THREE

747 18 0
                                    

Namumuo ang malamig na pawis sa noo ni Kind. Gumapang ang kaba sa buong kalamnan niya.

“Hand over the photo to me.”

She felt intimidated and scared by his lack of emotion. “Do not come any closer or I’ll scream,” pagbabanta niya. Kahit pa alam niyang hindi naman siya matutulungan ng pagbabantang iyon. Dahil imbes na matakot ay mas lalo pa itong humakbang palapit sa kaniya. At bago pa siya makasigaw ay hayun na ang lalaki, nakataas ang isang kamay sa likuran niya. Ang huli na lamang niyang naramdaman ay ang pagtama ng gilid ng palad nito sa batok niya at ang pagbagsak ng katawan niya sa malamig na sahig…

***

Unti-unting iminulat ni Kind ang mga mata. How long has she slept? She adjusted her vision. Blurry pa kasi iyon. Ang ilaw kaagad ng kuwarto ang nakita niya. She groaned. Masakit ang katawan niya lalo na ang kaniyang batok.

What the hell happened?

Mabilis na bumalik ang ala-ala niya sa nangyari: ang hindi kilalang lalaki, ang pagpupumilit nito na makuha ang larawan ng pamilya niya, at ang pagbagsak niya sa malamig na sahig. Napabalikwas siya. Where on earth is that man? Iginala niya ang paningin. Nasa loob na pala siya ng sariling kuwarto.

“Hey,” doon niya napansin si Hiraya na nakaupo sa single sofa sa tabi ng kama niya. May blanket sa hita ng kaniyang kaibigan. Mukhang dito na rin ito sa kuwarto niya natulog. “Nightmare?” tanong nito sa kaniya.

Kumunot ang noo niya. “How long have you been in here? At gaano katagal akong nakatulog?”

“I was here since yesterday night and you basically slept all night,” saglit itong nag-inat bago namilog ang mga mata na tila may naalalang kung ano. Sinipat-sipat siya nito. “Hey, may masakit ba sayo? Ulo mo? Braso? Likod? Anything?”

“Nothing,” tipid na sagot niya. Bukod sa masakit niyang batok ay wala naman nang masakit sa kaniya. At parang ayaw niya sabihin sa kaibigan ang iniinda niyang sakit ng batok.

“Whew. Thank goodness. I was really worried when I saw you lying on the floor. I thought you were dead, for Pete’s sake! Turns out it was overfatigue when I examined you.” Hiraya is actually a pediatrician. Mayroon itong sariling clinic sa St. Petersburg na malapit lamang din sa apartment kung saan ito nakatira. Habang siya naman ay nakatira sa countryside. Minsan ay dumadalaw siya sa clinic ng kaibigan para makipaglaro sa mga bata doon. Ilang beses na din niya sinamahan ang kaibigan sa mga orphanage kung saan ito nagbibigay ng libreng check-up sa mga bata. Her friend is actually a mortal angel.

“You saw me lying on the floor?” Tanong niya.

“Yes. Saktong kakatok pa lamang ako sa pintuan ng bahay mo nang may marinig akong malakas na kalabog. Parang may nalaglag na kung ano. I started to get worried. I called your name for multiple times and you did not answer. So I just decided to use our old technique,” ang tinutukoy nitong old technique ay ang pagbubukas nila ng doorknob gamit ang bobby pin. Magmula yata elementary ay hindi sila nawawalan ng bobby pin sa bag o bulsa. Madalas din kasi silang tumambay sa bahay ng isa’t isa noon tuwing napapaaga ang uwi mula sa eskwela. At dahil parehas silang walang spare key ay iyon na lamang ang ginagawa nila. Parehas gabi na umuuwi ang mga nanay nila galing trabaho. Katulad niya, hindi din nakilala ni Hiraya ang ama nito. “That was when I saw you unconscious. It looks like you passed out of hunger. You did not eat anything yesterday, did you? Takot na takot pa ako dahil ang gulu-gulo ng bahay mo. Para kang nilooban ng mga masasamang tao.” Kitang-kita nga niya ang pag-aalala sa mga mata nito.

“No!” agad na protesta niya. “That’s not what happened! There was this man… an intruder, who wanted my family photo—“ namilog ang mga mata niya nang may ma-realized. “Where’s our family photo?” Aligaga niyang tiningnan ang sariling mga kamay.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon