TWENTY ONE

692 24 0
                                    

"It was actually my first time to take a leave."

Nakita ni Kind kung paano saglit na natigil sa pagkain ang binata. Titig na titig ito sa sariling plato ngunit parang lumilipad ang isip nito.

"I never took any break from work before," muli nitong sabi bago ipinagpatuloy ang pagkain. "I'm glad that I did."

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi ng binata. Kung ito ang kauna-unahang beses nitong nagbakasyon sa trabaho, dapat ay totoong bakasyon na ang ginawa nito. Tulad na lamang ng pamamasyal o pagliliwaliw sa magagandang lugar, hindi dito. Hindi dito sa masikip niyang kuwarto kung saan hindi nito masusulit ang bakasyong sinasabi nito.

She somehow felt guilty, at hindi niya maintindihan kung bakit. Hindi na lamang siya nagkomento at mabilis na tinapos ang kaniyang pagkain.

Nang matapos silang pareho sa pagkain ay tinulungan siya ng binata sa paghuhugas ng mga plato. Pinahiram din niya ito ng spare na toothbrush at sabay pa nga silang nagsepilyo sa may lababo. Nang matapos doon ay pinatay na niya ang telebisyon at niligpit ang ibang kalat. Ang binata ay parang tuta lamang na nakasunod sa kung saan mang bahagi ng bahay siya magpunta.

Saka niya na-realize na magdamag silang magkasama ngayon ng binata, at hindi niya alam kung saan ito patutulugin. Natigilan siya.

Tila nabasa naman ng binata ang iniisip niya. "I could sleep on the sofa."

"Uh, okay." Tila wala aa sarili na basta lamang niyang sagot. Mabilis siyang pumasok ng kuwarto at kumuha ng spare na unan at kumot. Nang lumabas siya mula roon ay nakita niyang nakaupo na sa sofa ang binata at tila hinihintay siya.

Napatingin siya sa binata at pagkatapos ay sa sofa. Masyadong matangkad ang binata para doon.

"Are you sure that you'll be okay here? I could sleep here, at maaari ka namang matulog sa kuwarto ko." She offered. Siguradong-sigurado kasi siyang mamamaluktot sa maliit na sofa na iyon ang binata.

"I'll be okay. So don't worry." Inabot nito ang kumot at unan at saka nahiga sa sofa. Lagpas-lagpasan ang paa ng binata. He is trying his best to be comfortable. Tinalikuran na siya nito at akmang matutulog. "Have a good sleep."

"Yeah. Ikaw rin." Tinungo na niya ang switch ng ilaw at pinatay iyon. Kumalat ang kadiliman sa buong sala.

Papasok pa lamang siya ng kuwarto nang muling marinig ang pagsasalita ng binata.

"Good night, Kind." Mahinang sabi nito, sapat lamang upang marinig niya.

She smiled, even though he could not see it. "Good night, Cruel."

***

Maagang nagising si Kind kinabukasan. Nang silipin niya ang oras sa orasang nakasabit sa pader ay napag-alaman niyang alas otso 'y media na na pala ng umaga. Mukhang napasarap ang kaniyang tulog dahil sa ulan.

Maging ngayon ay umuulan pa rin. Hindi na iyon kasing lakas nang tulad kagabi ngunit hindi rin naman iyon mahina. Paniguradong kahit lagpas alas otso na ng umaga ay madilim pa rin ang langit sa labas. Napakakulimkim ng panahon.

Lihim niyang hinihiling na sana ay tumila na ang ulan kahit saglit lamang upang makapag-grocery siya mamaya. Talagang humihinga na ng stock ang kaniyang maliit na ref pati ang mga cardboard. Isa pa, kailangan na rin kasi niyang mapagkasya ang natitira niyang savings sa bangko sa pangkain, renta at iba pang necessities, hanggang sa makakita siya ng ekstra pang trabaho.

Agad siyang napabangon nang maalala si Cruel. Mabilis niyang inayos ang gulu-gulo niyang buhok bago lumabas sa maliit na kuwartong iyon. Nakita niyang nakabaluktot sa sofa ang binata at nakabalot ng kumot ang buong katawan. Ulo lamang ang nakalabas dito. Mahimbing pa rin ang tulog ng binata. Mukhang tulad niya, napasarap din ang tulog nito.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon