"Is he your boyfriend?" Narinig ni Kind na tanong ni Cruel. Natigilan siya sa pagmumuni-muni dahil doon. Nang lingunin niya ito may kunot sa noo ng binata.
"Huh?" Maang niyang tanong. Maging siya ay may kunot na rin sa noo dahil hindi niya naintindihan ang sinabi nito. "Anong boyfriend ang sinasabi mo riyan?"
"That guy! That guy outside!" Tila frustrated nitong sabi. "I saw you laughing with him at a floating cottage this morning. At ngayon magkatabi kayo sa mesa."
"Si Ashton ba ang tinutukoy mo?" Kaya ba nito inis na pinagsaraduhan ng pinto ang amo niya kanina?
"Don't even fucking mention his name." Mas lalo pang lumalim ang gatla sa noo ng binata. At hindi niya maintindihan kung bakit natutuwa siyang pagmasdan ito.
"Boss ko iyon. Siya ang may-ari ng pinagtratrabahuhan kong firm. And for your information, he is gay. Baka nga mas magustuhan ka pa niya kaysa sa akin." Natatawa niyang sabi. Teka, bakit ko sinabi iyon gayung hindi naman kailangan? Saka niya na-realized na hindi nga pala niya kailangang magpaliwanag dito.
"Really?" Unti-unting nawala ang simangot ng binata.
"Yep. Really." Tumango-tango siya bilang pagsagot. "Bakit mo nga pala ako dinala dito sa opisina mo?"
"Oh, about that." Mabilis na lumapit ang binata sa office desk nito at binuksan ang isang maliit na drawer sa ilalim niyon. At nang muli itong lumapit ay may dala-dala na itong maliit at matigas na kuwadradong papel. Isang pirasong kulay light brown na calling card iyon.
SAN ESTEBAN FURNITURES
Iyon ang nakasulat sa maliit na papel, at sa ilalim niyon ay may numero ng telepono, email address, at address mismo ng lokasyon ng kumpanya.
Bumilis ang tibok ng kaniyang puso, at unti-unting nagporma ang maliit na ngiti sa labi habang nakatingin sa calling card. Sa wakas! Nabubuhay ang kaniyang pag-asa na makita na ang ama at ang nakatatanda niyang kapatid.
"I am trying to get Kuya Treb's personal number but my brother is currently busy on his honeymoon, that's why I cannot reach him at the moment. But this is Kuya Treb's company calling card. You could give them a call and ask for appointment---"
"Thank you." Sa sobrang tuwa ay niyakap niya ang binata. "Thank you so much, Cruel." Halatang nabigla ang binata sa ginawa niya. Ngunit maya-maya pa ay binitawan na rin niya ito.
Tinungo na niya ang pinto. "Salamat uli dito ha."
"Kind, wait." Pipihitin pa lamang sana niya ang doorknob nang matigilan dahil sa pagtawag ng binata.
"Bakit, Cru---"
"You forgot about this." Mariin nitong pinagdikit ang kanilang labi. Nakita na lamang niya ang sarili na mahigpit na hawak sa laylayan ng suot nitong sweater.
Unti-unti siyang napabitaw sa doorknob nang sapuhin nito ang magkabila niyang pisngi at siilin ng mainit na halik ang kaniyang labi. Namilog ang kaniyang mga mata. Kitang-kita niya ang mariing pagkakapikit ng mga mata ng binata.
Napapikit siya nang isandal siya nito sa pintuan. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso. At kahit malamig ang pintuan kung saan nakalapat ang kaniyang likuran ay mas nananaig pa rin ang init na dala ng palad ng binata na nasa kaniyang pisngi.
Cruel's kiss is demanding than the last one in the elevator. Nakaalpas ang mumunting ungol sa kaniyang labi nang hindi niya inaasahan. Tila nalalasing siya roon, lumilipad ang kaniyang katinuan, at mas humigpit pa ang hawak niya sa laylayan ng sweater nito. Naramdaman na lamang niya ang paglapat ng katawan ng binata sa kaniya.
"Cruel..." She called him without thinking. Unti-unting bumaba ang mga halik ng binata patungo sa kaniyang pisngi... patungo sa kaniyang leeg.
Bumaba ang mga kamay ng binata at mahigpit na nayakap ang kaniyang bewang. Samantala siya ay wala sa sariling nahawakan ang buhok nito. His scent is intoxicating. She is drunk by the sensation.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)
Ficção GeralKind Liliya Belmesova needs cash. A lot of cash. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana umulan ng pera mula sa langit. Just a week ago, she found out that her deceased mother has a huge debt on loan sharks. At naging dahilan...