EPILOGUE

901 21 2
                                    

"Anak, say hello to your sibling." Nagtirik siya ng kandila at nilagyan ng bulaklak ang harap ng puntok. Binuhat ni Kind ang anak upang mas makita nito ang maliit na puntod sa kanilang harapan.

Little Angel SE. Buenavista. Iyon ang maliit na letra na nakasulat sa maliit ding lapida niyon. Sa baba ng pangalan ay ang date kung kailan ito ipinanganak at ang date kung kailan ito namatay. Iisang araw lamang iyon. Kung mabubuhay lamang ito ngayon, malamang ay nagsisimula na itong mag-aral sa elementarya.

"Hello." Napangiti si Kind nang kumaway-kaway ang kaniyang pangatlong anak na lalaki sa maliit na puntod sa kanilang harapan. "Mommy, is my sibling in there? Is he sleeping? Can the two of us play?" Utal-utal pa na sabi ng bata. Ibinaba niya si Ced at nakangiting ginulo ang buhok nito.

Naupo siya sa harap ng anak upang magpantay ang kanilang mga mukha. "Ced, listen to me. Listen to Mommy well, hmm?"

Tumango-tango naman kaagad ang kaniyang anak at hindi inaalis ang tingin sa kaniya, at matamang hinintay ang iba pa niyang sasabihin.

"Your sibling is already an angel. And he is playing with the other angels up there. Kasama na niya si Papa God." Itinuro niya ang asul na asul na langit. Nang tumingala siya ay napatingala rin ang kaniyang anak. "Masyado siyang mataas, hindi ba?" Ibinalik niya ang tingin kay Ced.

Tumango-tango ang kaniyang magtatlong taong gulang na anak. "Masyadong mataas at hindi pa natin abot. But when we reached a certain time on our lives, that's when we will finally meet your angel sibling. Maabot din natin ang kapatid mo. Kaso lang matagal-tagal pa ang panahon na iyon. Kaya mo bang maghintay?"

"Yes, Mommy. I'm excited to meet him." Napangiti siya. Matagal-tagal na rin nang tuluyan na siyang tumigil sa pagtratrabaho upang maginng full-time na ina. Gusto kasi niyang masubaybayan at maging hands-on sa kanilang mga anak.

"Come on, hug Mommy." She opened her arms, waiting for Ced's embrace.

Lumapit naman ito sa kaniya at mahigpit na niyakap ang kaniyang leeg. Ced Kairo is just the sweetest. Ngunit kung gaano ka-sweet ang bunso niyang anak ay kabaliktaran niyon ang ugali ng kaniyang pangalawang anak. Hayun nga at naririnig na niyang nagbabangayan ang mag-ama niya sa hindi kalayuan. Tumatakbo ang dalawa patungo sa direksyon nila. Saglit silang nagkatinginan ni Ced at sabay na napakibit-balikat bago muling napatingin sa dalawang tumatakbo.

Maliksi ang pagtakbo ni Caden Kiel. "Mommy!" Malakas na sigaw nito sabay kaway sa kaniya. Mabuti na lamang at sila-sila lamang ang kasalukuyang tao sa sementeryong iyon.

"Kiel! I swear to God! Lagot ka sa akin pag naabutan kita!" Malakas ding sigaw ni Cruel na ikinatawa niya. Hinahabol nito ang kanilang anak. Nauna lamang sila ng kaunti rito dahil naghanap pa ng mapagpaparadahan ng sasakyan ang kaniyang asawa, ngunit heto at nagbabangayan na naman ang dalawa.

Asawa. Kay sarap pa rin talaga niyong pakinggan. Ilang taon na rin ang nakalilipas magmula nang magpakasal sila.

Matapos ang pinakanakakatakot na bahagi ng buhay niya, taon ang ginugol niya upang maka-move on roon. Nang magising siya matapos ang ilang araw na pagkawala ng malay at nalaman ang balita mula mismo kay Cruel... na wala na ang kanilang anak, parang gumuho ang mundo niya. Ilang araw, linggo, siyang natutuliro. Natutulala siya sa kawalan dahil sa lungkot. Masakit para sa kaniya ang nangyari.

But some things are meant to happen, right? Sabi nga sa isang kasabihan, may dahilan ang lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao. Good or bad, those certain things are meant to make a person stronger.

At matiyaga naman siyang hinintay ni Cruel hanggang sa handa na siyang ituloy ang kanilang kasal. Because of Cruel's love and patience, nagawa niyang mag-move on sa pagkawala ng kanilang unang anak. Hindi siya nito iniwan, hindi siya nito pinabayaan. Everyday, he made her feel that she is loved and worthy. Niyaya siya nito na tumira na sa iisang bubong kahit hindi pa sila kasal upang mas mabantayan at maalagaan siya nito.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon