Hindi mapigilan ni Kind ang panginginig ng kaniyang mga kamay. Sa isang iglap, tila hindi na niya maramdaman ang hapdi sa kaniyang talampakan; hindi na niya maramdaman ang pagtulo ng sariling dugo sa sahig.
Fear is festering her insides; like a pest on a plant; like a dark blood that is suddenly being pumped by her heart. Takot na takot siya. She never felt so scared like this in her whole life. Takot siya dahil pakiramdam niya, naroroon pa rin sa loob ng kaniyang bahay ang hindi kilalang lalaking iyon; nagmamasid; nakikinig sa kaniya. Sinusubaybayan ang bawat galaw niya. And she could feel the chills on her bones.
Huminga siya nang malalim. Inhale. Exhale. Ilang ulit niyang ginawa iyon. She can't messed up her own mind.
I am safe. I am safe. Iyon ang paulit-ulit niyang itinatatak sa isip. Itinapon niya ang bubog sa trash bin, at pagkatapos ay mabilis siyang kumuha ng gasa sa medicine cabinet at inasikaso ang nagdudugo niyang paa. Nagmamadali din niyang sinigurado kung naka-lock ang mga pintuan at bintana. She's getting paranoid, kaya naman gusto lamang niyang masigurado ang sariling kaligtasan.
Ngunit sigurado siyang mas magiging ligtas siya kapag nahanap na niya ang ama at ang nakatatandang kapatid na lalaki. At kailangan niyang mahanap ang mga ito sa lalong madaling panahon.
Buong araw niyang sinubukang hanapin ang itim na sobre, ngunit hindi na talaga niya iyon makita sa lahat ng sulok ng kuwarto. Inabot na nga siya ng gabi sa paghahalughog sa buong bahay. Nang magsawa siya sa paghahanap niyon ay mga dokumento naman o kahit anong bagay na makatutulong sa kaniyang sa kapatid at ama ang hinanap niya. Nagbabaka-sakali siyang may iba pang naitago ang kaniyang ina. Nagbabaka-sakali na may kahit ano pang makapagbibigay sa kaniya ng iba pang clue o hint, recent cellphone number, kahit ano. She wants to let them know that her mother has already died. Gusto niyang malaman ng kapatid at ama ang kalagayan niya. Ang pagiging baon sa mga utang na naiwan ng kaniyang ina, ang pagkaka-ban niya sa paglabas ng bansa... ang lalaki kagabi.
Napaupo na lamang siya sa gilid ng kama. Gusto niyang humingi ng tulong sa mga ito, gusto niyang sabihin kung gaano siya natatakot.
Ngunit wala talaga. Ngunit wala talaga siyang mahanap. Ngayon, si Hiraya na lamang talaga ang makakatulong sa kaniya na makapunta sa Pilipinas. Napabuntong-hininga na lamang siya. What she could do for now is to hope for the best.
I'll be in the Philippines soon! She cheer herself up. At habang hinihintay niya ang tulong mula sa kaibigan, kailangan rin niyang maghanda. Tumayo siya at hinugot ang isang maliit na maleta mula sa ilalim ng kama. Inilagay niya roon ang ilang piraso ng damit at mahahalagang gamit.
"I'll find you soon." Pagkausap niya sa nakangiting mukha ng kapatid at ama sa larawan. Maging ang larawan nilang buong pamilya ay maingat rin niyang isinipit sa maliit na lagayan sa loob ng maleta. Nang maisara niya ang zipper niyon ay ipinatong niya ang maleta sa ibabaw ng kaniyang kama.
Nang makababa siya sa kusina ay itinodo niya ang switch ng heater. Malakas kasi ang bagsak ng niyebe sa labas, kaya naman ramdam na ramdam niya ang lamig kahit dobleng pang ginaw at makapal na jogging pants ang suot niya. Doble rin ang suot niyang medyas sa paa. Nagluto siya ng noodles, at habang hinihintay niya iyon ay binabasa niya ang mag latest na balita gamit ang kaniyang cellphone. Ayon sa balita, magkakaroon ng malakas na pag-ulan ng niyebe at avalanche sa ibang lugar, ngayong gabi. Pinag-iingat nito ang mga tao.
Nang maluto ang noodles ay dali-dali niya iyong hinigop kahit mainit ang sabaw. Gumuhit ang init sa kaniyang lalamunan. Habang kumakain ay cellphone pa rin niya ang kaniyang dinudutdot. This time, she's very focused on her calculator. Bina-budget pa rin niya ang natitira niyang pera. Hindi naman pwedeng makarating siya sa Pilipinas nang walang kahit na anong hawak na pera.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)
General FictionKind Liliya Belmesova needs cash. A lot of cash. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana umulan ng pera mula sa langit. Just a week ago, she found out that her deceased mother has a huge debt on loan sharks. At naging dahilan...