ONE

1.4K 29 3
                                    

A/N: Warning, unedited. Please expect typos.

"Oh, good Lord." Sunud- sunod ang palatak ni Kind nang makita ang isa na namang envelope sa mailbox niya. Katulad iyon ng ilan pang envelope na sunud-sunod din niyang natanggap ngayong linggo ngunit iba-iba lamang ang pangalan ng sender. All of them pertains to her deceased mother's debt- na ngayon lamang niya nalaman!

Ilang taon na din silang magkasamang namuhay ng mama niya sa iba't-ibang parte ng Russia.  Kind never really understand her mom whenever she tells her that they need to moved. Pinakamatagal na ang isang taon na paninirahan nila sa isang lugar. Ilang community schools ang napasukan niya hanggang sa pagtatapos ng kolehiyo. Kaya naman natutunan na din niyang huwag maattach sa mga taong nakikilala nila sa tuwing lumilipat sila ng tirahan. Dahil alam niyang hindi din naman magtatagal ang pananatili nila sa isang lugar. After graduating grade school, she never made friends with anyone anymore. There's only one friend whom she kept her communication with.

Mahal niya ang Mama Ekaterina niya, at alam din naman niyang mahal siya nito kahit pa minsan ay nasosobrahan ito sa pagiging overprotective. Masikreto din ang mama niya. Wala itong nababanggit na kahit isang kaibigan nito ngunit madalas niya itong makita na may kausap sa telepono sa loob ng kwarto noong nabubuhay pa ito. At sa tuwing tumatawag kung sino man ang kausap ng mama niya, kinabukasan ay kailangan na nilang lumipat ng tirahan.

She never questioned her Mom. Kahit pa noong nag aagaw buhay na ito sa sakit sa puso ay hindi niya ito nagawang kuwestyunin. She cried, but only until her Mom's funeral. Alam niyang gusto ng mama niya na maging malakas at matatag siya. Pagkatapos ma-cremate ang mama niya ay pumasok agad siya kinabukasan sa trabaho. Now that her mom's gone, she need to survive alone.

Ngunit ngayon ay nalilimas na din ang ipon niya bilang wedding organizer. Paunti- unti iyong nauubos dahil sa mga utang ng mama niya na kailanman ay wala siyang kaide-ideya. Her mom was working for the government. Nagretiro lamang ito noong makagraduate siya ng high school at naging freelance online tutor. May nakukuha itong pensiyon kaya kahit nagretiro na ito, kailanman ay hindi sila nagkaroon ng problemang pinansiyal. Kaya naman akala niya ay sobra sobra pa ang kinikita nito para sa kanilang dalawa. Their kitchen cabinet's always full of stocks and their bills are always paid on time. At noong magkatrabaho pa siya ay mas gumaan ang buhay nilang mag-ina.

She never thought that her mom is in huge debt. She never thought na ang kagaan sa buhay na nararamdaman niya noon ay biglang magbabago ngayon. At ang hindi pa niya alam ay kung saan ginamit ng mama niya ang lahat ng salaping inutang nito.

Mom, what have you done? Where did you bring all that money? What am I going to do now?

She is really trying hard to keep her cool these days. Ang iba nitong utang ay nabayaran na niya gamit ang savings na iniwan nito sa kaniya pati na ang kalahati ng sarili niyang ipon. Ngunit hindi pa din nauubos ang mga envelope na sunud-sunod pa kung dumating.

She sighed. Kung marunong lamang siya magmura ay baka ginawa na niya. But she really doesn't want to stain her name. Her name is really important to her. It was the only memory she has from her dad.

Kind Liliya Belmesova

She was four when her dad left. She's 28 now, at sa tagal ng panahon ay nalimutan na niya ang mukha nito. Wala din silang larawan nito. Sabi ng mama niya ay naiwan nila iyong lahat sa dati nilang bahay noong unang beses na lumipat sila ng tirahan. She was only five then, samantala ang mama niya ay naging sobrang abala sa pagtratrabaho. According to her mom, he also works for the government as an ambassador. Sa trabaho daw nagkakilala ang dalawa at siya ang naging bunga.

Kaya nga lamang ay nagkaproblema daw ito sa trabaho at ilang dokumento na kailangan upang makabalik ng Russia. Kaya naman tuluyan na itong hindi nakabalik. At dahil mahirap at mahigpit ang pakikipagkomunikasyon sa bansa nila patungo sa ibang bansa, paggraduate din niya ng highschool ay tuluyan ng naputol ang komunikasyon nila sa kaniyang ama. Hanggang ngayon ay nakatago pa din ang mga sulat nito sa kaniya na wala namang return address. Isang beses lamang sa isang taon ito kung sumulat noon. At miski isa sa nga iyon ay hindi siya nakasulat pabalik dahil sa kawalan ng return address.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon