SEVENTEEN

658 23 0
                                    

"WHAT?!" Hindi niya makapaniwalang sabi.

"Well, it was your only option. Just accept my condition and all you worries will be gone." Kitang-kita ni Kind kung paano magkibit-balikat ang binata habang prenteng nakaupo sa swivel chair nito. Ngunit hindi iyon sa opisina ng binata, kundi ang opisina nito sa penthouse! Yep, dinala lamang naman siya ni Cruel sa penthouse mismo nito.

"Your condition... is a freaking marriage. How would I decide immediately for that." Alam niyang kitang-kita na sa kaniyang ekspresyon ngayon na hindi siya makapaniwala sa pinagsasasabi ng binata.

"I am not saying that I need an answer right away. I'll give you a day to decide," sabi ng binata habang mataman na nakatingin sa kaniya. Tila wala itong pakialam sa pagkabigla na naka-plaster sa kaniyang mukha.

"A DAY?" She exclaimed. How can she decide for just a day? One day is such a short time. Especially if what you needed to make a decision about is your own freaking marriage!

"Yes. A day. I am pretty sure that twenty four hours will be enough." Rinig na rinig sa buong opisina nito ang tunog ng pagpilas nito ng cheque. "A million for a marriage. If you agreed to my condition, you will solve both our problems."

How everything ended here if you may ask?

Well, here it is.

"Aren't you gonna ask?" Tanong niya sa binata. Umangat ang tingin niya kay Cruel. Tahimik silang magkatabi sa loob ng elevator. Hindi nakatingin sa kaniya ang binata. Ang dalawang kamay nito ay nasa loob ng bulsa ng khaki shorts nitong suot at ang mga mata ay diretsong nakatingin sa pintuan ng elevator, hinihintay makarating sila sa unang palapag.

"I'm not in the position to. But if you want to share it with me, I will listen. I am always willing to listen." Doon pa lamang tumingin sa kaniya ang binata. Nagtama ang kanilang mga mata. "I am not very good with words, but I am actually a pretty good listener."

She was mesmerized by his eyes. Para siyang palaging nahihipnotismo ng mga iyon. Ibinalik na ng binata ang mga mata sa pintuan ng elevator, habang siya ay natuon naman ang tingin sa sahig niyon.

"Baon ako sa utang." She bravely said. For once, gusto niyang may mapagsabihan niyon. Alam niyang dapat niyang ikahiya ang bagay na iyon, lalo pa at basta na lamang niyang iniwan ang mga utang na iyon sa Russia, at ngayon ang kaibigan niya ang nagdudusa doon. Ngunit matapang niyang sinabi iyon sa binatang katabi dahil una: tiwala siyang hindi nito ugaling magsabi ng sikreto sa iba, at ikalawa: hindi magtatagal ay aalis na rin naman siya sa islang iyon, babalik sa Maynila, at makalilimutan ang binatang ito.

At maging siya, alam niya sa sariling pagkatapos ng panandaliang pahinga niya sa islang iyon, makalilimutan din siya ng binata.

"I already told you that I am looking for my father and my older brother, right?" She paused for a moment, eyes are still fixed on the floor. "I am looking for them to get some help. To pay all those debts. I did not even know that my deceased mother was deeply indebted to loan sharks, and her debts were passed down to me like some kind of inheritance."

Natawa siya kahit wala namang nakatatawa sa sitwasyon niya. It was a sarcastic laugh. Kung bakit nga naman kasi sa lahat ng bagay na maaari niyang manahin, utang pa. How ironic it was? To inherit a huge sum of debt.

"Your mother... is deceased?" Saglit siyang napatingin sa binata. He is looking intently at her.

Tumango-tango siya. Sakto namang nag-ding na ang elevator at bumukas ang pinto niyon. "Yeah, ilang buwan pa lang ang nakakalipas." Sabay silang lumabas mula roon. Dire-diretso silang lumabas ng Hotel Buenavista. Parehas silang walang patutunguhan, basta naglalakad lang sa buhanginan. Pinapanood ang mga hampas ng alon sa dagat pati na rin ang ibang mga taong naglalakad rin sa dalampasigan.

BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon