TWENTY NINE

631 23 2
                                    

Hindi makapaniwala si Kind habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. They are really in Paris! Iyon ang kauna-unahang beses na nakapunta siya sa bansang iyon. Mula pa kanina nang makababa sila ng eroplano ay hindi na niya maitago ang excitement. At ngayon, mas lalo pang tumataas ang excitement niya habang nakikita ang seaside at ang Eiffel Tower. Madilim na ang kalangitan nang makarating sila sa bansang iyon. At ang nagpapaliwanag sa paligid bukod sa buwan at mga bituin ay ang liwanag na nanggagaling sa abalang siyudad. The City of Love is really beautiful. No wonder why this is the place that so many people dream to visit.

Isinandal niya ang likod sa malambot na sandalan ng kinauupuan. Hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi. She'll make sure to take tons of pictures later. At ipapakita niya iyon kay Kleyser pati na rin kay Hiraya.

"You are very excited, aren't you?" Komento ng kaniyang Kuya Treb na katabi lamang niya sa likurang bahagi ng sasakyan. "You are smiling. Kulang na lamang ay mapunit ang labi mo."

"Yeah, I am excited. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na nakarating ako sa bansang ito." Nakangiting sabi niya.

"I know. Mom was strict, was she? She never let you go away especially on places that was far from her." Tama ito, ganoon nga ang kaniyang ina. Istrikta ito at konserbatibo, at kahit halos nalibot na nila ang buong Russia dahil sa pagpapalipat-lipat ng tahanan ay madalas siyang hindi payagan ng ina sa pagsama sa mga lugar na hindi siya nito mababantayan, kahit pa si Hiraya ang kasama niya, o kahit sa field trip na minsan ay nire-require ng eskwelahan.

Realizing that now, buong buhay pala niya ay bantay-sarado siya ng kaniyang ina. Ngayon lamang niya iyon napagtanto.

She suddenly misses her overprotective mom. Napabuntong-hininga na lamang siya roon.

"Saan nga pala tayo pupunta?" Kapagkuwan ay tanong niya sa katabi. Nakita niyang abala sa pagbubuklat ng men's magazine ang kaniyang kapatid.

"You'll see." Maiksing sagot nito bago isinara ang magazine at ibinalik iyon sa lagayan sa likod lamang ng driver's seat, kung saan tahimik na nagmamaneho si Zyke. Tikom ang labi nito at seryosong-seryoso ang ekspresyon habang nakatitig sa kalsada. He looks intimidating as always.

Ibinalik niya ang tingin sa bintana. She's trying to remember those places. Tinatatak niya sa kaniyang isip ang mga nakikitang lugar sa labas ng sasakyan dahil hindi niya alam kung makakabalik pa ba uli siya sa bansang iyon.

***

"Kind, we are here." Naalimpungatan si Kind sa mararahang pagtapik sa kaniyang balikat. Nang maimulat niya ang mga mata ay ang mukha kaagad ng kaniyang kapatid ang bumungad sa kaniya. "Come on. We're here." Muling sabi nito.

Nakarating na pala sila sa kanilang destinasyon. Ni hindi nga namalayan ni Kind na nakatulog pala siya sa biyahe. Inalalayan siya ng kaniyang kapatid na makababa mula sa sasakyan. Kinusot pa nga niya ang kaniyang mga mata nang makababa. Medyo malabo pa kasi ang kaniyang paningin dahil sa biglaang paggising.

Ngunit agad siyang natigilan nang mapansin kung ano ang nasa kaniyang harapan. Natigilan siya nang mapansin ang paligid. Umawang ang kaniyang labi, naibaba niya ang kamay na kumukusot sa mga mata kanina.

It was a freaking mansion. In the middle of nowhere. Yeah, they are in the middle of nowhere! Kahit madilim ang paligid ay kitang-kita niya ang matataas na puno sa paligid, pati na rin ang kabundukan sa hindi kalayuan. Walang ibang bahay o gusali roon bukod sa mansyon sa kanilang harapan. Pawang mga puno at mga ligaw na damo lamang.

Where on earth are we?

"Don't worry, we are still in France." Tila nabasa ng kaniyang kapatid ang kaniyang iniisip. "Come on."

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon