Alas dose 'y media na nang madaling araw ngunit mulat na mulat pa rin ang mga mata ni Kind. She should be asleep by now. With this nice, huge bed, dim light, and this really comfortable room, dapat ay kanina pa mahimbing ang tulog niya. But no. She is wide awake. Her mind is wide awake. Nagsisirko sa isip niya ang lahat ng naging usapan nila ng kaniyang Kuya Treb sa teresa ng mansyon kanina.
Tila bago pa lamang nagsi-sink in sa kaniyang utak na ang kanilang ina ay isang Russian spy samantala ang kaniyang ama ay isang mamamatay tao. Hindi niya malunok ang mga impormasyong iyon. Humigpit ang hawak niya sa kaniyang kumot.
"Our mom successfully infiltrated the organization and did get a lot of information about them. How? I don't know. Papa did not tell me. But eventually the organization realized that. Papa Lauro was supposed to kill Mama Ekaterina for being a threat to the organization. It was the plan. It was an order directly from his superiors. Ang hindi nga lamang kasama sa kanilang plano ay ang pagkagusto ni Papa kay Mama." Malayo ang tingin ng kuya niya habang nagkukuwento. "However, love really moves in mysterious ways. Our Dad chose to turned away from being an executioner and chose to leave his oath behind for the sake of love."
A bourreau and a Russian spy cannot be together. Iyon ang unang pumasok sa isip ni Kind. Humigpit ang hawak niya sa railings. "Why does he became a bourreau in the first place? And what is the name of this organization that he was serving?"
"The name of the organization? I do not know. He never told me. Why he became an executioner? Not his choice. It was the choice of our ancestors. The position and responsibility was being passed down from generation to generation. Someone has to inherit the position, and in dad's generation, he was that 'someone'."
Unti-unti siyang napatingin sa kapatid. Kung gayon... ang ibig sabihin ba nito, isa sa kanilang kapatid ay kailangan ring maging mamamatay tao?
Kinilabutan siya sa ideyang iyon.
***
Puy de Sancy.
Binasa ni Kind sa kaniyang isip ang mga katagang iyon sa isang karatula nang marating nila ang tourist spot na iyon. Ilang metro lamang ang layo niyon sa lokasyon ng Mansyon.
Nakasunod lamang sa kaniya sina Knox at Prim. Wala roon ang Kuya Treb niya pati na rin si Zyke. Magkasama ang dalawa. Ayon sa kaniyang kapatid ay may pupunatahan lamang raw ito ng isang mahalagang lugar at may kikitain naahalagang tao habang sil ay naririto pa sa France. Saglit lang daw itong mawawala at agad ding susunod sa tourist spot na iyon. Kaya naman ngayon, si Knox at Prim lamang ang kasama niya.
Inutusan ito ng kapatid niya kanina na bantayan siya, at maging bodyguard niya habang siya ay naglilibot-libot. Gusto pa nga sana niyang magreklamo kanina, ngunit naiinitindihan din naman niya ang kapatid. Madalas kasing manakawan ang mag-isa lamang na turista, kaya mas okay na rin ang may kasama siya.
Binigyan rin siya ng kapatid ng 'allowance' para daw ma-enjoy niya ang Puy de Sancy. Kung magkano ang binigay nito? Tumataginting na sampung libong piso lamang naman. Ngayon niya nararanasan ang pagkakaroon ng isang galanteng kapatid.
Naupo siya sa isang bench na nasa gitna ng tila iyang botanical garden. Sa kabilang bench ay nakaupo sina Knox at Prim. Tahimik lamang ang mga ito, ngunit alam niyang alisto ang dalawa sa pagbabantay sa kaniya. After those information that she acquired yesterday from her brother, she realized that she is in constant danger.
Maraming iba't ibang klase ng bulaklak sa paligid. Sa hindi kalayuan ay may malaking fountain. Maraming turista ang kumukuha ng larawan, at mula sa kaniyang kinatatayuan ay kita niya ang pila ng mga tao na bumibili ng ticket para sa cable car. Sabi niya sa kaniyang sarili kahapon ay kukuha siya ng maraming larawan upang ipadala sa kaniyang mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)
General FictionKind Liliya Belmesova needs cash. A lot of cash. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana umulan ng pera mula sa langit. Just a week ago, she found out that her deceased mother has a huge debt on loan sharks. At naging dahilan...