"Are you sure that this is going to work?"
"Yeah, I am sure!"
"A hundred and one percent sure?"
"Oo nga! Ang kulit mo ah. Wala ka bang tiwala sa akin?" Iginalaw-galaw ni Chase ang mga kilay nito.
"Yeah, I don't trust you." Umangat rin ang isang kilay ni Cruel habang nakatingin sa kapatid.
"Hoy, ansakit mo naman magsalita. Kuya mo kaya ako. Mas matanda ako sa iyong kupal ka. E kung isumbong kaya kita kay Mommy?"
"Yeah, a year older only," sarkastiko niyang sabi. "Bahala ka sa buhay mo."
May pag-aalinlangan pa rin sa mukha ni Cruel kahit ilang beses nang sumagot si Chase ng 'oo' sa kaniyang katanungan. Kasalukuyan silang nasa loob ng kaniyang opisina at pinag-uusapan ang paparating na birthday ni Kind. Gusto sana niyang mag-isa siyang mag-isip sa gagawing selebrasyon. Malapit na kasi ang kaarawan ng kaniyang kasintahan, at gusto niya itong bigyan ng isang malaking surpresa. Kung ano ang surpresang iyon? Hindi pa niya alam. Dahil habang lumilipas ang mga araw ay mas lalong hindi ni Cruel kung paano ang gagawing paghahanda sa selebrasyong iyon. Kahit naman kahit labag sa kaniyang loob, nanghingi na siya ng tulong sa kaniyang kapatid.
Wala siyang maisip. Hindi naman kasi siya magaling sa mga surpresa. Sa kaniyang Kuya Trail nga sana siya hihingi ng tulong, dahil ito lang naman ang may-asawa sa kanilang tatlong magkakapatid. Ngunit abala ito sa pag-aalaga sa kapapanganak lamang nitong asawa. Hindi naman siya maaaring humingi ng tulong sa kaniyang ina, dahil close ito at si Kind, at paniguradong kapag sinabi niya sa ina ang pinaplano nitang surpresa, wala pang isang araw ay alam na ni Kind ang tungkol doon. Kaya naman, heto at ang baliw niyang isa pang kapatid ang kasama niya sa pagpaplano.
"Kapag ito hindi gumana, magtago ka na talaga sa Maynila." May diin na babala ni Cruel.
"Tumahimik ka kasi at pakinggan mo ako." Ipinaliwanag sa kaniya ng kaniyang kapatid ang gagawin. Sunud-sunod na pagtango naman ang kaniyang ginawa habang nakikinig. Pati ang kaniyang mga sasabihin sakaling maghinala si Kind, pinaliwanag nito. Tila napag-isipan na rin ng kaniyang Kuya Chase.
Kumunot ang kaniyang noo. "Paano kung magalit siya ng sobra sa akin? Paano kung bigla niyang sabihin na ayaw na niya akong pakasalan?"
"Alam mo napaka-nega mo. Hindi mangyayari yan! Para namang hindi mo kilala si Kind. Saka, ilang araw lamang naman mo gagawin iyon, hanggang sa maayos mo ang surpresa mo. Trust me. This will definitely work."
Duda pa rin talaga siya sa sinasabi ng kapatid. "Okay, I will give it a try." Sa huli, iyon ang naging desisyon niya.
Kasunod niyon ay ang malakas na pagtunog ng kaniyang cellphone.
My bride, calling...
Halos maibagsak niya iyon nang makitang si Kind ang tumatawag sa kaniya. "Shit! She's calling, Kuya."
"Oh now, you are calling me Kuya." Natatawang sabi ng kaniyang kapatid. May mapang-asar na ekspresyon sa mukha nito. "User, tsk tsk."
"Shit! What am I going to do?"
"Just ignore her."
"What?"
"Ignore her."
Kinuha nito ang ang cellphone mula sa kaniyang kamay at pinatay ang tawag. Pagkatapos ay akmang nagtitipa ito roon ng kung ano, at nang ibalik nito iyon sa kaniya ay message app ang nasa screen niyon, partikular na ang conversation nilang dalawa ni Kind.
Can't answer you right now. I'm in a meeting. Iyon ang mensaheng ipinadala ng kaniyang kapatid kay Kind.
"Basta't magdahilan ka lang, o kaya, huwag mo siyang tawagan in the next few weeks. Tell her you are busy on your business expansion. Bahala ka na magpalusot." Tumayo na ang kaniyang kapatid at tinungo ang pintuan. "You owe me this time. Pag ako naman ang nanghingi ng tulong, I'll make you pay."
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)
Fiksi UmumKind Liliya Belmesova needs cash. A lot of cash. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana umulan ng pera mula sa langit. Just a week ago, she found out that her deceased mother has a huge debt on loan sharks. At naging dahilan...