Chapter 46: LOVEsick
Ang pangit talaga ng may LOVEnat 😭 Grabe nilalamig ako sobrang sakit pa ng ulo ko. Kailangan ko ng YAKAPsul pampainit!! 😁✌May sakit din siguro si Dreil?!!Sabagay kasalanan ko din naman kung bakit siya may sakit. Makulit kasi ako. 😣 Buti na lang meron si Cutiee Doctor bear ko. Siya yung palagi kong yakap yakap kapag may sakit ako bigay ni mey at dy.. At bigla akong napatingin sa pintuan. Oh my SIPON!! Si... Si Driel nandito 😱 Akala ko may sakit to? Aba matindi.. Ang tibay..
"Hi Aps 😊 Gutom ka na ba? Heto nagluto ako ng rice cake at sabaw.." - Driel
Tinaasan ko siya ng kilay..
"Bakit ka nandito? Akala ko may sakit ka din. Hmmm!! Madaya. Ang tibay mo grabe!! At bakit ganyan yung amoy at itsura ng sabaw? May sakit na nga ako tas...." - Aps
Hindi na niya ako pinatuloy magsalita.. Yung daliri niya nasa bibig ko.. Kiasku!! Baka galing siya ng cr nu!! Nilayo ko yung mukha ko..
"Ang dami mong satsat alam mo yun?!Yung sabaw galing sa pinakuluang manok na nilagyan ng luya kaya ganyan yung itsura ang amoy!!" - Driel
Galit?! Ang seryoso ng mukha niya.. Bakit siya ganito? Dapat nga maging sweet siya kasi may sakit ako.. Hay nandito lang ba siya para pagalitan ako!! 😣
"Bakit ka nagagalit?" - Aps
Tumaas yung boses ko..
"Hindi PO(⬆️.. Aba may pinaglalaban yung PO⬆️ niya ) ako nagagalit!! ( Ang diin naman nun.. ) Ang dami niyo PO kasing satsat. May sakit ka na nga PO ganyan ka pa. Halika ka nga dito.. ( Hinakap niya ako.. Hay heto yung hinihintay ko 😍 .. Yayakapin ko pa sana siya pabalik pero nagdadalawang isip ako.. At ayun nga humiwalay na. Aaaahhhh sige pa.. Bitin yung yakap ) Huwag ka ng umasta ng ganyan. Halika kumain ka na. Susubuan kita ( ha? Ano daw? Waaah kinikilig yung bones ko.. Ang sweet naman neto. Halla ang daming langgam.. Aray aray.. hahahha.. Sana lagi na lang akong may sakit 😁 ) Huwag kang magalala walang LOVEpotion to. Alam ko din naman na malapit na.. Mamahalin mo ulit ako.. Sa sarili kong paraan at pagsisikap.." - Driel
Tapos ngumiti siya.. Hay oo naman. Ngayon pa nga lang.. Minamahal na kita.. Pakasal na tayo? Ahahaha Sarap mangarap.. 😂😂
"Anong nakain mo? Sana palagi ka na lang ganyan.. Wow ang sarap naman niyan. Ikaw ba talaga gumawa niyan?" - Aps
Sumama yung tingin niya.. Abay malay ko ba kung pinagawa niya sa kasambahay..
"Ay ganyan na pala ha? Wala kang tiwala? Sige alis na ako. Sayang naman yung effort ko" - Driel
Wow?! May effect!! Facial expression ang nagdala. Inaayos na niya lahat. Aalis na nga ata talaga siya. Bwisit naman tong taong to. Hindi makaramdam. Bipolar!!
"Teka. Sige na naniniwala na ako. Huwag ka na munang umalis 😔" - Aps
Parang awa mo na. Huwag mo akong hinataying lumuhod!! Ipapaligo ko sayo tong mainit na sabaw pag umalis ka ngayon!! Bigla siyang ngumiti..
"Sige. Hindi na" - Driel
Bigla niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko.. Bigla akong napapikit.. Magkadikit na yung ilong namin.. Grabe kinakabahan ako.. tapos may bigla akong naramdaman na hininga sa tenga ko.. Ang init!! Sa susunod kasi huwag ka ng makulit para hindi ka nagkakasakit.. Pagkahiwalay niya sa akin.. Nakita kong hindi na niya mapigiliang ngumiti.. Garbe nakakahiya.. Akala ko kasi hahalikan niya ako.. Buwisit siya. Paasa!! Sobrang init ng mukha ko..
"Kmmm.. Ewan ko sayo!!" - Aps
Tinulak ko siya at nagtalukbong na sa kumot ko.. Naramdaman kong may yumakap sa akin galing likuran..
"Huwag ka ng magalit.. Hay Aps namimiss ko na yung dating tayo" - Driel
Bigla akong napaisip.. Ano ba yung dating kami? Paano? Hindi ko naman alam kung ano kami dati?! Or kung paano yung mga ginagawa ko.. kung alam mo lang Driel.. Gustong gusto ko ng maramdaman mo kung gaano na kita kagusto ngayon.. Gagawin ko lahat makabawi lang sayo..
BINABASA MO ANG
Reset
Teen Fiction"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...