Chapter 7: MY PAST is APPROACHING
Halos lang mamatay na ako sa bagot.. Wala man lang magawa!! Miyerkules kasi ngayon at sinabi nilang walang pasok dahil sa churva ek-ek..
Nakahiga lang ako mula nung pagkagising ko hanggang sa ilang oras na ang nakalipas nakatunganga pa rin ako.. nakatingin sa magandang langit na may magagandang formation ng mga ulap.. Hindi ko na nga alam kung gaano na kasakit yung mga mata ko kakatitig sa langit..
Wala din akong kasama dito sa bahay maliban na lang sa mga kasambahay at si manong guard.. may kanya kanyang lakad yung mga pinsan ko.. Tsaka may bagong palabas ngayon sa sinehan panigurado mahaba habang pila nanaman ang meron doon ngayon..
gusto kong lumabas na ayaw ko.. tinatamad akong gumalaw galaw.. gusto ko ng leche plan at mallows para lumakas naman ako.. yun lang okay na magiging hyper nanaman ako kaso wala yun dito sa bahay..
yung binili kong mallows naubos na nung isang araw pa.. Kain din kasi ng kain yung mga pinsan ko.. ayaw nilang bumili ng sarili nilang mallows.. mas masarap daw pag libre!! Hanggang sa may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.. kahit nasa veranda ako rinig ko naman nu!! Malawak kasi yung range ng pandinig ko hahahhaah.
"Ano po yun nanay?!" Tanong ko.
Nanay ang tawag ko sa pinakamatandang kasambahay dito.. parang nanay ko na din kasi siya.. sobrang bait at maasikaso niya lalo na kapag may sakit ako..
simula nung ipinunta ako dito ng mga magulang ko pakiramdam ko nagbago ang lahat ng meron ako at kung ano ano pa ..Wala kasi akong matandaan sa nakaraan ko..
ang sinabi lang saakin ng mga magulang ko naaksidente daw ako dati kaya nagka amnesia ako.. doktor pala silang dalawa sa isang eksklusibong hospital.. oh hindi ako mayaman mga magulang ko lang.. Take note of that!!
hindi na ako nagtanong pa ng kung ano ano pa tungkol sa nakaraan ko ..pakiramdam ko kasi may mali kaya ayaw ko ng alamin pa pero alam ko namang pilit na babalik at babalik din yung nakaraan kung may mali diba?! Makakaalala din siguro ako sa takdang panahon pero sa ngayon i-enjoyin ko muna kung ano ang meron ako ngayon..
"May naghahanap sayo hija" sabi ni Nanay Maria. Huh? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon ah.
"Sino po?" Tanong ko kay nanay na nagtataka.
"Hindi ko alam hija.. Ngayon ko lang sila nakita.." Napataas pa ako ng kilay sa sinabi ni Nanay Maria.
Sino kaya yung mga yun? Nakakapagtaka naman.. Ang alam ko lang na may alam ng tinitirhan ko ay yung mga kaibigan ko at si Kyle..
Ay speaking of kyle.. Naalala ko nanaman yung ginawa niya nung isang araw.
** Flash back **
Lahat abala sa pag aayos ng mga gamit para sa gaganaping sport fest.. mapabanner.. costume.. praktis sa ibat ibang aktibidades.. samantalang ako nakabusangot lang sa isang sulok sa classroom namin.. hindi ko kasi ramdam na may sport fest..
parang ordinaryong araw lang.. hindi kasi ako nakatulog ng maayos inatake nanaman kasi ako ng insomia.. gusto kong lumabas pero tinatamad ako.. tsaka hindi ko din kasi alam kung anong gagawin ko at kung saan ako pupunta..hanggang sa sinabi nila sa akin na may naghahanap daw sa 'kin..
pumunta daw ako sa grandstand nandoon daw yung naghahanap.. sinamahan naman ako nila Aleli papuntang grandstand.. Nung makarating na kami sa grandstand..
![](https://img.wattpad.com/cover/33166478-288-k116413.jpg)
BINABASA MO ANG
Reset
Novela Juvenil"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...