Chapter 4: Between Love and Friendship

96 2 0
                                    

Naglalagablab na umaga sa lahat ng nagbabasa. Waah. Salamat sa pagbabasa ng sinusulat ko. 😊

To: Someone
Hindi naman lahat ng bagay minamadali. Minsan kailangan din nating maghintay for our own sake. Ano yun? Mas gusto mo bang makuha mo na ngayon pero hindi ka pa kontento o maghihintay ka sa tamang panahon na okay na lahat?! Magkaroon din kasi tayo ng salitang P-A-T-I-E-N-C-E. Patience is virtue! Huwag kang atat. Expect the unexpected nga ika nila. Good day.
From: Me

Well napapalayo na tayo. Oh my gummy bear. Heto na yung POV ng isang Kyle Conception. Hope you'll like it. May pagka-epic nga lang. Hahahah. Pagpasensyahan!

---

Chapter 4: Between Love and Friendship

KYLE'S Point of View

Grabe totoo ba to? Nasa harap ko na ulit siya.. Dati hanggang titig lang ako sa malayuan nung nakita ko ulit siya pagkalipas ng isang taon.. Ang nag iisang Sofia ng buhay ko.

"Ay pasensya kana nasaktan ka ba??" Tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko panaginip lang lahat ng ito.. Ang tanga ko lang kasi hindi ko tinitignan yung dinadaanan ko.. sa lahat ng tao bakit siya pa yung nabangga ko nasaktan ko tuloy siya.. yung taong pinapangarap ko ng ilang taon na.. Nakakapagtaka naman kung hindi niya ako kilala diba? Sa gwapo kong to? Joke. lakas ng hangin oh.

"Mejo lang.. Sorry ha hindi ko kasi tinitignan yung dinadaanan ko marami lang iniisip" Sabi niya pang parang nahihiya. Si pia ba talaga to?! Pia ang tawag ko sakanya dati pa.. Sobrang close kami dati kasi bestfriend ko yung pinakamamahal niyang tao.. Ayokong magkasira sira kaming lahat dahil lang mahal ko din siya.. This thing between love and friendship.

Mahalaga din kasi yung pagkakaibigan namin.. Mas mahalaga kaysa sa pagmamahal ko sakanya pero kung papalarin gagawin ko lahat para sakanya..

Ang isang sofia may iniisip? Ang lalim ata nun. Bagong bago. Marami siguro siyang problema ngayon bakit ganito siya umasta. Gustung-gusto kong pagaanin yung pakiramdam niya.. Matagal tagal na din kasi simula nung hindi kami nakakapag-usap.. Simula nung bigla siyang nawala na parang bula. Matagal na kong walang alam tungkol sakanya maliban nalang sa mga nababalitaan ko kay Lyco- Ang naging pinakamalapit kong kaibigan sa eskwelahang pinapasukan namin pareho ni Pia. Hindi ko naman akalain na sa paglayo ko para makapag isip isip ay dito ko pala ulit siya makikita. Tadhana na ito!!

Si Lyco naging classmate niya nung second semester at magkatabi pa sila.. small world talaga.. gusto kong tanungin mula sakanya kung ano nga ba yung mga nangyari dati.. kung bakit bigla nalang siyang nawala. Gusto ko siyang kamustahin at kung may boyfriend na ba ulit siya o wala pa.. Handa kong gawin ang lahat maging akin lang siya.. Ang tanga ko lang dati kasi pinaubaya ko pa siya sa bestfriend ko .. kahit ako naman talaga ang naunang nakakilala sakanya.. Una ko pa lang siyang nakita naramdaman ko na. Siya na yung taong para sa akin.

"Ako nga dapat ang magsorry.. Kung hindi dahil sa akin hindi ka sana nasaktan. Saan ba yung masakit? Gusto mo bang ipatingin natin sa nurse??" Nag aalala kong tanong. Ano ba yan.. bat ganun yung sinabi ko -___- bakit nurse agad?! Pero tama lang siguro yun. kinakabahan kasi talaga ako eh.. pero hindi ko naman pinapahalata..

heto na ba yung simula ng lahat? Paano pag magkasama na ulit sila? Paano kung sila ulit? Pwede ko naman sigurong tanungin mula sakanya kung may boyfriend ba ulit siya o wala diba? O kung sila ba ulit? Hindi naman masamang magtanong.. Simula kasi nung naghiwalay sila dati hindi na din nagkwewento yung bestfriend ko tungkol kay Pia.. kapag tinatanong namin hindi umiimik ang loko.. L

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon