Chapter 44: Be a Model

21 2 0
                                        

Chapter 44: Be a Model

Matapos ang nakakakilig na pagkanta niya. Grabe biglang napunta sa akin yung atensyon ng mga tao. Pakiramdam ko nga sobrang pangit ko kasi iba sila tumingin. Yung tipong bawat galaw ko tinitignan nilang mabuti pati nga pagkurap eh. Binubusisi nilang mabuti!! Nakakanyerbos kasama si Driel mapapaaway ata ako ng wala sa oras. Bwisit edi siya na ang gwapo at ako na ang pangit !! 😭😭😫

Magsasalita na sana ako nung may lumapit sa amin..

"Hello? Ako nga pala si Miguel Hernandez. Aalukin sana kita.." ( Bigla siyang humarap sa akin ) "na maging modelo ko sa gaganaping fashion show.. Naghahanap kasi ako ng model. Pwede ka ba?" - Miguel

Wow? Totoo ba to? Akala ko si Driel. Bakit ako? Ano naman kayang nakita niya sa akin.. Imagine pag model na ako....

"Hi Pia. Pwede mo bang lagyan ng autograph tong magazine" - Fan

"Piaaaaaaa" - Fan

"Hi. Ang gaaaanda mo!!" - Fan

Naglalakad pa lang ako naghihiyawan na sila.. Aaaaahhhhh Piaaaa.. Andaming gustong makapicture ako.. hahahahaha

at may biglang humawak sa kamay ko.. Paaaaakkkk !! natapos ang aking momentum. Badtrip naman yung humawak..

"Ay!!" - Aps

Mmmm Driel!!!

"Okay ka lang ba?" - Driel

"Ha? Oo naman. ( tapos humarap ako kay Miguel ) Bakit po ako? Hindi naman po ako maganda!! Ang dami naman pong babae jan sa tabi tabi na magaganda. Baka masira lang po yung fashion show niyo dahil sa akin" - Aps

Clumsy kasi ako. Walang bagay na hindi nasisira kapag nandoon ako..

"Hija you should have the confidence. Look at yourself. You're so simple and charming but elegant. Don't ever think that you are not beautiful because every individual has its own beauty. Kanina ko pa kayo pinagmamasdan na dalawa pero mas nahuli mo yung atensyon ko. Sobrang lakas ng appeal mo. Kahit simpleng paggalaw mo pa lang nakakaagaw na ng atensyon lalo na kapag ngumingiti ka paano pa kaya pag pinakita mo na kung anong kaya mo. Dapat nga maging proud ka sa sarili mo. Baka ikaw pa ang mag angat ng fashion show kung nandoon ka." - Miguel

Nuxx naman yung mga bagay na yun. Ano to? Salestalk? Mabenta ang mga words mo teh!! 😂😂

"Pero what if po masira ko dahil clumsy ako. Baka mapahiya lang kayo dahil sa akin" - Aps

Sige galingan mo pa para hindi ka niya kunin pero pag pinagpatuloy ko pa to hindi na ako magiging model. Hindi ko na mapapatunayan na bagay talaga ako kay Driel pero hindi naman yun yung basihan!! Dapat naman yung maipagmamalaki niya din ako sa harap ng maraming tao. Hay bahala na. Be a model I dont care!!

"Hindi yun. Gagawa tayo ng paraan" - Miguel

"Okay!" - Aps

Ha? Sinabi ko bang okay? Naku naku sana hindi ko mapagsisihan sa huli tong naging desisyon ko..

"So? Heto yung card ko. Puntahan mo lang yang lugar na yan nandoon yung company namin. Well hindi ka magsisisi" - Miguel

Nakipagbeso beso na siya at nagpaalam ng umuwi. Que pasa?! Hindi ko inaasahang mangyayari to. Ako?! kinuhang model!! Aba!!

"Proud na proud talaga ako sayo" - Driel

At kinurot niya yung pisngi ko.. Halika na kumain na tayo baka nagugutom ka na.. laki ng ngiti ko.. Kahit nabadtrip ako kanina okay lang haha may nangyari namang maganda.

"Sa bahay na lang tayo kumain. Magluluto ako" - Aps

"Diba pupunta pa tayo kila Mickey. Nakalimutan mo nanaman yung party" - Driel

"Ag oo nga pala. Sige halika na punta na tayo doon. Next time na lang. Sakto pagkarating natin doon gabi na" - Aps

"Hmmm. Basta hindi ko kakalimutan yung sinabi mo kanina ipagluluto mo ako" - Driel

Parang bata.. Ang cute 😂😂✌️

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon