Chapter 3: Our Beginning
APS POV 💋
Matapos ang mahaba habang biyahe.. Hay sa wakas nakarating din kami sa napakagandang lugar.. pambungad palang may isang malaking fountain na nasa gitna.. malalaking halaman na animo'y feel na feel mo talaga ang ambiance ng lugar.. simula palang maganda na paano pa kaya kung sa loob.. ang yaman talaga ng mga kaibigan ko hehe
Pagkapasok na pagkapasok palang namin sinalubong na agad kami ng mga ladies in blue na may dalang juice.. Aba matindi ang ganda dito.. sobrang ganda.. Parang yung napapanood ko lang sa mga fairytales dati. May ganito din pala sa totoong buhay.
Pinaghalong blue at white ang kulay at may mga antiques na mapapahangha ka talaga. Naglalakihang chandeliers at kung ano ano pa. Gaano kaya kayaman yung may ari nito. Sa isang antique palang nagkakahalaga na ito ng daan daang libong piso. Hay nakakalula. Para akong isang batang first time lang magfieldtrip. Naku naku back to reality..
"Magandang umaga po .. iba't ibang klase ng juice po para sa inyong pagdating.. kumuha na po kayo" 😊 - ladies in blue ( sabay sabay pa)
Kumuha na kaming lahat ng iinumin kasi halata naman sigurong uhaw na uhaw na kami pwera kina Alex at Driel na pumuntang reception desk.. Haha joke. Actually katatapos lang naming kumain. Nagmamaktol na kasi si Karen kaya nag stop over muna kami sa isang mini restaurant na nadaanan namin kanina. Pagkalipas ng ilang minuto bumalik na sila sa kinaroroonan namin.
"Guys heto na yung mga susi ng mga kwarto niyo pili nalang kayo kung saan niyo gusto basta nasa 30th floor tayo.." - Alex
Grabe bakit sobrang taas naman hindi ba pwedeng sa 3rd floor na lang para kung sakaling masira yung elevator konting kapaguran lang ang dadanasin namin. Habang kumukuha sila ng mga susi may napansin ako bigla. yung dumaan parang kakilala ko yun ah o baka naman namalikmata lang ako.. Hay Aps pagod lang yan. Kailangan mo munang umidlip bago ka mag enjoy. Napabuntong hininga na lang ako.
"Mahal okay ka lang ba? Heto na yung susi mo oh tabi tayo ng room" sabi ni alex na sobrang lawak ng ngiti. Ay sobrang saya ang peg?! Hindi ba napagod ang babaeng to? Sabagay hindi na ako magtataka. Hyper yata siya. Sa susunod huwag na siyang kakainin ng maraming chocolates. Nasosobrahan eh.
"Ah oo naman baka pagod lang to. Mm Tara na??" Yaya ko sa kanya.Napapaisip nanaman ako. Si kyle ba talaga yung nakita ko o namalikmata lang ako? Sana nandito din siya. Para masaya. Makikilala ko na din siya kung nagkataon at syiempre magpapakilala na din ako at the same time. The ultimate stalker presenting SOFIA APPLE MONTENEGRO. Bow!! Hahahha
"Sige halika na para maenjoy talaga natin to sulitin natin toda max!!" Talaga tong babaeng to, pumunta na kami sa mga kwarto namin para makapag ayos ng gamit..
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang Waaah. Parang familiar yung lugar na to. Isa na ata to sa mga napaginipan ko at nagkatotoo? Haha adik lang.
Humiga muna ako sa kama ko para makapagrelax ng kaunti. Nakakangawit talaga magbiyahe. Haayyy. Ano kayang magandang gawin?! Anong oras pa lang naman eh. Dito muna ako.
---
[ .. Alex calling .. ]
(Yawn) haaaayy nakatulog pala ako.. pagtingin ko sa oras alas syiete na pala sakit ng ulo ko ah..
"Hello bakit??" - tanong ko habang kinukusot yung mga mata ko.
"Kanina ka pa namin tinetext at tinatawagan okay ka lang ba? Baba kana kakain na tayo para makapag party na" biglang nabuhay lahat ng dugo sa katawang lupa ko. Party talaga agad?! Hay gusto ko yan. Excited na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/33166478-288-k116413.jpg)
BINABASA MO ANG
Reset
Teen Fiction"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...