Chapter 50: The Fashion Show
Halla buti nakaabot pa ako.. Nag aayos pa lang sila.. Ang dami ng tao sa labas at mejo kinakabahan na din ako.. ( paypay gamit kamay sabay hinga ng malalim )
"Migs baka naman pwedeng makabalik ako sa show.. Wala namang panama yang Sofia na yan. Baka mapahiya lang kayo!! Kung ako ang kukunin niyong lead model panigurado magiging successful yung event.." - Stacy
Hindi pa din ako napapansin ni Miguel kasi busy pa siya sa ibang model at kay Stacy.. Walang hiya talaga tong babaeng to.. Inalis na nga siya may gana pa siyang magpakita dito.. Kahit gaano ka pa kaganda kung sobrang itim naman ng budhi mo ..ang labas nun pangit yung pagkatao mo sa mata ng mga nakapaligid sayo.. Lumalaban ka lang sa physical na kaanyuan pero pag ugali ang pag uusapan nasa baba ka..
"Kmm darling.. I'm so sorry.. The bottom line is SHE'S HOT AND YOUR NOT!! So? What are you doing? Go away!!" - Miguel
Napangiti na lang ako.. Sakto pag alis ni Stacy na nabwibwisit nakita niya ako.. Hahhaha buti nga sa kanya.. 😝
"Hi Pia. ( beneso beso niya ako ) Sige mag ayos ayos ka na kasi mag sisimula na din yung show.." - Miguel
Bumalik na siya pag che-check ng mga model.. Grabe busy lahat.. Natataranta na ako kasi hindi pa ako naayusan anong oras na malapit ng magstart.. Relax Pia Relax.. Hingang malalim.. Kalma lang. Tiwala!!
Makalipas ang ilang minuto natapos na ang pag aayos.. Waaaah pagkaharap ko sa salamin.. DYOSA!! Chos 😂😂 .. Halla anyare sa dating ako biglang nawala. Ako ba talaga to? Sobrang ganda naman ata!! Hehe.. Tumingin tingin ako sa paligid nakatingin silang lahat sa akin na nakangiti.. Naku huwag niyo akong tignan ng ganyan parang awa niyo na baka lumaki yung ulo ko..
"Wow Pia. You look STUNNING 😊" - Miguel
Lumaki yung ngiti ko.. Hmmm !! Dapat maging confident sa sarili..
"Thank you" - Aps
With matching pacute pa.. Lol 😂😂✌️
--
STACY'S POV 🌟
Binabaliwala na ako ng dahil sayo SOFIA APPLE MONTENEGRO FERTZ!! Yung pinaghirapan kong makuha ng ilang taon nakuha niya ng ganoon lang kadali!! Wtf?! Ano bang klaseng babae to?! Humanda ka ikaw naman ngayon ang mapapahiya sa gagawin ko..
Ano naman ngayon kung ganyan ka kaganda?! Naayusan ka lang.. Makapagpacute wagas.. FEELING!!
Isip isip.. Buti may natira pang pintura dito sa storage room.. Nilagay ko siya sa pinakacenter ng lights sa taas para kung iikot yung light matatapunan siya.. Halla mejo mataas din pala dito.. Katakot.. Habang rumarampa yung ibang candidate nagready na din ako pearls para madulas siya.. Ibubuhos ko na lang to bago bumuhos yung pintura sa pagmumukha niya..
"Oh? Stacy anong ginagawa mo jan?" - Kuya Fred
"Ah wala po.." - Stacy
Ayan na siya na ang rarampa.. Humanda ka sa akin.. Teka bakit parang lumilindol..
"Aaaaaaahhhhh.. Aaahh ..aray.. Aray.. Aahhhh" - Stacy 😣
Nadulas ako sa mga pearls na nahulog at Paaak.. Natapon yung pintura.. Sa akin!! 😭😭 nagkagulo gulo na din sa stage pati ibang model nagkanda hulog hulog na din.. Kung minamalas ka nga naman.. Grabe sobrang nakakahiya.. Ano bang problema ng mga taong to.. Kuha sila ng kuha ng litrato.. Sirang sira na yung image ko.. 😭😭Paano na ako neto? Lahat ng pinagpaguran ko sa isang iglap nawala na ata lahat.. Pag angat ko ng mukha ko si Sofia inaabot niya yung kamay niya para tulungan ako.. Naiiyak ako.. Well hindi ko aabutin yung kamay niya dahil kung hindi dahil sa babaeng to hindi mangyayari lahat ng to sa akin.. Tumayo na ako..
"Ahhhh. ( shinake ko yung ulo ko ) Hindi ko kailangan ng tulong mo.. Kaya kong tumayo mag isa!!" - Stacy
Magwo-walk out na sana ako nang nadulas ulit ako.. Ayoko na !!! Hindi ko na pipilitin pa.. Masasabi kong hindi nga talaga ako para dito sa lugar na to.. Siguro nga para kay Sofia talaga.. Inabot nanaman niya yung kamay niya.. Nakangiti siya.. Sobrang ganda niya..
"Halika tumayo ka na. Sorry ha? Hindi naman mangyayari lahat ng to kung hindi ako dumating dito. Sana ikaw ang lead model.. Kung inaakala mong inagawan kita ng pwesto nagkakamali ka.. Naki usap ako kanina kay Miguel na pabalikin ka na at ako na lang sa pwesto mo at pumayag siya kaso bigla ka naman nawala kaya pinanindigan ko na yung role ko.. Kaya kung hindi mo masasamain heto ako inaabot ko yung kamay ko para mabawasan yung laki ng galit mo sa akin.. Hayaan mo pagkatapos nito makakabalik ka na sa pwesto bilang number one model nila" - Sofia
Biglang bumuhos yung luha ko.. Iba yung inisip kong pagkatao na meron siya..Kabaliktaran.. Kapag kasi tinignan mo siya.. Siya yung tipong napakamaldita.. Simpleng malandi at napakafeeling ganun.. Hindi ko kasi binigyan yung sarili ko ng time para obserbahan muna siya.. Sa mga kinikilos niya.. Kapag nakikita ko siya nauuna yung init ng dugo ko kaya puro negatibo yung naiisip ko pero nagkamali ako.. Bakit sobrang bait niya? Ang laki ng naging kasalanan ko sa kanya pero heto siya ngayon tinutulungan ako.. Inabot ko nalang yung kamay niya..
"Huwag ka ng umalis bilang model bagay sayo yan. Nakita mo naman biglang dumami yung tao noong nandito ka na hindi gaya dati..Sorry sa mga inasal ko noong bagong pasok ka pa lang pakiramdam ko kasi binaliwala na lang ako ng ganun ganun na lang matapos ang matagal na panahon na paghihirap ko sa industriyang ito.. Siguro nga hindi talaga ako para dito. Ngayon natutunan ko mula sayo ang pagiging mapagkumbaba at pagiging mapagmahal sa lahat ng bagay lalong lalo na sa ginagawa at sa mga kasamahan sa trabaho mapabago o hindi.. kasi sa tagal ng panahon na nandito ako ang iniisip ko lang maging sikat at magkaroon ng perang pantustus sa mga pangangailangan ng pamilya ko.. Kaya ko nagawa lahat yun sayo kasi kung meron ka na mawawala na din lahat sa akin pati pagkatao ko.. Mahal ko ang magmomodelo pero hindi na ata tama yung pag uugali ko dahil lang sa pag aasam ko ng hindi naman talaga para sa akin.. Thank you dahil pinarealize mo sa akin lahat ng to Sofia" - Stacy
Ngumiti ako sa kanya at biglang nagpalakpakan yung tao.. ah? Ano daw yun?? ENEBEYEN.. Hay nasira yung fashion show nang dahil lang sa insecurities ko.. May mga bagay talaga na napakahirap tanggapin sa sarili natin kasi nasanay na tayo sa mga meron tayo at nadadagdagan pa pero darating pala yung panahon na bigla na lang maglalaho to ng hindi natin inaasahan kasi may mga taong bigla na lang umuusbong.. Siguro nga may magandang mangyayari sa susunod maghintay lang tayo..
BINABASA MO ANG
Reset
Novela Juvenil"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...