THIRTEEN

656 21 0
                                    

"You are wearing my mom's favorite sandals." Napatingin siya sa sariling mga paa, pagkatapos ay sa binata. Akala niya ay hindi na iyon mapapansin ni Cruel. Kasalukuyan silang nasa loob ng elevator at pababa na sa unang palapag.

"Ah..." she paused for a moment, ibinalik na niya ang tingin sa pintuan. "Ibinigay na niya sa akin. Nakita kasi niyang nakayapak ako. Nahihiya pa nga akong kunin." Pagsasabi niya ng totoo rito. Hanggang ngayon nga ay pinag-iisipan pa rin niya kung tama bang tinanggap niya ang mamahaling sandals na iyon..

"I gave that sandals to her almost two years ago. I bought that for her as a gift for her birthday." Hindi niya alam ang isasagot sa binata. Kaya hindi na lamang siya nagkomento. Ayaw naman niyang sabihin dito na naawa sa kaniya ang ina ng binata kay iyon ibinigay. At mas lalong ayaw niyang sabihin na ang binata naman ang may kasalanan niyon dahil itinapon nito ang kapares ng sapatos niya sa dagat.

Baka masira lamang ang mood nito kapag sinabi niya iyon. At isa pa, mas gusto niyang kasama ang binata nang nasa maganda itong mood, tulad kanina noong nasa kuwarto silang dalawa. Pakiramdam niya ay ibang Cruel ito, hindi katulad noong unang beses silang nagkita.

Saglit siyang natigilan nang ma-realized ang naisip. Gusto niya itong makasama? At saan naman kaya nanggaling ang mga salitang iyon? Bakit naman niya gugustuhing makasama ang lalaking ito na hindi naman niya masyadong kakilala.

Nang makalabas sila mula sa Hotel Buenavista ay agad niyang nakita ang mga katrabaho niya na naghihintay sa labas. Oh no, she totally forgot that they are waiting for her! Bakas sa mga mukha ng mga ito ang pagkainip. Lumingon sa kaniyang direksyon si Ashton, marahil ay nakita siya mula sa peripheral vision nito.

"What took you so long, K---" Iyon sana ang ibubungad sa kaniya ng kaniyang boss ngunit agad itong natigilan nang makita si Cruel sa kaniya lamang tabi. Lumingon na rin sa gawi niya sina Mina at Danita at agad napatingin sa isa't isa.

Halata sa mga mukha ng mga ito ang katanungang What is the meaning of this? Kahit walang mamutawing salita mula sa bibig ng mga ito, alam niyang iyon ang tanong sa utak ng tatlo. Napabuntong-hininga na lamang siya. Nai-imagine na niya ang pangha-hotseat na gagawin sa kaniya ng tatlo mamaya. Kahit wala namang dapat ika-hotseat ay paniguradong uusisain siya ng mga ito at sasabunin ng tanong. Lalong-lalo na si Ashton. Itong boss nila ang palaging gustong nauuna sa chismis. Hindi man halata dito, ngunit ito ang palaging nauuna sa pakikipagchikahan sa kanila nina Danita at Mina lalo na kung tungkol iyon sa love life at sa mga 'fafa.'

Ngayon pa lamang ay naiisip na niya ang mga maaari nitong itanong. Kala mo ay isa siyang high school student na pinaghahandaang maigi ang mga tanong ng panel sa isang research defense. Teka nga lamang, bakit ba niya iyon sinusubukang isipin at pinagkakaaksiyahan pa ng panahon gayong wala namang namamagitan sa kanilang dalawa ng binata? Wala naman siyang dapat ikatakot, hindi ba?

Wala nga ba? Wala nga bang namamagitan sa inyong dalawa at talagang wala ka nga bang dapat ikatakot? Tanong ng kaniyang suwail na isip. Kung nagkatawang tao lamang iyon ay baka kanina pa niya iyon sinabunutan dahil kung anu-ano ang pumapasok na tanong roon.

***

Makahulugang tingin ang ibinigay sa kaniya nina Danita, Mina at lalong lalo na si Ashton. Kasalukuyan silang naglalakad patungo sa restaurant ni Cruel. At oo, kasama nila ang binata. Nauuna lamang ito ng kaunti sa paglalakad mula sa kanila. Nang nasa elevator pa lamang kasi silang dalawa kanina ay nasabi nito sa kaniya na ang restaurant din pala ang pupuntahan nito bago pa siya nito makita kanina.

Nagsisimula nang dumilim ang kalangitan. Banayad na ang hampas ng alon at nagsisimula na ring lumamig ang hangin. Marami pa ring nakatambay na bakasyunista sa gilid ng pampang. Ang iba sa mga iyon ay magbabarkadang nagkukuwentuhan. Mayroon ring ilang nagna-night swimming.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon