THIRTY SEVEN

610 18 3
                                    

"Kind." Tila natauhan si Kind nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Ang pagtawag na iyon ang nagpabalik sa kaniyang lumipad na ulirat. Nang mag-angat siya nang tingin ay si Rameses ang kaniyang nakita. He has this empathetic expression on his face.

"R-Rameses---" utal niyang sabi. Wala nang luha sa kaniyang mga mata, ngunit nararamdaman niya ang hapdi sa mga iyon dahil sa matagal na pag-iyak. She must look terrible right now. Hiyang-hiya siya sa binata ngunit wala siyang magawa. Iniwas niya ang tingin rito. Yakap ang sariling mga tuhod, ang kaniyang mga mata ay natuon sa lapag.

Nakita niyang hinubad nito ang suot na coat at ipinatong iyong sa kaniyang balikat. Pagkatapos ay naupo ang binata sa kaniyang tabi. Inilabas nito ang panyo sa bulsa at ibinigay iyon sa kaniya.

Inabot niya ang panyo. "T-thank you."

Wala nang namutawing salita mula kay Rameses. Tahimik na lamang din itong nakaupo sa semento habang nakasandal sa pader. Sa lapag na rin nakatuon ang mga mata nito. Binalot sila ng katahimikan, at siya ang bumali niyon.

"I really like him." Ang mga luha na akala niyang naubos na kanina, hayun at nag-uumpisa na namang mag-unahan pagbagsak. "But I am so confused. I am so confused that it almost felt like my head is going to burst any moment."

Iyon ang nararamdaman niya magmula pa kanina.

"I..." Rameses paused for a moment. Tila naghahagilap ang binata ng tamang salita. "I really don't know what to say. I have never been in love before. But..." malalim itong huminga bago tumingin sa kaniya. "I think he likes you too, more than you like him. I saw it."

But it's all wrong now. Dahil magpapakasal na sa iba ang binata. And she should respect that. Gusto niya iyong sabihin sa katabi, ngunit walang namutawing salita sa kaniyang bibig. Nanatili iyong tikom.

***

Parang nanghihina ang mga tuhod ni Kind habang papasok siyang muli ng restaurant. Parang bibigay ang mga iyon, anytime. Mabuti na lamang talaga at akay siya ni Rameses. He is such a gentleman. Kanina ay matiyaga at tahimik siya nitong hinintay, ngayon naman ay matiyaga siya nitong inaalalayan.

Halos wala nang bisita pagbalik nilang muli sa loob ng restaurant. Ang natira na lamang ay si Rameses, ang kaniyang kapatid at ang kanilang mga bodyguard, at ang ilang mga tauhan ng restaurant na nagsisimula nang ligpitin ang ilang mga ginamit sa party.

No Cruel or Shyra to be seen.

"Where the hell have you been---" iyon ang agad sanang bungad iyon ng kapatid niya, ngunit agad din itong natigilan nang makita ang kaniyang estado. She must look really bad right now. Tapos na ang pagiging Cinderella niya. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang umiyak nang mag-isa sa eskinita kanina.

Ang kaniyang kapatid na kanina lamang ay missing in action ay narito na uli. Ni hindi man lamang niya alam kung saan ito nagpunta kanina.

"Kuya..." garalgal ang kaniyang tinig. Napuno ng pag-aalala ang ekspresyon ng kaniyang kapatid. Niyakap siya nito. Mabigat pa din ang kaniyang loob, ngunit wala nang luha sa kaniyang mga mata. Naramdaman niya ang marahang pagtapik nito sa kaniyang likuran. "Kuya, let's go home." Mahinang sabi niya rito nang hindi ito tinitingnan sa mga mata. Her eyes are glued on the floor. Nahihiya siya sa kapatid at nag-abala pa itong gawin ang lahat ng ito; ang pag-imbita sa mga tao; ang pag-hire ng buong restaurant.

Walang salitang namutawi mula sa kaniyang kapatid. Bagkus, humarap ito kina Knox at Prim. "Take her to the mansion first. Zyke and I will follow eventually."

"Bakit hindi ka pa sasabay sa akin, Kuya Treb?" Tanong niya.

"I still need to take care of things here. Don't worry, susunod ako kaagad doon." Tumango-tango na lamang siya rito bilang sagot. Lumingon siya kay Rameses at niyakap ang binata.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon