"Cruel!" Malakas na pagsigaw ni Shyra sa pangalan ng binata. "Cruel, wait! Please! Wait for me." Nagmadali ang babae na masundan siya. Rinig na rinig ang pagtama ng takong nito sa semento.
Ngunit nagmaang-maangan siya. Nagbingi-bingihan. Tuloy-tuloy lamang ang binata sa paglalakad na tila ba walang naririnig. Nagpatuloy siya sa paglalakad sa tahimik na streets ng Paris. Sa katunayan ay kanina pa siya naglalakad nang walang patutunguhan; walang direksyon. He is trying to clear his mind. Kaya naman lakad lamang siya ng lakad kahit hindi niya alam kung saan siya papunta.
He is disappointed by himself. Alam naman niya sa sarili niya noon pa na maiinitin ang ulo niya; na maiksi ang pasensya niya; na mabilis siyang kainin ng kaniyang galit. Ngunit hindi niya matanggap na nagawa niya sa babaeng minamahal ang katangahan niya kanina. Hindi niya matanggap na nasaktan niya ito ng pisikal.
He tasted it. The blood on her lips. Ngunit hindi pa rin siya tumigil. He still put all of his frustrations on their kiss.
"Cruel--- Ay!" Natigilan ang binata sa paglalakad at unti-unting napalingon sa babae. Nakasalampak na ito sa gilid ng kalsada. Natapilok sa sarili nitong sapatos. "Please help me."
Mahina siyang napamura. He gritted his teeth. Napupuno na siya sa babaeng ito. Dumadagdag ito sa galit na nararamdaman niya. Walang kahit anong emosyon ang kaniyang mukha habang papalapit rito.
Yumukod siya sa harap ng babae at sinapo ang pisngi nito.
He smiled at her. Nakita niya kung paano nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. Nagkaroon ng takot sa mga mata nito, at mas lalo pa siyang napangiti doon. This girl has the guts to follow him when her fear is obvious everytime he is mad.
"Stop following me or I'll break your neck." Walang pag-aalinlangan niya itong iniwan sa gilid ng kalsada at nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang kadadaan lamang na sasakyan. Sa likurang bahagi niyon ay tulala sa kawalan ang babaeng kanina pa laman ng kaniyang isip.
"Cruel!" Muling pagtawag sa kaniya ni Shyra. "You know you can't do this to me! Alam mong magagalit si Daddy kapag nalaman niya ang lahat ng ito." Dinig ang pagtama ng takong ng suot nitong sapatos sa pavement dahil sa paulit-ulit nitong pagpadyak ng paa.
Hindi niya pinakikinggan ang babae. Wala na siyang pakialam pa sa sinasabi nito. Wala na rin siyang pakialam sa sasabihin sa kaniya ng ama nito. Basta naikuyom niya ang kamao habang nakatanaw sa papalayong sasakyan. This is now or never. Kapag pinalagpas niya ang pagkakataong ito, baka tuluyan na silang hindi magkaayos ng dalaga. At hindi niya iyon maaaring hayaang mangyari. Hindi siya papayag.
She is his. She is his bride. Hindi iyon magbabago. This is fucking NOW or NEVER. Tila kusang gumalaw ang kaniyang mga paa. Tumakbo siya pabalik sa parking lot ng restaurant at nilagpasan si Shyra na umiiyak sa gilid ng kalsada.
"Cruel! Get back here!" Galit na galit na sigaw ni Shyra. Tuluyan nang nawala ang poise nito na ilang buwan na rin nitong sinusubukang protektahan sa harapan niya. Tuluyan nang nawala ang pagkamahinhin nito at napuno ng galit ang mukha. "You can't leave me here!"
Well he just did. Agad siyang sumakay sa kaniyang kotse at pinaharurot iyon paalis sa lugar na iyon. Madiin niyang inapakan ang silinyador at sinundan ang sasakyan na lulan si Kind. Sinisigurado niyang hindi mawawala sa kaniyang paningin ang sasakyan ng mga ito.
He needs to align everything; to say sorry to Kind; and have everything back to normal. Alam niyang kapag hindi niya iyon ginawa ngayon, pang habang buhay na niya iyong pagsisisihan. Palayo na sila nang palayo sa siyudad, at ang daang tinatahak nila ay pamilyar sa kaniya. Daan iyon malapit sa Puy de Sancy. Pakaunti ng pakaunti ang kabahayan sa doon, kaya pakaunti na rin ang pinanggagalingan ng liwanag sa paligid.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)
General FictionKind Liliya Belmesova needs cash. A lot of cash. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana umulan ng pera mula sa langit. Just a week ago, she found out that her deceased mother has a huge debt on loan sharks. At naging dahilan...