Chapter 47: DREAM Catcher
Nandito ako ngayon sa isang coffee shop.. Nakakatamad kasi sa studio kaya naisipan kong lumabas. Hindi na ako nagtawag pa. Gusto kong mapag isa. Natapos nanaman ang isang rehearsal. Sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ako nakatulog kagabi!! Tumawag kasi si Kyle..
[ ** Flash Back ** ]
"Pia ano ba?!! Sasagutin mo ba yung telepono mo o hindi? Kanina pa tumutunog. Ibasura mo na kung ayaw mong sagutin.. Nakakrindi na!!" - Ate ko
Sumisigaw na siya.. Buwisit!! Sino ba kasi yung tawag ng tawag!! Kmmm ....Si... si Kyle!! Dali dali kong sinagot..
"Hello?" - Aps
"Hi Pia. Pwede ba kitang makausap? Sorry kung naistorbo kita" - Kyle
Bakit parang basag yung boses niya. Umiiyak ata to. Ano nanaman kayang problema niya? Hay naku Kyle.. Nag aalala nanaman ako sayo.. Kahit papaano may pinagsamahan din naman tayo..
"Umiiyak ka ba? Anong problema mo? Gusto mo bang puntahan kita? Nasaan ka?" - Aps
Sobrang nag aalala ako sa kanya. Gusto kong mawala lahat ng problema niya. Kahit lang sana nasa tabi niya ako ngayon.. Maiparamdam ko man lang na may nagmamahal sa kanya!! Ha ano daw?. Hmmm
"Nandito ako ngayon sa beach resort malapit sa subdivision niyo" - Kyle
Bumuntong hininga nanaman ako.. Pinatay ko na yung telepono ko. Nagmadali akong pumunta sa kwarto ko para magbihis at mas mabilis pa sa kidlat nakarating na ako sa resort. Nagpahatid na ako sa driver baka hindi pa ako nakakarating patay na ako nu.. Sayang naman ang aking hot sexy body kung mapupunta lang sa iba!! 😂😂✌️
Nagtanong tanong ako kung may pumunta bang lalaki sa resort. Deniscribe ko yung itsura ni Kyle at sakto kilala pala nila.. Pagkarating ko sa beach naaninag ko siya..
"Kyle?" - Aps
Tumayo siya at yinakap niya ako.. Oo umiiyak nga siya..
"Sobrang nasasaktan pa rin ako. Bakit mo ako binitawan ng ganon ganon na lang? Hindi ko kayang masaya ka sa piling ni Driel. Selfish na kung selfish pero Pia mahal na mahal pa rin kita. Nagmamakaawa ako bumalik ka na sa akin.. Kahit maging pangalawa na lang ako basta maging tayo tatanggapin ko bumalik ka lang sa piling ko.." - Kyle
Umiiyak siya.. At unti unti siyang lumuhod sa harapan ko.. Ganito ba talaga pag nagmamahal ka? Kayang mong ibaba lahat ng pride na meron ka? Kaya mong magpakatanga para lang mapasayo ulit ang taong mahal mo? Hindi ba pwedeng hayaan ka na lang niya sa taong mahal mo? Bakit kailangang maging komplikado ang lahat? Ayaw kong may nasasaktan pero kailangan ko din tanggapin sa sarili ko na si Driel talaga at hindi na ikaw.. Baka nga nainlove lang ako sayo dati kasi sa nakaraan marami na tayong pinagsamahan.. Hindi ka naman masasaktan ng ganyan kapag hindi kayo gumawa ni Anika kalokohan!! Maniwala sa KARMA!!
"Tumayo ka nga jan? Bakit ba kailangan mo pang gawin yan? Tama na Kyle. Tigilan mo na tong kahibangan mo. Masakit din naman sa akin na nagkakaganyan ka pero sobrang mahal ko talaga si Driel. Oo aaminin ko minahal kita pero noon yun!! Yung mga panahong umiikot pa yung mundo ko sa kasinungalingan dahil sa kagagawan niyo ni Anika!! Pinagkatiwalahan kita't lahat lahat pero ano? Hindi ka naging totoo sa akin.." - Aps
Sabi ko sa sarili ko hindi na ko iiyak dahil lang kay Kyle pero anong nangyari? Heto pa din ako sa harap niya mismo pinapakita kong mahina ako.. Nararamdaman ko nanaman yung sakit na naramdaman ko nung una kong malaman yung tungkol doon halos magunaw na yung mundo ko.. Kailangan kong maging malakas para sa sarili ko.. Ayaw ko ng mapaglaruan ulit ng mga tao lalong lalo na yung mga taong pinagkakatiwalaan ko.. Malay ko ba kung ginagawa niya ulit to para lokohin ako?! Hindi nako makakapayag..
"Patawarin mo ako Pia. Alam kong malaki yung naging kasalanan ko sayo. ( bigla siyang yumuko at may napansin akong nakawalang luha galing sa mga mata niya ) sobrang mahal talaga kita kaya ko na siguro nagawa lahat ng yun. Lahat ng to. Kaya kong magpakatanga pagdating sayo pero wala na talaga. Mas matimbang pa din siya. Ginawa ko lahat makuha ka lang pero nabigo pa din ako. Pinapalaya na kita Pia. Sana maging masaya ka sa piling niya. Huwag mo akong kakalimutan ha? ( Hinahaplos niya yung pisngi ko.. ngumisi siya.. ) at imbitado ako sa kasal niyo ha? ( biglang siyang natawa. pero alam kong fake lang yun ) ngayon naiintindihan ko na.. Kung mahal mo talaga ang isang tao kaya mo siyang ipaglaban pero kung nasasaktan na siya sa piling mo at ramdam mong nasasakal na siya tama na pakawalan mo na kasi kung mas pinapatagal mo pa siya sayo .. sa huli ikaw din yung masasaktan. Tama na yung mga panahong magkasama kayo at naging masaya sa piling ng isa't isa. Natapos na ang ating kabanata.. Ngayon hindi ko pa matatanggap na hanggang friends lang muna.. Magpapakalayo layo muna ako. Sana maintindihan mo.. Sana magkita pa tayo..( nagpause siya ) sa kasal niyo.. Pipilitin kong bawasan yung pagkahibang ko sayo" - Kyle
Masaya ako kasi parang magkaibigan na ulit kami. Sana nga maka move on ka agad. Sana.. Umupo kami sa mga buhangin.. Alam kong pagod siyang umiyak kanina.. Ramdam kong nasasaktan pa din siya pero kailangan namin to.. Hay natapos nanaman ang isang problema.. Bilisan mong maka move on Kyle dahil namimiss na kitang kasama.. Yung patawa effect at kakulitan mo..
[ ** End of Flash Back ** ]
"Pia nanjan ka naman pala. Kanina ka pa namin hinahanap. Balik na daw tayo sa studio." - Mike
"Sige susunod na ako.. Mauna ka na" - Aps
Habang inaayos ko yung gamit ko may nalaglag na dream catcher galing sa bag ko.. Napangiti na lang ako kasi naalala ko si Kyle. Siya kasi ang nagbigay nito nung malungkot ako..
BINABASA MO ANG
Reset
Teen Fiction"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...