8:00 p.m.
Restaurant Le Meurice Alain Ducasse.
Paris, France.
"Hey, are you okay?"
Bahagyang napalingon si Kind sa guwapong lalaki sa kaniyang tabi. Nakasukbit ang isa niyang braso rito at kasalukuyan siya nitong inaalalayan papasok sa engrandeng venue. Nagkikislapan ang ilang kamera, at ang lahat ng atensiyon ay nasa kanilang dalawa. Everything is perfect, maliban na lamang sa kaniyamg kondisyon. Kanina pa kasi siya kinakabahan sa mga mangyayari.
"No," maiksi at mahinang sagot niya kay Rameses, sapat lamang upang marinig nito. Humigpit ang hawak niya braso ng binata. Alam niyang nararamdaman nito ang panginginig ng kaniyang kamay. Sa totoo lamang ay gusto na niyang lamunin ng lupa. Ngayon lamang siya nakakuha ng ganito karaming atensiyon sa buong buhay niya, at mula pa sa mga taong hindi niya kilala; mula sa mga taong ngayon lamang niya nakilala sa buong buhay niya.
Ni hindi niya alam kung totoo bang kakilala ng kaniyang kapatid ang lahat ng bisita ngayong gabi, o baka kung saan lamang napulot ng kapatid ang mga bisitang ito.
Either way, they are the center of attention. Kaya naman tinamisan niya ang kaniyang ngiti.
"Everything will be okay. Don't worry, I got you," bulong ng binata sa kaniyang tenga. May ngiti rin sa labi nito. Kahit papaano ay napanatag siya sa sinabi nito. Ngayon lamang kasi siya nadawit sa ganito kalaking kasinungalingan, salamat sa kaniyang magaling na kapatid. Kaya naman hindi talaga niya alam ang dapat gawin. Mabuti na lamang at handa siyang saluhin ni Rameses anumang oras na magkamali siya.
Nang makapasok sila sa venue ay agad silang sinalubong ng kaniyang kapatid. Hinalikan siya nito sa pisngi. "You look really beautiful right now, little sis." Alam niya iyon. Dahil thirty minutes ago, hindi rin niya makilala ang sariling repleksyon matapos siyang ayusan ng mga empleyado ng Elise's Paris Branch. Pagkatapos ay saglit na nakipag-man to man hug naman ito kay Rameses. "Take a good care of her."
"Of course, I will," nakangiting sagot ni Rameses.
Kung mag-usap ang dalawang magkaibigan ay parang totoo talaga ang magiging kasal nilang dalawa ni Rameses. Hindi tumitigil sa pagkislap ang mga kamera, kinukuhanan ang kanilang bawat galaw. Mula sa kanilang kinatatayuan ay kita niya na nakatayo lamang sa may gilid ng event hall na iyon sina Zyke, Knox at Prim, at alertong-alerto sa paligid.
Kita rin niya sa kaniyang peripheral vision sina Cruel at Shyra, na nakaupo sa isang table malapit sa sulok. Nakangiti ang babae, samantala ang lalaki ay walang ekspresyon. Hindi niya malaman ang iniisip ni Cruel. Kahit hindi siya direktang nakatingin sa mga ito, alam niyang titig na titig sa direksyon nila ang binata.
Mas lalo tuloy siyang kinakabahan. Ngunit sinigurado niyang hindi nawawalan ng ngiti ang kaniyang labi. Iba't ibang tao ang kanilang mga kinamayan at binati. Elegante ang bawat sulok ng silid na iyon. Maganda ang flower at table arrangements. Maging ang mga bisita, na halos wala siyang kakilala miski isa, ay sopistikado ang mga kasuotan. Ang kapatid na niya ang nag-asikaso sa ibang mga bisita.
Oh, good Lord. Please help me. Nakapagbanggit na lamang si Kind ng dasal sa kaniyang isip nang mapansin mula sa kaniyang peripheral vision ang pagtayo nina Cruel at Shyra mula sa upuan ng mga ito. Papalapit ang mga ito sa kanila.
"Kind, you look so beautiful." Nakipagbeso sa kaniyang si Shyra bago pinasadahan ng tingin ang suot niyang kulay silver na mermaid dress. Tube-type iyon at bahagya pang kumikinang ang maliliit na beads doon. Hapit na hapit iyon sa kaniyang katawan at talaga namang napalabas ng dress hubog niya. Maging ang kaniyang makeup, na-enhance ang natural niyang ganda. Nakataas rin ang kaniyang buhok na animo'y style ng isang ikakasal. May mga maliliit na hibla na naiwan sa gilid ng kaniyang mukha. Like she said earlier, about thirty minutes ago, hindi niya makilala ang sariling repleksyon sa salamin. Para siyang ibang tao. Doon niya na-realize kung bakit isa sa high-rating boutique ang Elise's sa buong mundo.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)
Fiksi UmumKind Liliya Belmesova needs cash. A lot of cash. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana umulan ng pera mula sa langit. Just a week ago, she found out that her deceased mother has a huge debt on loan sharks. At naging dahilan...