Chapter6: DREAM COME TRUE
Haay.. Goodmorning sunshine!! 😊 ang ganda naman ng gising ko.. kahit sabihin pa nating nabadtrip ako kagabi ng bonggang bongga..
Nung tignan ko yung oras alas sais palang.. nasanay na talaga akong gumigising ng ganito kaaga.. Nag-ayos na ako ng gamit, ginawa lahat ng kaekekan pag umaga.. At taddaaahhh. I'm supah ready.
Mamamasyal pala kami ngayon.. Ano kayang magandang ipansalubong para sa mga tao sa bahay? Hmm.. sana hindi na ako buwisitin ni Driel mamaya para masulit ko tong trip na to.. para feel na feel ko talaga.. Naks!! 😂😂 Matapos kong makapagready lumabas na ako kasi tumatawag na yung mga mababait kong kaibigan.. 😁😁
"Good morning" Bati ko sa kanilang lahat na animo'y kumpleto talaga yung tulog ko.. at nagsabi din sila ng "Good morning".. Kahit puyat kami halata mo paring excited ang lahat.. napaka hyper.. Palakpakan!! 👏👏
"So kumpleto na ba tayong lahat?" Tanong ng nakangiting alex. Wow ngiting natatae! Joke. Hahahaha
Nag-oo naman ang lahat.. Nabigla ako nung biglang lumapit si Driel.. Ano nanaman ba? Umagang umaga ha? Problema ng taong to? Sarap ipalamun sa mga pirana. Naku kung hindi lang maganda ang gising ko binugbog ko na to. Sa ngayon sa isip ko nalang muna yun. Baka mapagkamalan pa kong baliw kung binugbog ko to ng walang dahilan.
"Aps pwede bang sumabay kana sa akin? May sasabihin kasi ako sayo" Tanong ni Driel. Ang lumanay naman ng boses niya. Nakain neto? Ano kayang sasabihin ng mokong na 'to? Nakangiti nga siya pero halata naman na may problema siya.. makikita mo ito sa mga mata niya sobrang lungkot.. Nakakapanibago tuloy.. Naku nagkakaroon ako ng common sense kapag kaharap ko tong taong to. Anyare? Mm
Maaawa na ba ako sa kanya? Sasama na ba ako? Baka ipasalvage niya pa ko nu! Sa laki ba naman ng galit niya sa akin pero as if naman ganun siyang tao.
Pero paano nga kapag rinape niya ko. Sayang naman tong sexy body ko. Baka may pagnanasa siya sa akin kaya gusto niya akong isabay. Hay naku aps ang o.a. mo! Isasabay ka lang rape agad? Paano kung importante yun. Pumayag ka na ngayon lang naman. Magsasalita na sana ako nung biglang sumulpot si alex sa tabi ko.. L
"Mahal hinahanap ka ni Kyle.." Sa sobrang excited niya siguro di niya napansin si Driel sa harap ko "Ay sorry.. Nanjan ka pala Driel.. May pinaguusapan ata kayo.." Sabi ni alex na napakamot pa sa ulo niya. Grabe yung ngiti niya biglang nawala.. Anyare? Halla teka hinahanap daw ako ng asawa ko grabe.. Grabe talaga.. Hmm makagrabe naman .. lakas maka assume teh!! Asawa agad hinanap lang ahahahaha..
Itsura ni Driel parang nalugi ng 5 buwan..nakabusangot.. aahhhh basta sasabihin ko na lang kay Driel na mamaya or next time na lang niya sabihin yung gusto niyang sabihin uunahin ko muna yung asawa ko.. yung buhay ko 😍😁 bahala na si mickey mouse!
"Driel pwede bang mamaya mo na lang sabihin o kaya sa susunod na lang? Punta lang ako kay Kyle ha? Salamat.. Ge bye!! Kumuha ka na lang ng iba.. . ( nagpause ako sandali ) .. na pwede mong isabay.. Sorry!!" Hindi ko na hinintay yung sasabihin niya umalis na ako agad.. Ramdam ko kasing galit siya at baka mag-away lang din kami.. Ganda pa naman ng gising ko.. Huwag niyang sisirain at baka masira ko yung maganda niyang pagmumukha.. sayang naman..
"Bakit mo naman iniwan yun ng ganun-ganun nalang? Mamaya mag-away nanaman kayo.. tignan mo nga oh parang ang laki ng problema niya.. halatang halata.." Sabi ni alex. Wala din naman akong ibang option eh. Alangan naman na mag oo ako eh hinahanap daw ako ni Kyle. Moment nanamin to. This is it PANSIT! Matagal ko ng pinangarap to nu! Papakawalan ko na lang ba ng ganun ganun na lang? Dahil my sasabihin si Driel. No way! Magalit siya kung gusto niya. Bahala siya.
"Kaya nga iniwan ko na eh.. ewan ko ba doon palaging kumukulo yung dugo niya sa akin.. sa pagkaka alam ko wala naman akong ginawa sa kanyang mali.. hayaan mo siya.. diba nga hindi dapat pinoproblema ang mga bagay bagay? Kasi 92% nun iniisip lang natin na problema pero hindi naman at yung natitirang 8% yun ang solusyon sa problemang hindi dapat problemahin.. Natatandaan mo? Topic natin yun dati. Hehe. Teka nasaan ba yung asawa ko?" Tanong ko kay alex na nagpipigil ng tawa. Walanho. Isa pa to eh. Hay nevermind.
"Oo natatandaan ko na.. Maka asawa ka naman.. hinahanap ka lang inaangkin mo na agad? Pinapa-alala ko lang sayo mahal huwag kang umasa ng mas malalim na ugnayan sa pagitan niyong dalawa ..kakakilala niyo lang kahapon.. di mo lang alam baka alam niyang gusto mo siya at pinapasakay ka lang niya tandaan mo yan.. itatak mo yan sa kokote mo!! Masakit man pero kailangan mong tanggapin.. Okay?" Sabi ni alex na biglang sumeryoso ang mukha.
Aay ko beh. Ang hard! Teka. Oo nga paano nga kung pinapasakay niya lang ako..
hindi ko pa maatim na masaktan ngayon nu.. pakiramdam ko kasi nasaktan na ako dati ng bonggang bongga pero baka panaginip lang yun.. Masarap ma-inlove pero dapat alam natin yung mga limitasyon natin.. Pwedeng kiligin pero bawal mag-assume. Pwedeng mag-assume pero dapat handa kang masaktan. No pain No gain nga Diba?
Sa mundo ng pagmamahal minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan na lang natin sila kahit nasasaktan at nahihirapan na tayo .. may magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din ang masasaktan kasi pumasok tayo sa isang sitwasyon na napaka komplikado.. pero hindi naman natin mararanasang maging masaya kung hindi natin susubukang pumasok sa sitwasyong yun.. May sumasaya at meron ding nasasaktan.. Sa buhay ng tao hindi lahat ng oras masaya ka darating at darating yung araw na magdurusa ka para masubukan kung gaano ka katibay at kalakas na harapin ang isang sitwasyon.. Napabuntong hininga tuloy ako. Ang lalim nun ah.
"Okay .. Hinding hindi ko kakalimutan yan" sabi ko with full confidence. Sana kung sino na lang yung mahal natin mahal din tayo para walang nasasaktan! Haaay.
"Aps nanjan ka pala.. gusto mo bang sumabay sa akin?" Nakangiting salubong ni Kyle sa akin. Oh my gosh. Oh eem gee. Oh mu gulay at kung ano ano pa jan. Sabay daw kami ng ultimate crush ko. Nananaginip ba ako. Paki pitik nga yung noo ko. Hayy kung sinuswerte ka nga naman nu! 😊
"Sige ba.." grabe oo agad.. wala man lang pakipot effect. Hindi naman ako desperada nu! Nagpapakatotoo lang. Tsaka hindi ako ang nauna. Siya ang nag aya! FYI!
"Kyle Concepcion.. ingatan mo yan ha? Pag may nangyari jan.. malalagot ka sa amin.." Sabi ni alex. Is that a threat? Hahaha grabe as if naman may mangyayari sa akin. Ako ang bubugbog sa kanya kapag may nangyari sa akin. Bubugbugin ko siya ng pagmamahal hanggang mamatay siya. Chos!
"Oo tiwala lang.. Hinding hindi ko hahayaang may mangyari sa kanya.. kahit lamok hinding hindi ko ipapadampi sa kanya.." Aahhhhhhhh. Pwede na ba akong tumili ng pagkalakas lakas? Mahihimatay na ata ako. Ayaw na atang magprocess ng utak ko. Wala na kasi akong naiisip kundi pangalan na lang niya.
"Sabi mo yan ha? Sige tara na ..anong oras na din kasi.. ingat kayo" sabi ng nakangiti si alex.
Hindi ko maalis yung ngiti sa mga labi ko. Para akong nakashabu na hindi ko maintindihan. Hahahaha. As if naman naranasan ko ng magtake nun. Hindi ko pinangarap mag adik nu! Nakakatanda kaya yun. In short nakakawala ng respeto sa ibang tao. Nawawalan kasi sila ng control kapag nasosobrahan nila.
"Ingat mahal.." - Alex ( aba may pahabol pa )
"Ingat din" sabi ko.
"Iingatan ko talaga siya. Mahalaga kasi.. Sabi ni Kyle.
Teka ano daw hindi ko na naintindihan yung huling sinabi niya. Mahalaga ata ako sa kanya. .. ayaw magsink-in sa utak ko yung sinabe niya.. grabe kinikilig na ako ng bonggang bongga unti-unti na kasing pumapasok yung sinabi niya.. Maghinay hinay ka Kyle at baka mayakap kita ng wala sa oras ..para maramdaman mo na kung gaano kita kagusto!!
Dream come true! Naniniwala na ko sa forever simula ng nakilala kita!
BINABASA MO ANG
Reset
Teen Fiction"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...