Chapter 2: This heartthrob is my WORST NIGHTMARE

175 3 0
                                    

Chapter 2: This heartthrob is my WORST NIGHTMARE

Ang tagal naman nila alex may pinapagawa pa si tita ko.. Bat kasi pinapunta pa nila ako dito wala namang klase ngayon.. .

"Mahal.." Hay buti naman at nandito na tong babaeng to. Ay teka anong meron?!

Yan pala tawag namin sa isa't isa simula nung naging close na kami..

"Buti naman at dumating na kayo.. Saan ba kayo galing? At bakit niyo ako pinapunta ngayon dito? Alam niyo na ngang di ako pumapasok kapag may mga ganitong event diba? May pinapagawa pa si tita ko sabihin niyo na lahat ng gusto niyong sabihin at kung manonood lang din tayo pass muna ako"with matching smile pa pero fake lang. Hindi naman sa plastic pero ewan.

Tong mga nakaraan nagiging mainitin yung ulo ko. Pabigla bigla na lang akong naiinis sa hindi maipaliwanag na dahilan. Baka malapit na akong datnan or baka meron na ngayong araw na to. Mm?!

"Bat ba ang sungit mo ngayon meron ka?" Nag-apir pa sila ni karen kaya tinaasan ko na lang sila ng kilay. Nagwiggle wiggle pa ito kaya lalo pa silang natawa. "Baliw! Grabe ang dami mong sinabi di mo man lang kasi hintayin yung sasabihin namin.." Sabi ni anghel na may bakas pa din ng saya sa mga mata niya. Ay hindi makaget-over?! Sobrang saya ang peg?!

"Tinext na namin si tita mo na nandito ka sabi niya okay lang daw na pagkabalik mo na gawin at tinext ko na rin sina ate kring at ate lyn pati si mama mo.." - Hanep talaga tong si alex. Siya na ako at ako na siya.

Ganoon na ba talaga sila ka close ng family ko?! Naku pag ako napagalitan masasabunutan ko tong babaeng to.

Ano bang sinasabi ng mga to hindi ko sila maintindihan ano kayang meron?!Tsaka bakit parang ang lalaki ng mga bag nila.. Lumayas ba sila?.. Kung ganun man huwag na silang bumalik kahit kailan. Ang lalaki nilang dumi sa paligid. Chos. Hahahah joke lang.

"At bakit?! 😏 Anong meron?" - Tanong ko. Parang nagkaroon pa ng malaking question mark sa taas ng ulo ko. Kaya napatingin ako sa taas.joke. Hahah imagine'nin niyo na lang. Ngek ngek.

"Pupunta tayong beach resort!!" wow naman.. sabay talaga sila kristelle at ariss. Sa tingin ko hindi magtatagal magiging magsyota tong dalawang to. Diba nga?!

There's a thin line between love and hatred?! Malay ko ba kung isang araw bigla na lang waaah?! Sila na!! Edi meow. Ang cute cute kaya nilang dalawa lalo na kapag nag aaway sila.

"Uy ano yan ha?!" sabi kong nakangiti. Kilabit ko pa si bebelabs ko na si ariss. Napangiti naman siya bigla at namula bigla yung mukha. Hahahahha

"Ang gay!! Siya pa yung nagblush oh. Iba na yan. Hahahhahahha" - Sabi ko at nagtawanan kaming lahat.

"Wala yun!! Alam niyo tigilan niyo nga ako. Bakla kaya yan" Sabi ni kristelle na nakapoker face. Kakaiba talaga tong bulinggit na to. Bagay na bagay talaga sila ni bebelabs. Hay naku amin amin din baka mamaya mauwi sa heart broken ang kanyang pinakaiingatan na puso.

"Ay teka nga kailan niyo pa plinano to?! " pag iiba ko ng usapan baka mamaya magpisikalan nanaman silang dalawa"Hmmm wala akong gamit ( -_- ) kayo nalang pumunta wala din akong pera.." Totoo ang sinasabi ko wala talaga akong pera at wala din akong gagamitin?! Duh?!

Ang akala ko manonood lang sila kaya heto ako walang kapera pera. Pamasahe lang kaya ang dala ko. Huwag na kayong magtaka. Kuripot akong tao. Pero pagdating sa mga luho ko. Go lang ng Go!! Walang pakialamanan.

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon