito ni Pia dapat na niyang malaman lahat..

"Sige na magsabi ka na ng nalalaman mo? Parang awa mo na!" - Pia

Nagpapakababa na siya para lang sa nakaraan niya..

"Sige magkwekwento ako.. Bago yung gabing uminom si Anika.." - Miko

[ ** Flash Back ** ]

"Miko alam nating napamahal na si Anika kay Driel. Higit pa sa pagkakaibigan. Paano kung iadvice ko siyang gumawa na ng paraan para makuha na si Driel? Para matapos na yung paghihiganti ko. Kung nangyari yun magiging panatag na ako." - Vanessa

"Vanessa kalimutan mo na yung paghihiganti na yan. Alam kong napamahal ka na din kay Pia. Diba tinuturing ka niya na kapatid? Bakit mo pa sasayangin yun. Si James ang humabol kay Pia hindi si Pia ang naghabol kaya wala kang karapatan para maghiganti. Oo alam natin na namatay si James dahil hindi niya matanggap na hindi matutumbasan ni Pia yung pagmamahal niya. Nakalimutan mo na ba? Naaksidente siya dati na walang alam si Pia. Tama na!! Gumising ka na nga jan sa kahibangan mo!!" - Miko

Pagpapaliwanag ko kay Vanessa. Sobra na siya. Oo pinagkakatiwalaan niya ako pero hahayaan ko ba pang may mapahamak dahil sa kahibangan niya.

"At bakit? Kasalanan niya to!! Kung sana kasi hindi siya malandi. Hindi naman siya hahabulin ni James siya ang unang nagbigay ng motibo!!" - Vanessa

Pagdedepensa niya kay James. Grabe.

"Paano ka nakakaalam na si Pia ang nagbigay ng motibo? Oo alam din natin na party girl si Pia at mahilig sa one-night-stand pero may rule siya na NO-STRINGS-ATTACHED!! Nahulog si James sa kanya. Kaya wala siyang kasalanan doon!!" - Miko

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon