Matulin na lumipas ang isang linggo. Dahil sa pag-aasikaso ng trabaho at ilan pang kinakailangan roon ay hindi na namalayan ni Kind ang pag-usad ng mga araw. Hindi niya napansin na ngayon na pala ang araw na mamamalagi siya sa bahay ni Chase, at sa mga susunod pa na araw ay makikilala naman niya ang pamilya nito. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung matatandaan pa ba siya ng ginang dahil matagal na panahon na rin nang huli niya itong makita.
Ngayon nga ay suot niya habang nagmamaneho ang mamahaling sandals na bigay nito matagal na panahon na rin ang nakararaan. Kailangan niyang magpa-impress sa pamilya ng binata. Hiling na lamang niya na sana ay magustuhan siya ng mga ito.
Kasalukuyan siyang nagmamaneho patungo sa airport. Sa likuran ng kaniyang sasakyan ay isang itim na sasakyan kung saan lulan sina Knox at Prim. Balak siyang ihatid ng mga ito patungo sa Palawan, at mag-check in sa Hotel Buenavista.
Napag-usapan na kasi nila na hindi maaaring sumama ang dalawa sa isla ni Cruel. Mabuti na lamang ay napilit niya itong huwag siyang bantayan roon. Kaya naman sa huli ay napagdesisyunan nilang sa Hotel Buenavista na lamang pansamantalang tutuloy ang dalawa habang siya rin ay nagbabakasyon. Upang sa gayon, sakaling may mangyari na hindi kaaya-ayang bagay, na duda siyang mangyayari dahil may tiwala siya kay Cruel, ay madali siyang mapupuntahan ng dalawa.
Hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mukha. Talagang excited na siya. Kagabi pa lang ay inayos na niya ang kaniyang maleta para sa isang linggong pamamalagi sa islang pag mamay-ari ng sariling kasintahan.
Everything went on pretty smoothly. Tinulungan siya sa nina Knox at Prim sa pagbubuhat ng kaniyang mga bagahe nang nasa airport na sila. Kasama rin niya ang dalawa sa ilang oras na flight, at gabi na nang makarating sila sa Palawan.
Palinga-linga sa paligid. Iisang tao lamang ang hinahanap ng kaniyang mga mata. Hindi siya mapakali. Nang silipin niya ang suot na wristwatch ay alas syete 'y media na ng gabi ang isinasaad niyon. May trenta minutos na rin silang naghihintay sa labas ng airport ngunit ni anino ni Cruel ay hindi pa niya nakikita. Nagsisimula na siyang mag-alala rito. Baka may nangyari nang masama rito habang nasa kalsada. Eksaktong alas syete kasi ang kanilang usapan na susunduin siya nito.
Makailang ulit na rin niyang tiningnan ang kaniyang cellphone kung may mga bagong mensahe siyang nakuha mula kay Cruel, ngunit wala. Ang huli pa ring nakarehistro doon ay ang pag-uusap nila kaninang umaga patungkol nga sa oras na kanilang napagkasunduan.
Cru, wer r u already? She hit the send button. Nang maipadala niya ang mensaheng iyon kay Cruel ay ibinalik niya ang kaniyang cellphone sa loob ng kaniyang sling bag.
"Ano na kaya ang nangyari sa kaniya?" She murmured. Humarap siya kina Knox at Prim. "Do you think something happened to him? He is okay, isn't he?" May pag-aalala niyang tanong.
Nakita niyang sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Knox, ngunit hindi niya alam ang ibig sabihin niyon. Samantala si Prim ay nanatiling tahimik.
"Yeah, I'm okay." Halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang boses ng lalaking kanina pa niya hinihintay.
"Cruel!" Nang lingunin niya ito ay nakasandig ito sa isang pulang sasakyan at malaki ang ngiti sa labi. Agad niyang tinakbo ang pagitan nilang dalawa at mahigpit itong niyakap. "Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa iyo." Hindi na niya maitago ang pag-aalala.
"I'm sorry, I'm late. I merged into a traffic. There was a minor accident." Hinging paumanhin nito. "Did you miss me?" Agad siyang tumango-tango bilang sagot sa tanong nito. "I missed you too." Naramdaman niya ang paghalik ng binata sa tuktok ng kaniyang ulo, bago putulin ang kanilang yakap. "Come on, let's go get your things. Para maiuwi na kita, at makapagpahinga ka na. Dito ka muna, hmm?" Muli siyang tumango-tango nang may ngiti sa labi at nasundan na lamang ng tingin ang likod ng papalayong binata. Patungo ito kina Knox at Prim kung nasaan ang maleta niya at iilan pang bag na naglalaman ng mga magagamit niya sa susunod na araw.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)
General FictionKind Liliya Belmesova needs cash. A lot of cash. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana umulan ng pera mula sa langit. Just a week ago, she found out that her deceased mother has a huge debt on loan sharks. At naging dahilan...