Four months ago...
Marahas ang paglakad ni Cruel. Malalaki ang kaniyang mga hakbang habang tinatahak ang mahabang hallway na iyon ng isang pribadong ospital sa Palawan.
Kagagaling lamang niya sa bahay ng kaniyang mga magulang. Doon niya nakumpirma sa mga katulong nito sa bahay ang nangyari. Bigla na lamang daw bumulagta sa sahig at nawalan ng malay ang kaniyang ina. Ang masama pa roon ay hindi pa raw nakakauwi ang kaniyang ama ng mga oras na iyon dahil ilang araw na itong abala sa mga business trip.
Hindi pa niya naitutuloy ang nasimulang pagtulog kanina, sa katunayan ay hindi niya alam kung nasa tamang pag-iisip pa ba siya, nalimutan na rin niya ang kondisyon ng sariling katawan. Ang gusto kasi niyang masigurado ay ang kalagayan ng kaniyang ina.
Minsan lamang kasi magkasakit ang mama niya. As in, minsan lamang. Kaya kapag nangyayari iyon ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Ngayon niya nare-realize na talagang hindi na pabata ang kaniyang mga magulang. Nagkakaedad na ito, at nasa edad na rin na dinadapuan ng mga sakit.
Sa hindi kalayuan ay nakita na niya ang pintuan ng VIP room kung nasaan ang ina. Malalaki ang hakbang niya na nilapitan iyon, pinihit ang doorknob, at walang sabi-sabi iyong binuksan.
Halos mahigit ang kaniyang paghinga nang makitang may mga tubong nakakabit sa kaniyang ina. He could hear the beating of her heart from a machine. He has never seen his mom looked this hopeless before.
Sa gilid ng kama ng kaniyang ina ay nakaupo sa single na sofa ang nakaidlip nang Kuya Chase niya. May kunot sa noo nang kaniyang kapatid kahit natutulog ito. Halata rin ang pag-aalala rito. Malamang ay nauna pa itong tinawagan ng Kuya Trail nila.
Tila naalimpungatan ang kaniyang kapatid, nagising, at bahagyang nagulat nang makita siyang nakatayo sa gilid ng kama ng kanilang ina.
"Jesus Christ! You will be the death of me, Cruel." Nakita niya kung paano nito nasapo ang dibdib malapit sa puso nito. "Are you a freaking ninja? When did you arrived? I did not even hear your footsteps."
"Just a second ago," sagot niya. "How long have you been in here?"
"About three hours ago. I was the one who brought her here."
"At hindi pa uli siya nagkakamalay?"
Malungkot na umiling-iling ang kaniyang kapatid habang nakatingin sa kanilang ina. "No."
"What did the doctor said?"
Muli itong umiling-iling. "Wala pa. I'm still waiting for her laboratory results." Saglit silang binalot ng katahimikan. Ito ang kauna-unahang nalagay sila parehong magkapatid sa ganitong sitwasyon. Their mom has always been healthy. Or appear healthy? She has always been loud and cheerful. Basta, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaganito ang kanilang ina.
Nanghihina na lamang din siyang napaupo sa sofa malapit lamang din sa kama ng kanilang ina. Isinandal niya ang likod sa sandalan niyon, at nakapikit ang mga mata nang tumingala. Naramdaman na lamang niya ang biglaang pagsakit ng kaniya ulo dahil sa biglaan din niyang pagbiyahe pabalik ng Palawan. May jetlag pa siya at masakit ang katawan dahil kagagaling lamang sa sakit.
"Where did you come from before coming here? Did Kuya Trail called you also?" Kapagkuwan ay narinig niyang tanong ng kaniyang kapatid.
"From Manila," sagot niya nang hindi tumitingin dito. Nananatiling nakapikit ang kaniyang mga mata. Agad tuloy niyang na-missed si Kind. Pumasok ang maganda nitong mukha sa kaniyang isip. "And yeah, Kuya Trail called me, kaya pumunta ako kaagad dito." Malamang, ang kanilang nakatatandang kapatid at ang kanilang ama ang naunang tawagan ng mga kasambahay nang mawalan ng malay ang kanilang ina. Mabuti na lamang at nadala agad ito sa pinakamalapit na ospital.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)
Ficción GeneralKind Liliya Belmesova needs cash. A lot of cash. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana umulan ng pera mula sa langit. Just a week ago, she found out that her deceased mother has a huge debt on loan sharks. At naging dahilan...