Chapter 43: WANTED
APS/SOFIA'S POV 💋
Ang sarap niyang titigan. Sobrang cute niya lalo na kapag nakangiti parang bata.
"Oh? Bakit may dumi ba ako sa mukha? Baka mamaya matunaw na ako niyan" - Driel
Bigla siyang ngumiti. Wow laki ng ngiti niya.
"Wala naman. Masarap ka lang titigan" - Aps
Bigla siyang namula. Hay ano ba yung sinasabi ko? Pakiramdam ko mangangamatis din ako ng wala sa oras.. Huwag mong sakyan yung sinabi ko parang awa mo na.
"Uhmp! Ay akala ko ako!" - Driel
Ha? Ano daw? Sobrang init ng fez ko teh 😣 buwisit sabi ko na nga ba dapat hindi ko sinabi yun. One wrong move!! Pero bakit iba yung naramdaman ko kinikilig ata ako. Seryoso na to. Hindi yung pakiramdam na sinabi mo lang. Bigla na lang. As in BOOM!! heto na yung feeling na yun.. Sakyan mo na lang Pia. Sinimulan mo tapusin mo!! Umayos ka!! Hay huwag na pala baka mahulog ka sa sarili mong biro.. baka ano pa magawa mo..
"Halika magkinec na lang tayo. Wala ng tao doon oh. Padamihan ng score kung sinong talo kakanta doon sa videoke" - Aps
Sisiguraduhin kong kakanta ka. Magaling kaya ako sa mga ganito akala mo ha? Naging leader kaya ako dati ng sayaw..
"Sige ba. Tinatanggap ko yang hamon mo. Basta walang dayaan ha?" - Driel
"Kailan pa ako nandaya? Makapagsalita ka naman jan. Baka nakakalimutan mo ikaw tong unang nandaya kanina kaya huwag kang magsalita ng ganyan!!" - Aps
Bigla siyang tumawa.
"Halla. Hindi ko sinadya yun. Talagang magaling lang ako at natapilok yung babae kanina kaya ka niya nasagi at isa pa ikaw kaya tong nangingiliti sa bewang ko para matalo ako" - Driel
Nakangiti lang siya. Nababaliw nanaman..
"Halika na nga. Ayan na magsisimula na" - Aps
Bawat beat ng kanta mapapasayaw ka talaga. Bawat hataw pakiramdam ko nailalabas ko lahat ng sama ng loob ko. Yung tipong wala ng problema sa mundo at ikaw lang yung tao sa lugar na yun.. Namiss ko tong gawin matagal tagal na din kasi noong tumigil akong sumayaw mula noong napagalitan ako dahil late ako ng 10 minutes. Grabe yung instructor ipahiya ba naman ako ng todo todo ni hindi na nga makain ng aso!! Wala man lang warning!! First time ko kayang na late dati.. Kinaumagahan nun hindi na ako pumunta sa lugar na yun. Sa sobrang sama ng loob ko dati naparami yung inom ko..
"Perfect!! Yessss raise to 25!! Hahahha panalo ako 😜" - Aps
Nuxx. Magaling pa pala akong sumayaw 😂😂 nung tignan ko yung kay Driel mangiyak ngiyak na ako.. Mas mataas yung score niya kaysa sa akin 😱😭 bakit ganun? Mas magaling pala siya sa akin.. May tinatago palang galing tong mokong na to.
"Oh? Ano ba yan? Talo ka kakanta ka 😄" - Driel
"Oo na. Halika na para matapos na!!" - Aps
😣 - Aps
😁 - Driel
Pagtingin ko sa likod ko may kausap siyang babae. Biglang kumulo yung dugo ko at bigla kong nai-close yung fist ko sa galit!! Bakit ko ba nararamdaman to. Hindi pa naman kami!! Hindi pa?! Hay ano ba tong inaasal ko!! Huwag kang magisip ng kung ano ano Pia. Walang kayo at Hinding hindi magiging kayo!!
"Ano okay na ba?" - Driel
Kalma!! Baka kaibigan lang niya yun.. Inhale-Exhale!!
"Ha? Wala pa. Wait lang" - Aps

BINABASA MO ANG
Reset
Novela Juvenil"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...