Chapter 9: Sa Restaurant
Maaga akong nagising ngayong araw na to ah.. Sobrang excited ko ba? Aahhaha alas singko pa lang.. may date kasi kami ngayon ng baby loves ko.. 😁😁 mag-aayos ako ng bonggang bongga para maging maganda sa paningin niya.. dapat yung tipong irarampa talaga ang ayos ko hindi yung parang chaka na ewan.. Paano ba? ( isip isip ) nagsimula ako sa pagtingin ng magandang isusuot hindi gaanong elegante hindi din parang nasa palengke lang.. nakakita ako ng isang navy blue na palda at isang white na may konting design na parang sando.. sa bag naman kinuha ko yung isang aero na kulay gray para tumugma sa outfit ko at para naman sa shoes.. isang wedge.. yung tama lang yung taas para komportable.. Naglagay din ako ng konting powder, blush on at lip tint para maging blooming ang peg.. at pagkatapos ng ilang oras na problema tadaaahh. ready na ako at sakto naman sa oras ng paglabas namin ng baby loves ko..
Knock knock..
"Nanjan na si Kyle ng buhay mo.. o sabihin na nating man of your dreams.. ( hay grabe alam talaga ng magaling kong kapatid ).." - Ate Ko
"Sige ate paki sabi bababa na ako aayusin ko lang tong mga ginamit ko.. 2minutes lang.. thank you " - Aps 😊
"Sige bilisan mo alam ko din naman na sobrang excited ka" 😄😁 - Ate Ko
Pagkababa ko napangiti siya pagkakita sa akin.. aba may pinaglalaban na ako.. may ibubuga pala yung effort ko..
"Ready ka na?" - Kyle
Obvious ba? Sa ayos kong to ..
"Oo.. tara?" - Aps
"Sige" - Kyle
At nagpaalam na kami sa mga tao sa bahay baka hindi pa kami makalabas dahil sakanila kaya minadali ko ng lumabas ng bahay.. tawa lang sila ng tawa dahil sa ginawa ko.. aba mahirap na no baka maforfeit pa.. sayang effort pag ganun..
Makalipas ang ilang minuto nakarating kami sa isang mall.. Mejo malayo layo din kaya to..
"Saan mo gustong kumain? Hindi ka pa daw kasi nagbreakfast sabi ng mga kapatid at mga pinsan mo ..kakaayos.." - Kyle ( sabay palihim na tumawa )
Ay ganyanan ha? Nag effort ako't lahat lahat tas ganito lang? Nakakabadtrip kaya bumusangot na lang ako.. nakakainis naman oh.. hindi na lang sana ako nag ayos!! 😠😡😤😣
"Bat ka tumatawa jan?! ( Nagagalit mode na ) nag effort pa man din ako.. tas ganyan ka pa!! 😠 sa susunod alam ko na.. uwi na tayo!! " - Aps
Pero sa isip at puso ko sana huwag pa.. Sana pigilan mo ako.. magpakasweet ka naman.. hayy umayos ka apple huwag umasa!!
"Sorry na oh.. kasi naman po hindi mo naman na kailangan pang mag ayos pa ikaw lang sapat na.. Makasama lang kita okay na.." - Kyle
Parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko.. sobrang init.. halla nangangamatis na ako.. 😔
"Ha?" - Aps
Yun lang nasabi ko.. grabe naman kasi
"Sabi ko ikaw lang sapat.. Alam mo kahit ano pa ugali mo o kahit ano ka pa mamahalin at mamahalin pa din kita.. walang sino man o ano man ang makakapigil nun.. bat kasi hindi ka kumain? Ayun tuloy inasar ka nila kanina.. pero hayaan mo na kain na lang tayo.. sasabayan na lang kita kahit kumain na ako ng breakfast.. 9 na kaya oh" - Kyle
Sobrang sweet talaga niya.. ang swerte ko.. (aaahhhhhh) sana Lord hindi panaginip lahat ng to..
"Gusto ko lang naman maappreciate mo😔" - Aps
"Naappreciate ko naman kaso nga lang bakit mo pinapabayaan yang sarili mo? Dapat kalusugan mo muna bago yung kung ano ano jan.. okay?" - Kyle
Ang lumanay ng pagkasabi niya pero parang galit naman siya.. hay tama siya.. tagos yun sa mga organs ko ha pati sa buto..
"Oo na.. Sige kain na tayo nagugutom na ako.. Bahala ka na kung saan.." - Aps
Hindi niya napigilan yung tawa niya.. sobrang lakas.. napangiti na lang ako dahil dun.. Teka dapat ako yung masusunod dito.. hmm
--
Sa restaurant..
"Goodmorning ma'am.. sir Kyle" - sabi nung crew
Kilala si kyle dito ah.. siguro palagi siya dito.. ang yaman.. Ngumiti lang ako dun sa lalaki tapos ipinunta kami sa isang table.. aba sosyal!! Tapos pinagtitinginan kami sa restaurant.. ay artistahin ang peg? At may biglang tumawag kay kyle tapos kinausap niya saglit..
"Anong gusto mong kainin?" - Kyle
"Adobong hito at beef steak tas gusto ko ng strawberry shake 😍😊" - Aps
Woooh.. nakakatam..
"Buttered chicken pa.. at dalawang order ng banana flambae" - Kyle
Halata mong mayaman yung may ari nitong restaurant na to bukod kasi sa nag gagandahang lamesa at upuan.. mapabintana at pintuhan parang gold ang presyo disenyo pa lang.. Makalipas ang 15miutes siguro ..nandito na ang aming masasarap na pagkain.. Kainan na!! 😊😁😁😍😍
Pagkatapos naming kumain aalis na sana kami nung may biglang natalisod na crew at natapon yung tubig sa damit ko.. napansin kong napangiti yung isang babae.. inggit much? Mangarap siya akin lang ang baby loves ko nu!!
"Ay ma'am sorry po.. hindi ko po sinasadya.. babayaran ko na lang po yang damit ..( hindi ko na siya pinatapos magsalita nagsalita na ako)" - Kuya Crew
"Hindi okay lang po tubig lang yan kuya.. huwag kang mag alala hindi pa ko mamamatay dahil lang sa tubig.. huwag niyo na pong bayaran.. nanggaling lang to sa tiangge" - Aps
kahit halatang hindi naman.. sinabi ko lang yun para matawa siya at hindi na kabahan at nagtagumpay nga ako tumawa siya at yung iba pang crew pati na rin si Kyle .. At nakita kong umirap yung babae ahhaha ang saya.. at nginitian ko na lang..
--
Authors note:
Kahit ano pa ang nagawa sayo ng isang tao kailangan mo padin siyang patawarin.. kahit gaano pa ito kalaki o kaliit.. kasi walang perpektong tao ..malay mo nangyari lang yun kasi may dahilan at may magandang mangyayari sa susunod.. Hindi lahat ngbagay nadadaan sa init ng ulo.. maging mabait sa lahat.. matuto tayong mahalin yung mga taong nasa paligid natin kahit hindi natin sila kaano ano.. isipin mo din na kapag ikaw yung nasa sitwayon nila ano yung mararamdaman mo..
#SPREADLOVE😘😁💋
BINABASA MO ANG
Reset
Teen Fiction"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...