FIFTY

491 16 0
                                    

The number you have dialed is currently unavailable at the moment. Please leave the message after the beep.

"Cruel, it's me. I've been trying to call and text you. Please respond to my messages. If you aren't busy, please call me. I will answer it right away." Malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. "I love you... I miss you."

Walang lakas na pinatay ni Kind ang kaniyang cellphone. Today's her day off. At balak niya magpunta sa isang pribadong klinika upang magpa-checkup. Masamang-masama ang kaniyang pakiramdam. Matagal na niyang pinaplano ang pagpunta sa doktor ngunit lagi iyong nagpo-postpone dahil sa trabaho. Ngayon lamang iyon matutuloy dahil hindi na niya kaya ang sama ng pakiramdam. Madalas siyang nagsusuka, nahihilo, at namumutla. Natatakot na siya na baka kung ano na ang sakit na kaniyang dinaramdam.

It has been two weeks. Yes, two freaking weeks! At hanggang ngayon, wala pa rin siyang natatanggap na kahit anong mensahe mula kay Cruel. Ni ha, ni ho, wala. Wala itong paramdam. Hindi na niya alam ang dapat gawin. Nag-aalala na siya sa binata.

Ang huli nilang pag-uusap ay patungkol pa rin sa pag-e-expand ng restaurant nito sa loob at labas ng bansa. Nabanggit nitong may itatayong isang branch ng restaurant nito sa Brazil, at isa naman dito sa Maynila. Alam naman niyang busy ang binata sa trabaho nito. Ngunit makakaabala ba sa oras nito ang simpleng pag-iiwan sa kaniya ng mensahe? Sa loob ng dalawang linggo ay wala man lamang siyang narinig na balita mula rito.

Hindi niya mapigilan ang pagsama ng loob. Umangat ang kaniyang braso at itinakip niya iyon sa mga mata. Mapait siyang napangiti nang mag-unahan sa pagtulo ang kaniyang mga luha.

Her birthday is also coming up. Apat na araw mula ngayon ang kaniyang kaarawan. Gusto sana niya iyong i-celebrate kasama si Cruel. Ngunit walang kasiguraduhan kung kakausapin na siya nito bago ang araw na iyon.

Pinunasan niya ang mga luha. Walang magagawa kung iiyak siya sa bagay na iyon. Lalo lamang sasama ang pakiramdam niya kung uunahin niya ang pag-iyak. Ang kailangan niyang gawin ngayon ay ayusin ang sarili upang makapunta na sa klinika. Kahapon pa lamang ay nagpa-schedule na siya, at kung hindi pa siya kikilos, malamang sa malamang ay mahuhuli siya sa scheduled appointment.

Sinilip niya ang oras sa kaniyang cellphone. Alas onse 'y media na ng umaga ang isinasaad niyon. Late na kasi siyang nagising kanina dahil sa sama ng kaniyang pakiramdam mula pa kagabi. Ala una pa ng hapon ang kaniyang appointment kaya naman may mahigit isang oras pa siyang makakapag-asikaso. Dahil wala siyang ganang kumain, hindi na siya nag-abalang magluto. Dumiretso na siya ng banyo upang maglinis ng katawan at magpalit ng maayos na damit.

Habang nagsusuklay ay nagpadala siya ng mensahe kay Knox na nagsasabing sunduin na siya. Agad naman nag-reply sa kaniya ang lalaki upang sabihing naghihintay na ito at si Prim sa parking lot ng building na iyon. Kaya naman binilisan na niya ang pagkilos. Nang masigurado niyang naka-lock na ang bahay ay tinakbo na niya ang elevator at sunod-sunod na pindot ang ginawa sa down button.

"HO?" Halos mabingi si Kind sa sinabi ng babaeng doktor. "A-ano po uli iyon?" Muli niyang tanong dahil baka nagkamali lamang siya ng dinig.

"You are seven weeks pregnant po, Misis. Congratulations." May ngiti sa labi na pag-uulit nito.

"Doc, you are telling me that this is all because of pregnancy?" Hindi niya makapaniwalang sabi. "B-but that could not be. Sumubok akong gumamit ng pregnancy test dalawang linggo na ang nakakaraan. But it resulted negative. How could that happen?"

"Was it your first time using a pregnancy test kit?"

Tumango-tango siya. "Yes, Doc."

"May chances talaga na magkamali ang result ng pregnancy test, especially when you took it too early. It's pretty rare, ngunit nangyayari po talaga iyon. My tests today shows that you are pregnant."

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon