Several months later...
"Hey, why aren't you joining the dance?" Narinig ni Cruel na tanong ni Chase sa kaniya.
"I am fucking bored already." Hindi siya nag-abalang tingnan ang kapatid. Patuloy lamang siya sa pag-scroll at pagbabasa sa kaniyang cellphone.
"Then dance." Pamimilit sa kaniya ng kapatid.
"Leave me alone." Bored naman niyang sabi.
Kumunot ang noo ni Chase. "You are still reading that document. Can't you be a normal guy even just for a day? It's our brother's wedding after all, you dumbass." Sinubukan nitong agawin ang kaniyang cellphone ngunit agad niyang naiiwas iyon.
"Could you just leave me the fuck alone?" Nagsisimula na siyang makaramdam ng pagka-irita. Sa kanilang magkakapatid, ang Kuya Chase talaga niya ang kaparehong-kapareho ng ugali ng kanilang ina.
"Sige ka. Hindi ka makakapag-asawa niyan kung trabaho ka nang trabaho." Pananakot nito kahit sa totoo lamang ay wala namang nakakatakot sa sinabi nito. Mas pabor pa nga sa kaniya ang magtrabaho kay mag-asawa e.
"Coming from you?" Tanong niya gayung parehas lang naman sila na walang balak mag-asawa. Ang pinagkaiba lang ay subsob siya sa trabaho, samantala ang kapatid ay happy-go-lucky at kahit hindi magtrabaho ay okay lang. Palibhasa ay mabilis itong ma-bored sa mga bagay.
His work is the only thing that keeps him sane and actually makes him happy. Oh yeah? Kantyaw ng kaniyang isip. It makes you happy to yell at people every single day? Tanong nito. Kung nagkatawang-tao lamang iyon ay baka kanina pa niya iyon naundayan ng suntok.
"I will not get married unless I have found someone with a name that is completely opposite to mine," dugtong pa niya. He just said the impossible. Was there even a name like that existing in this world? He highly doubt so.
He heard his brother chuckled. "Then I guess you will find her today." Kumunot ang kaniyang noo sa sinabi nito.
Naramdaman niya ang pagtapik nito sa kaniyang balikat bago siya iniwan na at naglakad palayo. Saka pa lamang niya tiningnan ang papalayong kapatid. May dala itong kopita ng pulang alak at patungo na sa lamesa ng iba pang mga bisita. Napailing-iling na lamang siya.
Mag-isa na lamang siya sa mesa. Ang kaniyang mga magulang na kanina niyang kasama sa mesa ay sumasayaw na sa dance floor sa saliw ng malamlam at mabagal na musika. May iba pang mga bisita na sumasayaw rin. Ngunit ang kaniyang mga mata ay natuon sa mesa ng bagong kasal sa hindi kalayuan.
He could see how his older brother, Trail, and the bride, Pursue, are talking to each other. Tila may sariling mundo ang dalawa, nagtatawanan at walang pakialam sa ibang mga bisita. Their eyes are focused to each other. They look so happy and in love, and it was actually the first that he saw his brother smile that big.
That smiling guy from a distance, who once said that he will never get married, is now completely bewitched and swayed off his feet. That guy who said to him before that love is an illusion, is now dancing with the love of his life. Ang kapatid niyang dating walang ginawa kung hindi ang magkampo sa loob ng mansyon nito, heto at iniiipit sa likod ng tenga ang ilang hibla ng buhok ng asawa. Mukhang iba nga talaga ang nagagawa ng pag-ibig. His mind suddenly wondered about who will be the next groom between him and his other brother, Chase.
Napaismid siya bago kinuha ang kopita ng alak at tuloy-tuloy na nilagok ang laman niyon. Bold of his mind to even wonder. Of course, it's the latter. Chase will surely get married in no time. Way before him.
Tumayo na siya at iniwan ang mga nagkakasiyahang tao. He is never a party-guy anyway, and his family knows that very well. Dire-diretso siyang umalis mula sa reception hall at naglakad palabas.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)
General FictionKind Liliya Belmesova needs cash. A lot of cash. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana umulan ng pera mula sa langit. Just a week ago, she found out that her deceased mother has a huge debt on loan sharks. At naging dahilan...