TWENTY SEVEN

612 19 2
                                    

Mag-aalas nuwebe 'y media na ng gabi nang makarating si Kind sa apartment na tinutuluyan. Bitbit ang kaniyang mga pinamili ay nagsimula siyang umakyat sa hagdan. She's tired. But she had so much fun with Kleyser.

She never had this much fun for such a long time. She realized that after she arrived in this country, puro trabaho na lang ang ginawa niya. Well, that is mainly because she needed money, and because she need to forget people...

Eksaktong nakatungtong na siya sa hallway ng ikatlong palapag nang siya ay matigilan. Mula sa kaniyang kinatatayuan ay kita niya ang matangkad na pigura ng isang lalaki na nakaupo sa tapat mismo ng kaniyang pintuan. Nakatungo ito at hindi niya makita ang mukha. But the figure seems familiar.

"Cruel...?" Mahina niyang bulong sa pangalang iyon na halos lagpas apat na buwan niyang hindi binanggit miski sa kaniyang isip.

Lumaki ang kaniyang hakbang patungo sa kaniyang pintuan. Sinigurado niyang maingay ang pagtama ng takong ng kaniyang sapatos sa sementadong sahig upang marinig iyon ng lalaki.

No. This is not Cruel. Nang makarating siya sa harap mismo ng lalaki ay saka ito nag-angat ng tingin.

Napaatras siya nang mapagsino iyon. Tama siya, hindi nga iyon si Cruel, dahil iyon ang isang mukha na hindi niya inaasahang makikita niya tapat ng kaniyang pintuan.

"What are you doing here?" Mariin niyang tanong. "How did you even know my place?" Bakit pa ba niya tinanong iyon. Of course, her brother is a millionaire. Kayang-kaya nitong mag-hire ng private imbestigator upang malaman kung saan siya nakatira. Kung ang mga whereabouts nga niya sa Russia, alam nito. Yun nga lamang ay wala itong pakialam. Dahil kung may pakialam ito, sana matagal na itong nagpakita sa kaniya, sa kanila ng kaniyang ina.

But no. Namatay na lamang ang kaniyang--- kanilang ina, tumakas na siya lahat-lahat mula sa utang, ay wala itong pakialam.

Biglang nasira ang mood niya. Bumigat ang kaniyang kalooban. Sa isang iglap, nabura ang lahat ng kasiyahan na ginawa nila ni Kleyser sa mall kanina.

"Get out of my way." Humigpit ang hawak niya sa mga dalang bag ng grocery.

Tumayo ang kaniyang kapatid mula sa sahig. He actually looked devastated. Malayong-malayo sa una nitong hitsura nang unang beses silang magkita sa opisina nito. Nakasuot pa ito ng kulay itim na formal suit at itim na formal shoes. Parang kagagaling lamang nito sa trabaho. Magulo ang buhok nito, at kitang-kita ang pangingitim sa ilalim ng mga mata nito na dulot ng kakulangan ng tulog. Putok din ang gilid ng labi ng kaniyang kapatid, pati na rin ang gilid ng isa nitong kilay. Para itong galing sa pakikipag-away.

Walang namutawing salita dito habang nakatingin sa kaniya. Unti-unti siyang napaatras nang lumapit ito sa kaniya ngunit sa kakaatras niya ay tumama na ang kaniyang likod sa may railings ng ikatlong palapag. Ramdam niya ang malamig na bakal sa kaniyang likuran.

Pinilit niyang itago ang takot mula sa sariling kapatid. Sa loob ng apat na buwan, wala siyang narinig na balita mula rito. Sa katunayan ay hindi na rin naman niya ito gustong makausap. Nang araw na pumunta siya sa opisina nito, ipinangako niya na iyon na rin ang una at huling beses na gagawin niya iyon, na makikita niya ito. She decided that she does not want to be associated with her own brother anymore. She survived being alone, she will survive it again. Without the help of this man in front of her.

It was her promise to herself. Kaya naman ngayon ay hindi niya lubos maintindihan kung bakit ito nasa harapan ng kaniyang pintuan.

"Kind." It was the first time that he called her name.

"What do you want---"

Hindi na niya natapos ang susunod na sasabihin ng yakapin siya ng nakatatandang kapatid. Natigilan siya, namilog ang mga mata. Nabitawan pa niya ang isa sa mga bag ng grocery dahilan upang tumapon sa sahig ang nga laman niyon.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon