"Ma'am, ito na ho ang order---" saglit na natigilan ang matandang babae. "Oh? Sir Cruel? Napasyal ho kayo ng ganitong oras?"
"I need to finish some documents, Nanay Lolit. You've been working at this graveyard shift for days. You should be at home, sleeping." Kind was kinda... surprised by the guy's reply. This 'Cruel' is surprisingly polite.
"E wala naman ho ako kasama sa bahay. Busy ang mga anak ko sa trabaho. Nagkasabay-sabay sila na maraming ginagawa sa pinapasukan." Paliwanag ng matandang babae.
"Aren't you tired, Nanay? You can always sleep at the quarters."
"Ay hindi naman po, Sir. At saka mas gusto ko mag-asikaso sa kusina."
Isa-isang ibinaba ng matandang babae na tinawag sa pangalang Nanay Lolit ang kaniyang order sa mesa. "Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ng maganda nating parokyana ngayong madaling araw.
Mabait na ngiti ang iginawad sa kaniyang ng ginang, at magalang din naman niya itong nginitian.
"Yes, Nanay Lolit. We actually became friends just a little while ago." Sagot ng binata. "At hindi ko rin alam na malakas palang kumain ang isang payat na babaeng kagaya mo, sa dami ng order na ito."
Friend, huh? Nabura ang kaniyang ngiti dahil sa sinabi ng kaharap, at mas lalo pa siyang napasimangot nang makitang sinisimulan na nitong kainin ang ilan sa mga order niya.
"Uhm, excuse me? Hello? What are doing?" Angat ang isang kilay niyang tanong. "That is my freaking food." Nababaliw na yata ang lalaking ito at inagawan na ng pagkain ang customer.
Walang pakialam ang binata sa sinabi niya at nagpatuloy lamang sa pagkain. "And this is my fucking restaurant."
"Language, please!"
"Kuu, parang mga aso't pusa ang mga batang ito." Isang makahulugang ngiti ang ibinigay ng ginang. Why does it feels like everyone is giving her the same kind of smile? Maging ang ngiti ni Ma'am Cistinah kanina ay ganoon din. Parang bang may mensahe iyon na gustong iparating, ngunit malaman ni Kind kung ano ang mensaheng iyon. "Maiwan ko na kayo." Natatawang sabi ng ginang bago bumalik sa kusina.
"I am not paying for that." Tukoy niya sa kaninang order niya na ngayon ay kinakain na ng binata. Nagsimula na rin siyang kumain. Ramdam na ramdam na kasi niya ang pagkalam ng kaniyang sikmura.
"Nope. You are still paying for this. Definitely paying for this."
"Why?!" Tanong niya kahit may laman ang bibig. Masarap ang pagkain at halatang high-class iyon. Sunud-sunod tuloy ang kaniyang naging pagsubo. She never tasted anything like this in her life. "You are the one who's eating that e! Why would I need to pay for that! KKB dapat tayo dito." Reklamo niya. Isa pa, her pocket money is limited. Kailangan pa niyang bumili ng tsinelas at ilang souvenier na keychain bilang remembrance. Ang accommodation lamang naman sa Hotel Buenavista pati na rin ang pamasahe nila papunta sa islang iyon ang nai-cover ng firm para sa trip nilang iyon. She probably will not be able to get back onto this island again, that is why she wants a remembrance. Unless magdilang-anghel nga si Mrs. Buenavista at magkatotoo ang sinabi nito sa kaniya kanina na siya uli ang mag-aasikaso ng pagpapakasal ng dalawa pa nitong mga anak.
Na ang isa ay nasa kaniyang harapan ngayon, at maganang inuubos ang kaniyang pagkain.
"No, I will not pay for that."
"Yes, you will. I'm sure that it was already computed on a pre-made receipt."
Tumigil siya sa pagsubo. "E bakit hindi mo na lang kaya ipakaltas?"
"Hey," saglit na ding tumigil sa pagkain ang binata at tumingin sa kaniya. "Don't you wanna buy your friend a meal? Free meal is always the best way to strengthen the friendship."
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)
General FictionKind Liliya Belmesova needs cash. A lot of cash. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana umulan ng pera mula sa langit. Just a week ago, she found out that her deceased mother has a huge debt on loan sharks. At naging dahilan...