Chapter 23: Hindi Pa Ako Ready
PIA's POV
Sa wakas nakarating na rin kami. Hindi ko akalain bahay namin to. Sobrang laki naman ata nito! Wala pa to sa kalahati sa bahay ni Tita ko. Bakit hindi sinabi sa akin nila ate ko na ganito pala kami kayaman. 😣
"Nanjan ka na pala Pia. Sa wakas nakauwi ka din. Welcome home. Salubong ni ate ko" - Ate ko
Grabe para siyang lalabas sa suot niya. Hindi naman siya ganito sa bahay ni Tita ah. Baka nga may pupuntahan lang.
"Kumain na ba kayo? Manang magready na po kayo. Kakain po sila. Pia umayos ka. Alam kong naninibago ka. Huwag kang ganyan. Parang hindi mo bahay to ah" - Ate ko
Sumimangot na lang ako. Hindi ko naman kasi inaasahan na ganito yung kinaginasnan kong buhay. Ang alam ko mayaman na si tita mas mayaman pa pala kami.
"Wala akong ganang kumain. Kayo na lang. Gusto ko ng magpahinga." - Aps
Seryoso wala talaga akong gana. Oo namangha ako sa laki at ganda ng bahay namin pero naisip ko din. Marami ng magbabago bakit pa ako magpapakasaya?.
"Halika nga dito. Pia huwag mo munang iisipin yung mga malalaman mo. Isipin mo na lang parang ordinaryong araw lang to. Ikaw din. Mahirap kaya ma stress" - Ate ko
"Nandito na po ako.. Oh? Hi ate. Nanjan ka na pala. Long time no see. Laki ng pinagbago mo ah? Dito ka na ba ulit titira?" - ???
Sino naman to??
"Ace ate pinsan mo. Alam kong wala kang maalala." - Ace
"Hello? Sorry ah. Hayaan mo bawi ako sayo pag alam ko na kung sino talaga ako. Hindi ko alam kung titira na ko ulit dito. Sige goodnight magpahinga ka na" - Aps
"Sige ate aasahan ko yan. Goodnight po" - Ace
Ano kayang pinagkakaabalahan niya. Bakit gabi na siya umuwi..
"Ate gusto ko ng magpahinga. Wala talaga akong ganang kumain." - Aps
"Sige. Halika. Ihahatid na kita sa kwarto mo. Kain na kayo jan. Diretso na lang kayo sa mga kwarto niyo after niyong kumain. Goodnight ( sinabi niya kina Vanessa )" - Ate ko
Pagkapasok namin sa kwarto ko. Ay bongga biglang nawala yung antok ko. Kwarto ko ba talaga to sobrang lawak naman. Pagtingin ko sa mga nakadisplay na pictures. Nabigla ako kasi halos picture namin ni Driel sa iba't ibang lugar..
"Hindi namin tinanggal yang mga yan. Kung ano yung ayos yun pa din. Nililinisan lang nila to araw araw para kung darating ka malinis na dadatnan mo. At heto na nga yung araw na yun. Pia alam kong nagsisimula pa lang to. Sana kayanin mo yung iba pa. Kasi yung nakasanayan mong mga ginagawa dati kila tita. Ibang iba yun sa ginagawa mo dati nung nandito ka pa. So get ready okay? Halika nga dito. Sobrang namiss ko na yung dating ikaw. ( yinakap niya ako ) sobrang laki na ng pinagbago mo" - Ate ko
"Ate parang ayaw ko pang malaman yung totoo. Natatakot ako na dumating yung araw na bigla na lang magbago ang lahat sa isang iglap lang. Diba alam mo naman na sobrang inlove ako kay Kyle dati pa? Ano na lang ang mangyayari sa amin?" - Aps
At bumuhos na yung luha ko.
"Taha na. Alam mo may mga bagay talaga na nangyayari para subukin tayo. Nakadepende na lang yun sa mga desisyong bibitawan natin kung marami ba ang magbabago o manantili tayo sa isang bagay. Hindi mo pa lang alam yung totoo ganyan ka na. Maging malakas ka para harapin ang nakaraan mo. Akala ko nga dati hindi na to mangyayari kasi nung tumira ako sa bahay ni tita. Masaya ka naman. Pero wala talaga. Pilit na bumabalik yung nakaraan mo. May mga bagay na kailangan balikan para matapos na yung mga mga bumababagabag sa inyo. Dito matitimbang ang pagmamahal mo kay Kyle." - Ate ko
Oo tama siya. Kailangan kong maging malakas para paggising ni Dreil alam ko na lahat yung totoo. Sana nga magising na siya. Sana nga.
BINABASA MO ANG
Reset
Novela Juvenil"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...