FORTY

634 13 0
                                    

"Kuya, we need to talk."

Walang kangiti-ngiti ang mukha ni Kind nang tawagin niya ang atensyon ng kapatid na nasa teresa. Nang lapitan niya ito ay paharap itong nakasandal sa teresa at may hawak na bote ng scotch sa kamay.

Nakatanaw ito sa malayo. But what surprised her is that her brother actually looks devastated right now. Magulo ang buhok nito at bakas pa sa mga kamay ang pinagsamang dugo ni Cruel at ng sarili nitong dugo mula sa nasaktan ring mga kamao.

Gusto sana niya itong komprontahin sa ginawa ngunit nang makita ang kalagayan nito ay agad na lumambot ang kaniyang puso. Napabuntong-hininga na lamang siya, saglit na umalis mula sa teresa at nagpunta sa pinakamalapit na banyo upang kunin ang medicine kit.

Nang bumalik siya sa teresa ay hindi pa rin bumago ng pwesto ang kaniyang kapatid.

"Come on." Hinatak niya ang kapatid patungo sa bakal na mga lamesa at upuan sa hindi kalayuan at pinaupo ito roon. Ipinatong niya sa mesa ang medicine cabinet at sinimulang linisin ang sugat sa mga kamao nito. Putok din pala ang ilang parte na may buto roon. That must be stinging. Ngunit habang nililinis niya ang sugat nito ay wala siyang nakuhang kahit anong reaksyon mula sa kapatid. Hindi bakas sa mukha nito ang sakit. Patuloy lamang isa sa pagtungga ng alak mula sa bote ng scotch, at tulad pa rin kanina, tagusan pa rin ang tingin nito. Sa malayo pa rin ang tingin ng kaniyang kapatid.

Nang matapos niyang balutin ng benda ang nasugatan nitong kamao ay niligpit na niya ang medicine kita na ginamit, at inagaw mula sa kamay ng kapatid ang bote ng scotch. That's when she got his full attention. Tumingin sa kaniya ang kapatid ngunit wala siyang mabasang emosyon sa mga mata nito.

"I said we need to talk." Matatag niyang sabi. Matapos ang nangyari kanina lamang ay napakahalaga sa kaniya na makapag-usap silang dalawang magkapatid. Alam niyang may itinatago pang mga bagay-bagay ang kapatid sa kaniya, at kailangan niya iyong malaman ngayon din! Wala namang mga sikreto. Sawa na siya sa bagay na iyon. Ang gusto niyang marinig ngayon ay pawang mga katotohanan lamang.

"What do you even what to talk about?" Sarkastiko nitong sagot. May kunot na ang noo nito.

"Why did you beat Cruel to half death? He was just helping! If it weren't for him, baka patay na ako, pati na rin ang mga bodyguard mo." Hindi ito sumagot. Ngunit hindi pa rin siya tumigil, mataas ang kaniyang boses. "Who are those guys anyway?! Because as far as I remember I don't even know a single person here in Paris that would try to kill me!"

May halong frustration ang kaniyang tono dahil iyon talaga ang kaniyang nararamdaman ng mga oras na iyon. She's thorned between Cruel and her brother. Malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan.

"I'm sorry..." Hinging-paumanhin niya dahil sa pagtataas niya ng boses dito.

"Why are you saying sorry? P*tang-*na." Nakita niya kung paano punung-puno ng frustration nitong hinagod ang sarili nitong buhok gamit ang isang palad. Ngayon lamang niya narinig na magmura nang ganoon kalutong ang kapatid. "I was so frustrated. You are in danger because of me and I wasn't even there to help you. And I am also mad at him for doing what he did to you, that's why I did what I did, and I did not regret it."

"What do you mean I am in danger because of you?" Kunot-noo niyang tanong. Sa lahat ng sinabi nito, ang mga katagang iyon ang tumatak sa kaniya. "There is something you aren't telling me, are you?" Akala niya ay sinabi na nito ang lahat sa kaniya noong unang beses na mag-usap silang dalawa. Ngunit sa paraan ng pagsasalita nito ngayon, alam niyang wala pa sa kalingkingan ng nalalaman nito ang kaniyang nalalaman tungkol sa kanilang pamilya. "Kuya, I you to need me the truth."

Matagal na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Kita niya ang pagdadalawang-isip sa mukha nito na sabihin sa kaniya kung ano pa man ang nalalaman nito.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon