THIRTY ONE

567 20 5
                                    

"Miss, can I sit here? Is this seat taken?"

Natigil ang pagmumuni-muni ni Kind nang marinig ang boses ng isang babae. Nang mag-angat siya ng tingin ay bumungad sa kaniyang harapan ang isang napakagandang babae. May ngiti sa labi nito at halatang hinihintay ang sagot niya. Mala-anghel ang mukha nito at hindi maikakaila ang pagkakaroon ng lahing banyaga.

"Uh, no it was not taken." Umusod siya ng kaunti upang makaupo ito.

"Oh, thank you." Sa hindi malamang dahilan, agad siyang nakaramdam ng awkwardness sa pagitan nilang dalawa ng babae nang maupo ito sa kaniyang tabi. Lihim niyang hinihiling na sana ay dumating na ang kaniyang kapatid.

"The place is really beautiful, isn't it? Saglit siyang napatingin sa babae nang ito ang initiate ng kanilang conversation.

Binigyan niya ito ng maliit na ngiti. "Yeah, it is."

"I want to take tons of photos but my fiance is not here yet. Late na naman. Lagi na lang late ang taong iyon. I am Shyra, by the way. You can call me Shy."

Bahagya siyang nagulat nang marinig itong mag-tagalog. Ang sinabi nito ay parang ang sinabi lamang niya nang una siyang makapunta sa Paris kahapon. Gusto rin sana niyang makapag-take ng maraming larawan.

"Oh, you know Filipino language." Komento niya. "My name is Kind." They shaked each other's hand.

"Yeah! My mother's a Filipina e. And you have a unique name just like my fiance. I really like it." Her tone was so energetic.

"Thank you." Pasasalamat niya sa compliment nito. Nawala na ang awkwardness na nararamdaman niya dahil mabait naman pala ang katabi. Isa pa, may lahi rin itong Filipino katulad niya.

"Are you with someone?" Tanong nito.

"Ah, yeah. I'm with my bodyguards while I'm waiting for my brother." Itinuro niya ang dalawang lalaki na papalapit sa kanilang direksyon nang makitang may kausap siyang ibang tao.

"Oh," napaawang na lamang ang labi nito. "Your bodyguards look pissed. Mukhang wala yata silang tiwala sa mukha ko."

Nagkatawanan silang dalawa sa sinabi nito. "No, they always look liked that. To intimidate people." Bahagya siyang nag-lean dito at bumulong. "I doubt if they trust any person at all. Look at them walking towards here with their expressionless face." Mahina ring napahagikhik ang babae sa sinabi niya. She's really bright and pretty. Napakasuwerte ng fiance nito. Iyon ang kaniyang naisip.

Nang makarating sina Know at Prim sa kanilang direksyon ay tumayo ang mga ito hindi kalayuan sa kanila at halatang binabantayan siya.

Kung anu-ano ang napagkuwentuhan nilang dalawa ni Shyra. Nalaman niyang anak pala ito ng may-ari ng isang clothing company sa Pilipinas. Nakapag-establish na rin ito ng sariling brand at nagma-manage ng sarili nating boutique kahit pa nanggaling ito sa mayamang pamilya. Kind was pretty amazed by her. Magkaedaran lamang sila nito ngunit hindi maikakaila na ahead ito sa kaniya. She always wanted to have her own firm, and aside from that, it was her long time dream to open her own flower shop. She always wanted to be the boss of her own business. Ngunit tila matagal na panahon pa iyon bago mangyari.

But she is not losing hope. Naniniwala pa rin siyang may kaniya-kaniyang panahon ang lahat ng bagay. Life is not a race, ika nga. Kaya habang nasa kalagitnaan pa lamang siya ng journey niya, she will try to gain as much experience as she could. Para kapag naipatayo na niya ang sarili niyang negosyo, magagamit niya ang lahat ng natutunan niya roon.

Afterall, experience is the best teacher, hindi ba?

"How about you? What do you usually do in the Philippines?" Punung-puno ng kuryosidad na tanong ni Shyra sa kaniya. "Wait, are you even living in the Philippines, or are you living here for good? Sorry, I forgot to ask earlier."

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon