Chapter 51: LOVE will find a way

35 2 0
                                    

Chapter 51: LOVE will find a way

Matapos ang ang napakalaking fashion show.. Dinumog ako ng mga paparazzi. Hay paano na ako neto? heto na nga ba yung sinasabi ko eh.. kapag natapos na ang fashion show hahalughugin na nila yung pagkatao ko. Lahat aalamin na nila. Magkaroon pa kaya ako ng privacy neto? Natapos na yung eskandalo sa nakaraan. Hindi pa kaya ako nakaka move on.. Processing pa lang!! Paano kung ungkatin nanaman nila masasaktan nanamaan ako!! Sobra pa.. kasi lalaitin nila ako.. sasabihan ng kung ano ano at iba-block sa social networks.. Bibigyan ng maraming dead treats.. ay ewan!! O.A. na!! Grabe naman ako mag isip.. Huwag naman sanang mangyari yung mga yun.. Sana maging okay ang lahat!! Yun na lang ang itatatak ko sa sarili ko. Think positively!! 😊

Buti meron yung mga guards kaya hindi ako na-stranded.. Ang dami nilang tanong.. Kesyo itutuloy ko daw ba tong pagmomodelo.. Anong pakiramdam ng biglang sumikat.. Paano ko ihahandle yung mga nangyari at kung ano ano pa.. Nakakatanga alam niyo yun.. Pagod ka na nga tapos ang dami pa nilang tanong. Gusto ko na ngang matulog eh.. Sabihin niyo ng maldita ako o kung ano man.. Kung ikaw kaya ang rumampa ng may takong na 6 inches sa ilang oras.. Hindi ka ba maiirita sa mga to?! Maybe next time.. Kakausapin ko pa silang lahat!! kahit isang milyong tao ang magtanong okay lang basta pakainin lang nila ako sa tamang oras.. Chos 😂😂 Assuming!! ✌️

"Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain muna tayo? May alam akong masarap na kainan malapit dito" - Driel

Nakakawala ng init ng ulo at pagod kapag nakikita ko siya.. Napapangiti na lang ako bigla. Baliw na ata ako eh.. Juskoday!! Ilagay sa mental. Joke!! Hmm

"Driel pwede bang bukas na lang? Sobrang inaantok na ako pero kung nagugutom ka naman sige punta tayo pero dito na ako sa sakyan ha? Hindi ko na talaga kaya eh. Pakiramdam ko mahihimatay na ako.. Hindi ko na kayang labanan yung antok ko. Sorry" - Aps

Hinaplos niya yung pisngi ko.. Waah ang lambot talaga ng kamay niya. 😍 tapos ngumiti siya.. Lord heaven na ba to? Nuxx.. Galawang Driel!!

"Sige. Kung inaantok ka na. Doon muna tayo tumuloy sa condo ko malapit lang yun dito. Kung kasi iuuwi pa kita sa inyo sobrang layo doble pa yung pagod mo. Ipaalam na lang kita kila tito para alam nila kung nasaan ka" - Driel

After niyang sabihin yun. Pumikit na ako hindi ko na talaga kaya. May tiwala naman ako sa kanya. Alam kong babantayan niya ako ag hindi siya papayag na may mangyaring masama sa akin..Goodnight Driel 💋

---

DRIEL'S POV 💋

Pagkarating na pagkarating namin sa kotse ko.. Inayos lang niya yung upuan niya at sinandag yung ulo niya sa may pillow.. Nakatulog na siya. Buti may pillow yung upuan.. Hay talagang pagod na siya.. Tinanggal ko muna yung sapatos niya at pinababa pa yung inclination ng upuan para mas maging komportable siya.. Ang himbing na ng tulog niya.. Sana nga hindi na bumalik yung mga problema dati.. Ngayon pa at bigla siyang sumikat. Ayaw ko na siyang makitang nasasaktan. Kung nakikita ko siyang nasasaktan doble ang dulo't nun sa akin. Isang napakalaking transformation ang fashion show na yun para kay Pia. Alam kong dati pa siyang sikat pero ngayon biglang boom. Nagtriple na ata yung kasikatan niya. Sa pagtira niya sa tita niya dati malaking pagbabago ang napansin ko sa kanya. Sa pananamit, pananalita at lalong lalo na sa pagkilos..

Inayos ko yung buhok niya para hindi mairitate yung mukha niya.. At may nakaagaw ng pansin sa akin.. Yung kwintas.. Hinawakan ko yun at tinignan ng mabuti.. Hanggang sa nakita ko yung pangalan ko sa likod neto.. Heto yung bigay ni mommy dati sa akin noong birthday ko na binigay ko sa isang batang babae.. Sobrang nabigla ako kasi yung batang babae si Pia pala yun. Isang madaldal pero sweet na bata.. Siya yung unang babae na naging kaibigan ko.. Habang naglalaro kami biglang nandilim yung paningin ko at wala na akong maalala. Palagi akong bumabalik sa lugar na yun para makita ulit yung batang babae pero wala.. Hanggang sa hindi na din ako pumunta sa lugar na yun..

Sa laki ng mundo at dami ng tao.. Hmm kung iisiping mabuti imposible naman na mahanap ko pa yung batang yun pero ngayon nandito siya kasama ko ngayon at sa hindi inaasahan ..siya pala yung pinakamamahal kong tao. Totoo nga love will find a way 💞😊😄 kahit marami pang taong dumating sa buhay mo kung siya talaga.. siya na..Patience is a virtue!! First love ko kaya yung batang babae. At masasabi ko ding last love.. 💋

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon