FORTY THREE

547 13 0
                                    

Hindi pa man sila nakakaabot ni Cruel sa kaniyang unit ay idinikit na siya nito sa pader at mariing pinagsalikop ang kanilang mga labi. Isinandal siya ng binata sa pader, ang maiinit na palad ay nakasapo sa magkabila niyang mga pisngi.

Mariin siyang napapikit at naikawit ang mga braso sa batok nito. She savor their kisses. Ngunit nang gumapang na ang halik ng binata patungo sa kaniyang leeg ay kaagad niya itong tinapik-tapik. Pinagana niya ang rasyunalidad. Nasa gitna kasi sila ng hallway, at anumang sandali ay may maaaring dumaan. Baka mahimatay ang kung sinumang makakakita sa kanila na naglalampungan sa may pader.

"Cruel..." anas niya sa pangalan ng binata. She kissed the top of his head. "Not here, hmm?"

Tila pinilit lamang ng binata ang sarili na mapalayo sa kaniya. Muli siya nitong binigyan ng halik sa labi bago hinihingal na na pinagdikit ang kanilang mga noo.

"I missed you," bulong nito.

Napangiti siya. "Tatlong linggo lang tayo hindi nagkita. And we talked on phone almost everyday," natatawa niyang sabi.

Tuluyan na itong lumayo sa kaniya at pinagsalikop ang kanilang mga palad. "Talking on phone wasn't enough, okay?" Napapailing naman nitong sagot. "I want to hold you."

Itinago niya ang kilig dahil sa narinig. Pakiramdam niya ay nagtatatalon ang kaniyang puso. Siya rin naman, ganoon ang gustong gawin. Paano'y magmula nga noong nakauwi sila pare-pareho sa Pinas ay nanatili na ang kanilang pag-uusap sa screen. Marami rin kasing hinabol sa trabaho ang binata. Marami itong natambak na dokumento na kinailangang rebyuhin at pirmahan; maraming kliyente na kinailangan i-meet personally at asikasuhin.

Isa pa, bago ang araw na nauna itong umuwi sa kanila mula sa Paris ay nabanggit nitong may bagong isla itong pinaaasikaso at binabalak patayuan ng bahay. Kaya naman kahit nalulungkot siya noong hinatid na niya ito sa airport ay binigyan pa rin niya ito ng isang mahigpit na yakap. Nangako naman ito na palagi siyang tatawagan. A tiny part of her was actually afraid. Takot na mangyari na naman ang nangyari dati. But that's it. A tiny part. Mas malaki pa rin ang paniniwala niya na iba na ngayon; mas malaki na ang tiwala niya kay Cruel. Alam niyang hindi na nito uulitin ang biglaang pagkawala apat na buwan na ang nakararaan.

At hindi naman sinira ng binata ang kaniyang tiwala. Hayun nga at araw-araw silang walang sawang magkatawagan at magka-video call sa tuwing may free time. Araw-araw siyang nakatatanggap dito ng 'good morning', at mga matatamis na mensahe. Magmula nang umuwi sila mula sa Paris ay may kalakip nang ngiti ang kaniyang labi. She's in a good mood all day.

Kung may isa pang tao na maya't maya ay nangangamusta sa kaniya, syempre, si Hiraya iyon. Nang makauwi nga siya ng Pilipinas ay agad niyang ipinadala sa kaibigan ang iilang mga larawan niyang nakuhanan sa Paris, pati na rin ang larawan ng kaniyang kapatid at ni Cruel. Na-curious nga kaagad ang kaniyang kaibigan kaya naman ikinuwento niya rito ang lahat nang nangyari, magmula sa noong nagkaayos silang dalawang magkapatid, hanggang sa ngayon na masaya na siya sa piling ni Cruel.

Bukod pa roon, sa tulong ng lahat ng parte na kaniyang minana mula sa mga magulang ay nabayaran na niya ang lahat ng utang kay Hiraya. At napahiram na rin niya ito ng sapat na pera. Maging si Cruel ay pinahiram rin ito nang mabanggit niya sa kasintahan ang kinalalagyan ng kaibigan.

Kasintahan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa salitang iyon.

Sa katunayan, donation na nga sina nila iyon sa kaibigan. Sa dami-dami nang nagawang tulong sa kaniya ni Hiraya noon, sa lahat ng aspeto, maging sa pera, kulang pa ang tulong niya ngayon. Ngunit mas gusto ng kaibigan niya na maging utang iyon, dahil ayon dito, malaking pera ang hinihiram nito, kaya hindi nito maatim na tanggapin iyon bilang donasyon. Sa huli ay wala na siyang nagawa dahil hindi rin naman niya mapipilit ang kaibigan. At dahil nga sapat na ang pera nito ay napaopera na nito ang ina na ngayon ay patuloy pa rin sa pagpapagaling. Tulad niya, unti-unti na rin itong nakakabangon, at talaga labis siyang natutuwa roon.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon