SPECIAL CHAPTER 1

643 18 1
                                    

Titig na titig siya sa babaeng kasalukuyang pumipili ng gatas loob ng grocery store. So this is Kind Liliya Belmesova San Esteban. Kung gayon, ito pala ang dahilan kung bakit nagrerebelde sa kaniya ngayon si Treb. The return of the long lost sister of his borreau is creating a chaos inside the organization.

Now he only have two choices: to kill this woman, or to kill Treb. Of course he can't kill Treb, he is an asset to the organization. The guy is the best executioner in two decades. Hindi niya pwedeng itapon na lamang basta ang dalawang dekadang iyon nang dahil lamang sa kapatid nito mula sa Russia.

The organization had already protected her for years; for the sake of Lauro San Esteban's oath. Prinotektahan ito ng kaniyang organisasyon at ang ina nitong si Ekaterina. Lauro and Ekaterina was a top priority of I.C. Ngunit dahil pareho na itong namatay, wala na siyang dahilan para protektahan pa si Kind. Kaya naman ginagawa ni Treb ang lahat ngayon upang kumbinsihin siyang bigyan din ito ng proteksyon.

At ngayon, ang organisasyon din pala ang kailangang pumatay dito, dahil kung hindi niya ito papatayin, magpapatuloy si Treb sa pagrerebelde at sa pagpupumilit nitong talikuran na ang kanilang organisasyon.

Hindi niya maaaring pabayaang bumagsak ang Incognito Corpus. Pagkatapos ng lahat ng hirap at sakripisyo niya para sa organisasyon na iyon, pagkatapos ng pagtapon niya sa sariling kaluluwa, at pagpatay sa hindi mabilang na tao, hindi na niya maaaring hayaan na bumagsak pa iyon. He already sent his soul to hell. Wala nang mawawala sa kaniya ngayon.

Maybe, this is why he is an only child.

He rolled his eyes. Napailing-iling na lamang siya. As usual, siblings are a f**king pain in the ass. Kaya siguro hindi siya binigyan ng kapatid ng kaniyang mga magulang. The downside is that he inherited everything. Every f**king thing including that hellish organization and all of their family's enemies. Ngunit kahit ano pang sabihin niya ngayon, it will never make any difference. Wala na siyang magagawa sa mga bagay na nangyari na, at sa mga bagay na ipinamana lamang sa kaniya ng kaniyang mga magulang.

He has killed a lot of people with his own hands already. At hindi na rin maibabalik pa ang buhay ng mga taong iyon ngayon.

Mula sa labas ng mga salaming pader ng grocery store ay kitang-kita niya kung paano natigilan ang babae at nagpalinga-linga sa paligid. Napangisi siya, paniguradong naramdaman nito ang mga titig niya. This girl has suprisingly sharp senses. Ramdam kaagad nito kapag may nakatitig dito. It makes him want to scare her more.

"Miss Kind, are you alright?" Nakita niyang lumapit dito si Prim at tinapik-tapik ito sa balikat. Ngunit aligaga na ang babae at alam niyang hinahanap siya nito. Alam niyang ramdam ng babae ang prisensya niya. Nakita niyang nabitawan ng mga nanginginig nitong kamay ang isang karton ng gatas. Agad na kumalat ang likidong gatas sa sahig. Ikinagulat iyon ng ilang tao sa loob ng grocery store.

Of course, he knows Prim. And Knox too. Siya lamang naman ang nag-aasign sa dalawang iyon na maging companion ni Treb. They are his previous assassins. They have killed hundreds on their hands, especially Knox. His all-time favorite Knox, with his friendly face and approachable attitude, no one will even think that the guy killed his own family. Hindi ba't mas nakakatakot iyon? Ang isang taong may mabait at mapagkakatiwalaang mukha ay mas nakakatakot pumatay.

You will never know when will these kind of people will kill you.

Prim, who killed everyone who mistreated him on his childhood. Wala itong sinanto. They are his best assassins. Both a killing machine. Kaya nga ang mga ito ang ginawa niyang kanang kamay ni Treb. Because they could kill anyone in just a second.

But look at them now, binali ng mga ito ang utos niya at ang kapatid na ni Treb ang pinoprotektahan.

Mas lumaki pa ang ngisi sa kaniyang labi. Why is this world full of rule breakers? It makes him want to kill them one by one. These rule breakers need to be to punished in a very agonizing way.

"Miss Kind---" Maging si Knox ay lumapit na rin sa babae, ngunit tila wala na itong naririnig dahil sa paghahanap nito sa kaniya. At pati na ang ibang tao sa loob ng grocery store ay napapatingin na rin dito dahil sa weirdo nitong ikinikilos. Gusto niyang matawa. Fear can certainly make people go crazy, isn't that right? Isn't it ironic, how fear is the most strongest feeling in this world that makes a person go weak. Fear is powerful, but it makes a person powerless.

At segundo lamang ang nakalipas ay tumingon ito sa direksyon niya. Alam niyang hindi nito nakikita ang kaniyang mukha, pero siya, kitang-kita niya ito. Kitang-kita niya kung paano gumuhit ang takot sa mukha nito. Bahagya pa itong napaatras nang makita siya. And that makes his insides celebrate.

Oh, how he loves to impose fear to other people.

"That's right... Don't fight the fear." Bulong niya sa hangin. Hindi mawala-wala ang kaniynag ngisi habang nakatingin sa takot na takot nitong mukha. "Feel the fear, Belmesova. Because that's what I will impose with your brother again."

Nang makita niyang tila wala na sa sarili ito habang kausap sina Knox at Prim ay tumalikod na siya at tinungo ang isang itim na sasakyan na nakaparada sa hindi kalayuan. Nakaparada iyon sa isang madilim na eskinita. Hinubad niya ang itim na jacket at sumbrero at ibinato iyon sa back seat ng sasakyan. Saka siya sumakay at naupos sa tabi lamang ng driver.

"Where to, Sir?" Tanong sa kaniya ni Hoax na ang mga mata ay diretsong nakatingin sa kalsada.

"To the port, Hoax." Walang emosyon sa kaniyang mukha. Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana. "I need to kill Treb." He said with his expressionless face.

Ngunit segundo lamang ang lumipas ay napangiti siya. Hanggang sa ang ngiting iyon ay nauwi sa halakhak.

"I will f**king kill Treb."

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon