Nagising si Kind sa pagtama ng sinag ng araw sa kaniyang mukha. Nanggagaling iyon sa bintana ng silid. Kahit pikit pa ang mga mata ay napangiti siya at naiunat ang mga kamay. She never felt this much comfort before. Talagang napakasarap ng kaniyang tulog. Maaliwalas na maaliwalas ang kaniyang pakiramdam.
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata, at isang hindi pamilyar na silid ang bumungad sa kaniya. Where is this place? Her mind instantly asked. Sa pagkakaalala niya ay nakatulog siya sa kuwarto ni Cruel kagabi pagkauwi nila galing sa bahay ng mga magulang nito. Sobrang energetic kasi ng ina ng binata kaya pilit niya iyong sinabayan. Kaya hayun, pagkauwi nila sa bahay ng binata ay nakatulog agad siya. Bagsak ang pagod niyang katawan sa kuwarto nito.
How did I end up on this place...? Tanong ng kaniyang isip. Dinala ba siya ng binata sa isla nito habang natutulog siya? Ngunit kung binuhat siya ng binata at isinakay sa sasakyan o bangka, dapat mararamdaman niya iyon hindi ba? Dapat ay maalimpungatan siya. Gaano ba kahimbing ang tulog niya kagabi at hindi man lamang siya naalimpungatan. But, either way, it does not matter anymore. Ang mahalaga ay nandito na siya kasama ang binata.
Maaliwalas rin ang kuwartong iyon. Hanggang sahig ang mga kurtina at carpeted ang sahig. Malaki ang telebisyon sa kabilang side lamang ng kuwarto, kulay navy blue ang sofa, at may mga nakasabit na iba-iba ang laki na paintings sa puting pader. Maayos na maayos ang bawat pagkakalagay ng mga gamit.
Naramdaman niya ang pagyakap ni Cruel sa kaniyang bewang. Mahimbing pa ang tulog ng binata. He looks like an angel sleeping on the clouds. Agad na gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi at inalis ang iilang hibla ng buhok na humaharang sa mga mata ng binata. Humahaba na ang buhok nito. Sa dami ng ginagawa nito, isama na rin ang constant na pag-aasikaso sa kaniya ay tila wala na itong oras magpagupit. She will tell him that she will cut it later.
Back when she was still in Russia, she cuts her own hair. Natutunan niyang gupitan ang sariling buhok pagtuntong na pagtuntong pa lamang ng high school. Siya ang naggugupit ng sariling buhok, ng buhok ng kaniyang ina, at paminsan-minsan ay pati na rin ang buhok ni Hiraya. Dahil abala noon ang kaniyang ina sa mga bagay na hindi niya alam, pati na rin sa madalas nilang paglipat ng tirahan, wala na itong oras upang dalhin siya sa manggugupit ng buhok. Akala niya noon, wala man lamang pakialam sa kaniya ang sariling ina kahit pa humaba na hanggang hita ang kaniyang buhok, to the point na mahirap na iyong talian at mabigat na sa ulo. Tuwing niyayaya kasi niya ito ay lagi nitong sinasabi na abala ito kahit hindi niya alam at hindi niya nakikita ang pinagkakaabalahan nito.
Ngunit ngayong alam na niya ang katotohanan, nakikita na niya ang saysay ng lahat ng ginawa ng kaniyang ina noong nga panahong nabubuhay pa ito. Everything that her mother did made sense to her. Everything that her mother did to make sure that she is safe.
Her Mama Ekaterina was a brave mother.
Natigil siya sa pagmumuni-muni nang makarinig ng isang pamilyar na tunog. Kumunot ang kaniyang noo, binura ang kung anumang iniisip, at tinalasan ang kaniyang pandinig. Unti-unti niyang maingat na inalis ang braso ng binata sa kaniyang bewang upang hindi maistorbo ang masarap nitong tulog. Tumayo siya at lumapit sa mahabang kurtina. Ang haba niyon ay sumasayad na sa sahig. Hinawi niya iyon at bumungad sa kaniyang ang isang salamin na pintuan. Binuksan niya iyon at ganoon na lamang ang kaniyang pagkamangha nang makita ang malalakas na hampas ng alon sa dalampasigan.
They are really in an island! And what is right before her eyes is a freaking paradise. Tinakbo niya ang railings ng teresa. Doon niya nalaman na nasa ikalawang palapag pala ang kuwartong iyon. She is awed; amazed by the scenery. Dumampi sa kaniya ang malamig na hangin na nanggagaling sa dagat. Kahit saan niya ilingon ang mga mata ay asul na dagat ang nakikita niya at puting buhangin. Nagre-reflect sa dagat ang sumisilay na araw.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)
General FictionKind Liliya Belmesova needs cash. A lot of cash. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana umulan ng pera mula sa langit. Just a week ago, she found out that her deceased mother has a huge debt on loan sharks. At naging dahilan...