FIFTY FOUR

643 18 1
                                    

"Ang ganda-ganda mo, Kind." Hindi mapigilang komento ni Shyra sa kaniyang hitsura. Nagtama ang kanilang mga mata sa repleksyon nila sa salaman. Ito kasi ang nag-makeup sa kaniya, at talaga namang na-enhance niyon ang kaniyang natural na ganda. Hindi niya makilala ang kaniyang sarili habang nasa harap ng salamin.

It is her birthday. At tulad ng sinabi sa kaniya ni Cruel, itutuloy nila ang kanilang kasal sa araw mismo ng kaniyang kaarawan. But there are slightly changes on that plan, especially the kidnapping part. Pinaalis niya ang planong iyon sa binata. Aniya, gusto niyang pumunta nang normal sa simbahan. Gusto niyang maranasan na pumunta sa kaniyang kasal sakay ng isang maganda at puting sasakyan.

"Thank you," malaki rin ang ngiti na ibinigay niya kay Shyra.

"Now, I'll do your hair." Sabi ng babae kapagkuwan. Kinulot nito ang kaniyang buhok at hinayaan lamang na nakalaglag iyon sa kaniyang balikat, pagkatapos ay nilagyan siya ng mga headdress.

Pakatapos, tinulungan siya nito na maisiuot ang kaniyang wedding gown. Pati na rin ang sapatos ng kaniyang pang kasal, ginagabayan siya ni Shyra sa pagsusuot niyon.

"You really look pretty." Nakangiting sabi ni Shyra nang matapos siyang magbihis. "Congratulations on your wedding," she sincerely said.

Niyakap niya ang babae. "Thank you so much, Shyra. You don't know how much this day means to me."

Naramdaman niya ang marahang pagtapik-tapik nito sa kaniyang likod. "You're welcome. Come on, I'm sure the car is waiting for you already outside."

"Kailangan ko nang magmadali. Shy, I'm so excited." Nauna pa siyang maglakad dito. Ngunit saktong malapit na siya sa hagdan nang marinig niyang muling magsalita si Shyra.

"You are really happy today, aren't you?" Nang lingunin niya ito, nakita niyang nagsasalin ito ng wine sa isang wine glass. Inangat nito ang baso at pinaikot-ikot ang alak na laman niyon bago iyon ininom.

"Shyra...? What's the problem?"

"YOU ARE THE F**KING PROBLEM!"

Napaigtad siya sa malakas nitong pagsigaw. Sa isang iglap, parang nag-ibang tao ito. Muli itong nagsalin ng wine at diretsong ininom iyon.

"This should have been my wedding, you know." Unti-unti itong lumapit sa kaniya. Dinig na dinig sa buo nitong studio ang pagtama ng takong ng sapatos nito sa tiles na sahig. "I should have been in this spotlight. But you came in the scene and ruined everything. YOU ARE MY F**KING PROBLEM."

Napaatras siya dahil doon. Galit na galit ang mukha ng babae. Parang hindi ito ang mabait at timid na Shyra na nakilala niya. Parang hindi ito ang Shyra na nag-makeup sa kaniya, kanina-nina lamang, ang Shyra na tumulong sa kaniya kanina na suotin ang kaniyang wedding gown, ang Shyra na nag-congrats sa kaniya.

Ibang tao ito. At natatakot siya roon. Mabilis na mabilis ang pintig ng kaniyang puso. Sila lamang dalawa ng babae ang kasalukuyang nasa studio na iyon, dahil pinaalis ng babae ang lahat ng tauhan nito kanina, samantala sina Knox at Prim ay nasa labas.

Kung sakaling may mangyaring hindi maganda, wala siyang mahihingian ng tulong.

"Alam mo ba, nang tawagan ako ni Cruel, tuwang-tuwa ako. When he fetched me at El Nido, abot-langit ang kasiyahan ko. Pero nang sinabi niyang ako ang gusto niyang gumawa ng pesteng gown na iyon, para sa iyo, alam mo ba ang naramdaman ko? Nabasag ako, Kind."

May diin sa bawat salita nito habang titig na titig sa kaniya. Puno ng poot ang mga mata nito.

"NABASAG AKO!" Natakpan niya ang sariling mga tenga nang ibato ng babae sa direksyon niya ang walang laman na wine glass. Lumikha ng ingay ang pagtama niyon malapit sa railings. Nagkabasag-basag ang kanina'y magandang baso.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon