TWO

909 19 0
                                    

Marahas na ibinagsak ni Kind ang katawan sa sofa. Natitigan niya ang itim na envelope na natanggap niya kahapon. Halos naipagtanong-tanong na niya ang sa lahat ng kapitbahay niya kung kanino ang itim na sobreng iyon ngunit 'hindi' ang sagot ng mga ito. Itinapon niya iyon. Lumusot ang sobre sa ilalim ng mababang drawer kung saan nakapatong ang mga larawan nila ng mama niya.

Napapalatak siya. Pinahirapan lamang siya ng sobreng iyon. Napakalamig pa naman ng panahon. Hinubad niya ang suot na coat at isinabit iyon sa likod ng pintuan. Sinigurado din niyang nakabukas ang heater bago nagtungo sa kusina upang magluto ng tanghalian.

It wasn’t a very busy day for Kind. Umikot na naman ang buong araw niya sa pag-withdraw at pagbadyet ng lahat ng natitira niyang pera. Ilang beses din siyang naghanap ng bagong mapapasukang trabaho sa diyaryo at sa ilang news column sa internet. Inaasahan na kasi niya ang kahihinatnan ng kasalukuya niyang trabaho. Alam niyang malaki ang tyansa na tuluyang matapos ang pagiging wedding organizer niya at hindi naman niya puwedeng hayaaang mangyari iyon nang wala man lamang siyang back-up na source of income. Kung hindi ay paniguradong sa lansangan siya pupulutin.

Ngunit siguro ay naubos na ngang talaga ang suwerte niya. Dahil sa lahat ng tinawagan niyang numero ng mga firm na may “wanted” sa diyaryo ay wala ni isa ang nagpaunlak sa kaniya. Kung hindi “tapos na ang interview” ay nakakuha na raw ang mga ito ng sapat na empleyado.

“Argh!” She frustratedly pulled her hair. Parang masisiraan na siya ng bait. Naiyukyok na lamang niya ang ulo sa center table. At nang maiangat niya ang mukha ay sa nakangiting larawan ng Mama Ekaterina niya tumama ang kaniyang tingin. Nakapatong ang larawang iyon sa drawer hindi kalayuan sa kung nasaan siya.

“Mama, what should I do?” Dumako ang tingin niya sa drawer mismo. Pumasok bigla sa isip niya ang dati niyang laptop na matagal na rin niyang hindi nagamit. Naalala niya na itinago nga pala niya iyon sa drawer at namilog ang mga mata nya sa ideyang naisip. “Thanks, Ma.” Agad niyang nilapitan ang drawer, binuksan iyon, and there, she saw her old laptop na agad din niyang kinuha. She kissed her mom’s photo, saka iyon inayos ng pagkakapatong.  Thank God. It’s still perfectly working.

Sinimulan niyang gumawa ng resume at application letter at isinumite iyon sa iba’t-ibang firm at kumpanya. She also took some photos of her laptop and posted it on an online marketplace. Sigurado kasi siyang kung hindi niya iyon ibebenta ngayon ay magiging kolateral lamang iyon sa utang. Wala pang kalahating oras ang nakalilipas nang may magpadala sa kaniya ng mensahe online. Isang college student iyon na nais bilhin ang laptop na kaka-post lamang niya.

Nakipagpalitan siya ng mensahe sa estudyante. Nakipagnegosasyon. Nagbigay ito ng address kung saan sila magkikita. Mabuti na lamang at alam niya ang landmark na ibinigay nito. Malapit lamang iyon sa bahay niya at kayang-kayang lakarin. Mabilis niyang inilagay ang laptop at iba pang accessories laptop bag niya, kinuha ang kaniyang coat at nagmamdaling umalis.

Everything went pretty smooth. Mabait ang babaeng nakabili ng laptop niya. And she also sold it for a reasonable price. Dahil doon ay wala na siyang proproblemahin sa paghahanap ng pera pangkain sa loob ng ilang linggo. She even called her friend Hiraya to tell her the good news and invited the girl to her place. Sinabi naman nito sa kanya na agad itong pupunta. Abot tainga tuloy ang ngiti niya habang naglalakad pabalik sa kaniyang bahay.

Ngunit agad din palang mabubura ang ngiti na iyon. Dahil ilang metro na lamang ang layo niya sa kaniyang bahay nang mamataan niya ang ilang kalalakihan na isa-isang inilalabas ang mga gamit niya. Agad siyang napatakbo papalapit sa mga ito at hinarangan ang daanan.

“Teka, sino kayo at saan ninyo balak dalhin ang mga gamit ko?” kumpronta niya sa mga ito sa wikang Russian. Pinanatili niyang kalmado ang sarili. Ayaw na ayaw din naman kasi niyang idadaan sa init ng ulo ang mga ganitong bagay. Dalawang lalaking nakaitim na business suit ang humarap sa kaniya. Magalang siyang binati ng mga ito at sinimulang ipaliwanag sa kaniya ang nangyayari. The bank is seizing her things as collateral to her mother’s debt. At dahil naiwan niyang nakabukas ang pintuan, inakala ng mga ito na abandonado na ang bahay niya, dahil na rin namatay na nga recently ang mama niya at hindi naman alam ng banko na may anak pala ito.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon