Hindi mapakali si Kind sa buong byahe nilang dalawa ni Cruel patungo sa bahay ng mga magulang nito. Nanginginig ang kaniyang mga kamay at hindi mapakali ang kaniyang mga hita. Malalalim rin ang mga paghinga na kaniyang pinakakawalan at kanina pa nanunuyo ang kaniyang labi dahil kanina pa rin niya nalulunok ang sariling laway. Pakiramdam niya ay dehydrated siya dahil tuyong-tuyo na ang kaniyang lalamunan.
"Hey, are you okay?" May pag-aalalang tanong ni Cruel sa kaniya na abala sa pagmamaneho. Saglit itong tumingin sa kaniya at muling ibinalik ang mga mata sa kalsada. "Malapit na tayo sa bahay ng mga magulang ko," anunsiyo nito.
Tumango-tango siya, kahit na alam niyang kita naman sa kaniya ngayon ang hindi maitagong kaba.
"Here, drink some water." Iniabot nito sa kaniya ang maliit na bote ng tubig. Napansin siguro nito na nanunuyo na ang kaniyang labi. Agad naman niyang inabot iyon at ininom. Parang naibsan ang kaniyang dehydration na nararamdaman.
"Thanks," nakangiti na niyang sabi.
"Now you are smiling. Kanina ka pa tahimik e."
"I am really nervous," pagsasabi niya ng totoo. Kung anu-ano ang mga tanong na kanina pa pumapasok sa kaniyang isip.
"There is nothing to be nervous about. Nothing to be scared of, hon. They're just my family, and soon they will be your family too. I promise they won't bite." Saglit nitong hinawakan ang kaniyang kamay at pinisil iyon. He is encouraging her not to be scared. Agad din nitong ibinalik ang kamay sa manibela.
And soon they will be your family too. Sa lahat ng mga sinabi ng binata sa kaniya ay ang mga salitang iyon ang tumatak sa kaniyang isip. Hindi niya alam kung advance ba siyang mag-isip o mini-proposal iyon ng binata. The thought of them living under one roof, building their own family, is making her heart beat wildly. It is dancing wildly to an unknown music inside her own chest.
Unting-unti namang naglaho ang kaba niya. Hindi talaga nagkukulang ang binata sa pagbibigay ng assurance sa kaniya. Ano ba ang ginawa niya sa dating buhay upang makilala niya sa buhay na ito si Cruel.
"Cruel, mahal kita."
Natigilan siya nang itigil ng binata sa gilid ng kalsada ang kanilang sasakyan. Malalim ang paghinga nito at diretso ang tingin sa kalsada.
Agad siyang nakaramdam ng pag-aalala nang makitang tumungo ang binata sa manibela. "Cru... el?" She stretched out her hand, but he flinched as soon as her hand landed on his shoulder. Agad din niyang nailayo ang kamay sa binata.
Hindi niya alam ang dapat gawin. Hindi niya alam kung dapat pa niyang hawakan ang binata. Ngunit segundo lamang ang nakalipas nang mapansin niyang pulang-pula ang tenga nito.
She leaned. Inilapit niya ang mukha malapit sa tenga ng binata upang matingnang maigi iyon ngunit saktong paglapit niya ng mukha dito ay lumingon naman ang binata. Naramdaman niya ang dulo ng matangis nitong ilong sa dulo ng kaniyang ilong. Namilog ang kaniyang mga mata nang makitang pulang-pula ang mukha nito.
"Kind, what should I do? My heart's been beating wild. I am so in love with you." Ganoon din ang nararamdaman niya. Mabilis din ang pintig ng kaniyang puso. Sinapo niya ang pisngi ng binata. The skin on his cheeks feel so soft.
"Cruel, I'm in love with you too," and with that she kissed him with so much passion. Parang gustong sumabog ng lahat ng kaniyang nararamdaman. Gusto niyang maramdaman nito ang pagmamahal niya.
Cruel, can you feel it? Have I reached your heart? Can you feel how much I love you? Her tears broke. Naramdaman niya ang pagtulo ng mga iyon sa kaniyang pisngi.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, agad na bumakas ang pag-aalala sa mukha ng binata nang makita ang kaniyang mga luha. Agad iyong pinunasan ng binata gamit ang dulo ng mga daliri nito. "Why are you crying, hmm?"
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)
Narrativa generaleKind Liliya Belmesova needs cash. A lot of cash. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana umulan ng pera mula sa langit. Just a week ago, she found out that her deceased mother has a huge debt on loan sharks. At naging dahilan...