TWENTY EIGHT

596 17 0
                                    

"Manong guard, I have an appointment with Mr. Treb Ylop San Esteban." Magalang na sabi niya sa guwardiyang nagbabantay sa may guardhouse sa tabi lamang ng gate ng San Esteban Furnitures. It was the same guard four months ago.

"Ay, Ma'am Kind, good morning po." Bahagya siyang nagulat dahil natatandaan nito ang pangalan niya. "Pasok ho kayo." Sinenyasan nito ang babaeng guwardiya upang pinagbuksan siya. "Elsa, pagbuksan mo ng gate si Ma'am Kind."

Agad naman iyong sinunod ng babaeng guwardiya.

"Good morning ho, Ma'am." Bati rin sa kaniya ng babaeng guwardiya na tinawag sa pangalang Elsa. Ito rin ang babaeng guwardiya apat na buwan na ang nakakaraan. Iyong ngumiti sa kaniya ngunit tinalikuran niya dahil sa sobrang inis sa kapatid. She somehow felt bad after recalling that memory.

"Good morning din po sa inyo----"

"Bakit pinapasok kaagad ninyo iyan? Hindi ninyo man lang pinag-log?" Naputol ang kaniyang mga sasabihin nang marinig ang sinabing iyon ng isa pang lady guard. Mukha itong masungit at istrikta. Kita naman iyon sa ekspresyon nito. Sa katunayan ay tama ito, kung maaalala niya iyong huling beses na nagpunta siya sa San Esteban Furnitures ay talagang napakahigpit ng seguridad. Tinawagan pa nga ng guwardiya sa guardhouse ang kaniyang numero para lamang masigurado na gumagana iyon.

Kaya naman ngayon ay medyo nagtataka rin siya na basta na lamang siya pinapasok ng dalawang naunang mga guwardiya.

"Miss, bumalik ka muna sa labas." Utos sa kaniya ng kararating-rating lamang na guwardiyang babae.

"Ah, sige po. Walang problema---" Akmang tatalikod siya upang muling lumabas mula sa gate nang pigilan siya ng guwardiyang lalaki.

"Naku, Ma'am. Huwag po ninyong intindihin si Gloria. Sige na po, pumunta na po kayo sa main building."

"Sanchez, gusto mo na bang mawalan ng trabaho, huh?" Mataray at istrikta ang tono na sabi ng babae.

"Manahimik ka, Gloria. Kung ayaw mong ikaw ang mawalan ng trabaho." May diin sa salita ng lalaking tinawag na Sanchez, napapasulyap-sulyap ito sa kaniya at may mapagpaumanhin na ngiti sa labi.

Nagpapalit-palit ang tingin niya sa dalawang guwardiya, hindi alam kung sino ang dapat sundin.

"Sanchez, Gloria. What's the commotion here?" Natigilan sila pare-pareho nang marinig ang boses na iyon ng kaniyang kapatid. "What the hell is happening?" Nagkatinginan din naman ang dalawang guwardiya sa pagdating ng amo.

"Sir Treb, ito ho kasing si Sanchez basta na lamang pinapasok itong babae---"

"Tumigil ka na sa pagsasalita mo, Gloria. Ano ka ba." Mahina ngunit may diin na sabi ni Sanchez. Para bang gusto nitong sabihin na 'isang salita mo pa at paniguradong mawawalan ka ng trabaho' ngunit hindi iyon masabi ng lalaki dahil nasa harapan lamang nito si Treb.

"He should be." Nabura ang ngiti sa labi ng kaniyang kapatid. "Why would he still need to frisk my sister and check her things? Aren't I already told Zyke to orient you about this?" Bumaling ito sa kaniya. Tila nasira na ang mood nito. "I have been waiting for you. Let's go." Akmang magpapatiuna na itong maglakad patungo sa main building.

"Ah, pagpasensyahan nyo na po si Gloria, Sir. Absent po kasi siya kahapon. Kaya wala rin po siya nang nagpatawag ng meeting si Sir Zyke." Ipinagtatanggol pa rin ni Sanchez ang masungit ng guwardiya na tinawag sa pangalang Gloria. "Hindi po niya alam na darating si Ma'am Kind."

"Gloria, you're fired." Walang kaabug-abog na sabi ng kaniyang kapatid. Napatigil siya sa paglalakad dahil sa narinig. Nang lingunin niya ang tatlong guwardiya ay kita niya ang pagkabigla sa mukha ng mga ito.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon