"Can't you answer me now?" Why are you even here?" Tanong ni Kind sa binata nang hindi ito tinitingnan. Ang kaniyang mga mata ay nakapokus sa telebisyon.
Kasalukuyan silang nasa magkabilang dulo ng sofa. Prenteng nakasandal ang binata sa sandalan niyon habang siya ay nakataas pa ang mga paa roon. Ang kaniyang baba ay nakapatong sa sarili niyang mga tuhod habang nanonood. Mas lumakas ang buhos ng ulan sa labas. Kaya naman kahit dumating ang binata ay napagdesisyunan pa rin niyang ituloy na ang naudlot na panonood kanina. Ang dalawang bote ng alak ay ibinalik na niya sa loob ng ref, at ang popcorn na lamang ang naiwan sa mababa niyang mesa.
"To see you," simpleng sagot nang binata sa katanungan niya. Lumipad patungo rito ang kaniyang mga mata.
"How did you know this apartment complex? How did you know where I am staying?" Muling tanong niya.
Nang mapansin ng binata ang pagtitig niya ay tumingin rin ito sa kaniya. Nagtama ang kanilang mga tingin. "You have been a client to my hotel. Of course I know some of your information."
Kumunot ang noo niya sa sagot nito. "But as far as I could remember, I never gave anyone my personal address to anyone. Even to your hotel staffs."
"Yeah. You did not." He actually looked guilty for a second. "I hired a private investigator."
"Why would you even do that?"
"I told you that I missed you," katwiran ng binata.
Mas lumalim pa ang gatla sa kaniyang noo. "Why? You did not even know me. I just stayed in that island for a number of days."
"You are my bride." Bumalik na ang mga mata ng binata sa telebisyon.
"That is not even true." May diin ang kaniyang sagot.
"Yes it is."
"It is not."
"I decided it myself. Why do you have so much questions anyway?"
"Uh... duh? Because you just suddenly showed up at the front of my door?" Sarkastiko niyang sabi. "In the middle of the night? In this bad weather? I honestly thought that you are some kind of a killer!" Baka nakalimutan na kaagad ng binatang ito ang kutsilyong naitutok niya rito kanina na naibalik na niya sa kusina.
"Well, I am not."
Nasapo ni Kind ang nananakit na sentido. At bakit parang kasalanan pa niya na nagtatanong siya kung bakit bigla-bigla na lamang ito sumulpot sa bahay niya? Isa pa, his answers were unbelieveble. Sumasakit ang ulo niya sa mga pinagsasasagot ng binata sa kaniyang katanungan.
Sumuko na siya at ibinalik na rin ang mga mata sa kaninang pinapanood. Kapag nagpatuloy pa siya sa pagtatanong sa binata ay paniguradong mababaliw lamang siya.
Lumipas ang mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Ang maririnig lamang ay ang mga boses ng mga karakter sa telebisyon, pati na rin ang pagbuhos ng ulan.
"Kind." Hindi niya alam kung bakit bumilis ang tibok ng kaniyang puso sa simpleng pagtawag ng binata sa kaniyang pangalan. Lumingon siya sa binata, nakatingin pala ito sa kaniya. "Can I have some coffee?"
Parang bata ito na nagpapaalam. Mula roon ay narinig ang pagkalam ng sikmura nito. Agad naman iniwas ng binata ang tingin sa kaniya. She saw how he simply clutched his stomach. Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito, pati na rin ang mga tenga. The Great Cruel Buenavista is actually blushing in front of her right now.
Hindi pa ba ito naghahapunan?
"It... it w-was a long way f-from here to Palawan." Mahinang sabi nito na para bang nabasa ang nasa isip niya.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)
General FictionKind Liliya Belmesova needs cash. A lot of cash. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana umulan ng pera mula sa langit. Just a week ago, she found out that her deceased mother has a huge debt on loan sharks. At naging dahilan...