FORTY EIGHT

594 14 1
                                    

"Come on, I will show you something," may ngiti sa mukha ng binata nang sabihin sa kaniya ang mga katagang iyon. Inabot nito ang kaniyang kamay.

"Cruel, where are we going?" Kunot ang noo niyang tanong. May ngiti rin sa kaniyang labi. Naiintriga siya sa kung anuman ang balak ipakita sa kaniya ng binata. Isa pa, papalubog na rin kasi ang araw. Malapit nang kumagat ang dilim, kaya hindi niya alam kung bakit ngayon lamang naisipang ipakita sa kaniya ng binata kung anuman ang gusto nitong ipakita.

Naglakad sila patungo sa kung saan. Hinahawi ng binata ang matataas na halaman at malalaking dahon na kanilang nadadaanan, habang ang isang kamay ay mahigpit ang hawak sa kaniyang kamay. Hindi mabato ang daan, sa katunayan ay talagang nilinis ang trail. Mukhang pinaayos ni Cruel and daan sa kung saan man sila pupunta kaya kahit nakayapak sila ay hindi nasasaktan ang kaniyang mga paa.

Ilang minuto rin silang naglakad. Mula sa kanilang nilalakaran ay nadinig niya ang malakas na pagragasa ng tubig. Mukhang may ilog malapit sa kanila.

"We are here," maiksing sabi ng binata. Kumunot ang kaniyang noo nang makitang nasa tapat sila ng isang malahiganteng bato. Ang ibang parte ng bato ay natatakpan na ng baging na sadsad na hanggang sa lupa. Hindi iyon nakatatakot na baging, mas mukha pa nga iyong ligaw na gumagapang na damo na may maliliit na bulaklak. The place looks untouched.

Napansin naman ng binata ang kaniyang pagtataka sa kaniyang mukha. Kaya naman segundo lamang ang nakalipas nang hawiin nito ang mga ligaw na baging, at tumambad sa kaniyang mga mata ang isang napakagandang kweba.

No. It is not a cave. Dahil kita niya ang dulo niyon. It is more like a doorway to a hidden paradise, like that wardrobe in The Chronicles of Narnia. Hinatak siya ng binata papasok roon at muling hinawi ang mga ligaw na baging sa dulo niyon. And there, what she saw is the works of God. Isa iyong waterfalls. Hindi iyon masyadong mataas ngunit napakaganda niyon.

"Woah..." she gasped. May tago pa palang ganda ang islang ito.

"Come on," pagyaya ng binata.

Huh? May iba pa bang gustong ipakita sa kaniya ang binata? Tanong ng kaniya isip. Hindi nito binibitawan ang kaniyang kamay. Muli siya itong sinundan patungo sa kung saan. At namilog ang kaniyang mga mata Nang tumigil sila sa isang puno na may mataas na hagdan na gawa sa kahoy. Napatingala siya, sinusubukang silipin kung ano ang nasa dulo ng hagdan sa itaas ng puno. Ngunit dahil masyadong mayabong ang mga dahon ng puno ay natatakpan niyon ang dulo ng hagdan.

"Cruel...? What is this---" Binitawan nito ang kaniyang kamay at nagpatiunang umakyat sa hagdan. Nang tingnan siya nito ay ine-encourage siya nitong sundan ito.

Kaya naman wala na siyang nagawa at sinundan na lamang ang binata pataas ng puno. Paminsan-minsan ay napapalingon siya sa pinanggalingan sa ibaba. Nang malapit na siya sa dulo ng hagdan ay inabot ng binata ang kaniyang kamay, at tinulungan siyang makaakyat sa isang animo'y entabladong gawa sa napakalalaking mga kawayan. Para iyong isang malaking balsa sa itaas ng puno, at halatang kagagawa lamang niyon dahil kulay berde pa ang mga kawayan.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Cruel. Nalulula siya at malakas din kasi ang hangin sa itaas. Dinala kasi niya ito sa may bingit ng kawayan malapit sa railings na gawa rin sa mga kawayan.

"Trust me. It is safe," Cruel gave her an encouraging smile. "Look."

Sinundan niya ng tingin ang itinuturo nito, at ganoon na lamang ang kaniyang pagkamangha sa nakita. Mula sa kung nasaan sila ay kitang-kita lamang naman niya ang halos kabuuan ng isla. Agad na nawala ang takot at pagkalula na nararamdaman niya. Kita niya ang Mansyon ng binata sa hindi kalayuan, ang puting-puting buhangin na kanilang pinanggalingan, ang malalaking bato, ang falls. Ang inakala niyang ilog kanina ay isa palang magandang talon. At higit sa lahat, kita niya ang paglubog ng araw sa malawak na karagatan. Nagre-reflect ang kulay kahel na paglubog niyon sa banayad na tubig. Nagkukulay kahel na rin ang dagat, at maya-maya pa ay tuluyan nang kumagat ang dilim kasunod niyon ay ang pagkukulay ube ng buong paligid.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon