SIX

674 15 0
                                    

Alas dose 'y media na ng tanghali ngunit parang hindi sumikat ang araw. Nang sinilip ni Kind ang labas mula sa bintana ay madilim-dilim pa rin ang langit at malakas ang pagbagsak ng niyebe. Hindi pa din natatapos ang masamang panahon, ngunit kumpara kagabi, kahit papaano ay humina na ang pag-ulan ng niyebe.

Puting-puti ang palagid, at kahit nakatodo na switch ng heater ay ramdam pa rin niya ang lamig sa loob ng kuwartong inuupahan. Ramdam din niya ang pananakit ng ulo dahil sa kakulangan ng tulog. Hindi siya pinatulog ng kaniyang pag-aalala, at hanggang ngayon nga ay iniisip pa rin niya kung nasa bahay pa kaya niya ang hindi kilalang lalaki, o hanggang ngayon ay hinahanap pa rin siya kahit masama ang panahon.

Either way, she doesn't want to see that creepy guy ever again. Isinara na niya ang kurtina at muling nagdoble ng makapal na jacket at gloves upang maibsan ang panlalamig na nararamdaman. Napaupo na lamang siya sa gilid ng kama. She really hopes that Hiraya would contact her soon. Ngunit bukod sa palaging out of coverage ang mga signal ay ilang araw na rin ang nakararaan nang patayin niya ang sariling cellphone. Sunud-sunod kasi na hindi magagandang mensahe ang lumalabas doon. She does not know how did it happen, but she could receive messages even though she is out of coverage. At dahil sa mga movie na napapanood niya noon ay mas lalo pang tumaas ang kaniyang suspetsa na baka na-wire tapped ang kaniyang cellphone. Kaya sa huli ay ini-off ba lamang niya iyon.

Kinakailangan na talaga na niyang makalabas mula sa bansang ito sa lalong madaling panahon. Lalo pa at malapit na rin niyang maubos ang kaniyang natitirang pera. Iginala niya ang paningin sa maliit na kuwarto. Walang kahit ano roon bukod sa kama, ilaw at isang upuan. Ngayon ay pinoproblema niya kung saan kukuha ng makakain. Nagsisimula na rin kasing mag-ingay ang kaniyang sikmura.

Tumigil ang kaniyang mga mata sa sulok ng kuwarto. Boots? Bahagyang kumunot ang noo nang makita ang isang pares ng winter boots doon. Tumayo siya at nilapitan iyon. Pang babae ang boots, at mukhang naiwan ng may-ari sa kuwartong iyon.

"Hihiramin muna kita ha?" Pagkausap niya sa makapal na sapatos na para bang sasagot iyon. Nanlalamig na rin kasi ang kaniyang mga paa. Hindi sapat ang doble niyang medyas at ang tsinelas na pambahay--- na wala naman siyang choice kung hindi ang pagtyagaang gamitin dahil sa pagmamadali niyang makaalis mula sa kaniyang bahay ilang araw na rin ang nakakaraan.

Ilang araw na siyang palipat-lipat ng inn. Hindi nga niya alam kung saan niya nakukuha ang kaniyang swerte dahil palagi niyang nauunahan ang mga lalaki na makaalis bago pa man siya nito makita.

Mga lalaki. Dalawang lalaki. Ang orihinal na nag-iisang lalaki lamang na naghahanap sa kaniya ay dalawa na ngayon. Ilang gabi na ang nakararaan nang mapansin niya iyon. May kasama na itong isa pang matangkad din na lalaki. Kaya naman dalawang lalaki na ngayon ang kaniyang pinagtataguan.

Saktong-sakto lamang sa kaniyang paa ang winter boots. She heaved a sigh full of relief after feeling some warmth on her feet. Ilang araw na rin kasi siyang nagtitiis sa panlalamig na nararamdaman ng kaniyang mga paa.

Bumaba siya mula sa ikalawang palapag ng building na iyon kung nasaan ang inuupahan niyang kuwarto. Walang katao-tao sa unang palapag maliban sa may katandaan nang babae na nagbabantay sa information desk. Lumapit siya roon at nagtanong kung mayroon bang vending machine sa loob ng gusaling iyon o kahit anong maaari niyang mapagbilhan ng maipanglalaman sa kaniyang kumakalam na sikmura. Itinuro naman nito sa kaniya kung nasaan ang vending machine. Nagpasalamat siya rito at pinuntahan ang direksyong itinuro nito.

Sa isang mahabang upuan sa tapat lamang ng vending machine na lamang niya kinain ang biskwit at hot chocolate. She felt so satisfied after finishing her hot choco. Wala talagang makatatalo sa init ng inuming tsokolate sa ganitong malamig na panahon. Nang matapos siyang kumain ay saka siya bumalik sa kuwarto.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon